Chappy 2

0 0 0
                                    


*Tooot*

*Tooot*

*Toot*

*Toot*

aish, napakaingay ng alarm clock na to !!
inilabas ko ang kamay ko sa kumot ko at kinapa ang alarm clock sa side table ko at pinatay ito tsaka bumalik sa pag tulog.

Pero wala pang 10 minutes ang nakakalipas, tumunog ulit yung alarm ko pero this time hindi yun alarm galing sa side table ko, kundi alarm ko yun sa cellphone.

"oo na, eto na o tatayo na tsss. bwisit na alarm clock" irita kong sabi.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ito.

'Skype with mon and dad' basa ko sa Reminder na naka sulat sa screen ko.

"Ay, oo nga pala sunday ngayon free day nila" bulong ko sa sarili ko.

bumangon nako at dumiretso sa cr para maghilamos at mag toothbrush.

Pagkatapos ko gawin ang ritwal ko bumaba nako para buksan ang T.v, mamaya kasi tatawag na sila mom.

pumunta nako sa kusina para mag handa ng almusal mag titinapay na lang ako tinatamad ako mag luto, pinalamanan ko yung dalawang sandwich at nag timpla ng kape, pagkatapos nun pumunta nako ulit ng sala narinig ko kasing natunog na yung t.v natawag na sila mom through skype.

"Good morning, mom and dad" bati ko sa kanila.

"coffee you want ?" pang aalok ko sa kanila.

"Good morning Mavi !!" Mom & dad

"oh anong breakfast mo ?" tanong ni mom.

"bread and coffee" sabi ko sabay pakita sa kanila ng kape at tinapay.

"bakit yan lang ang kinakain mo, should we hire a maid for you ? para naman may kasama ka sa bahay at may mag luluto ng pagkain para sayo nangangayayat ka na oh" sabi ni mom sakin.

"ah, NO mom. im ok, hahaha ngayon lang naman po ako nag breakfast ng bread and coffee eh !! diet po muna ako today hehe" sagot ko sakanya.

"nako dalaga na talaga ang anak namin, kaya ng mag isa pwede ng mag asawa" pang aasar sakin ni dad.

"dad naman matagal na po akong dalaga, di po ba kayo nainform, tsaka sandali po Asawa ? dad naman bata pako para dyan" pabiro kong sagot.

"nga pala mavi, speaking of pag aasa---" ha ano daw ? nawalan ng connection bwisit naman oh !! Kakabayad ko lang ah !!

tumayo ako at pumunta sa kwarto para kunin yung cellphone ko at mag reklamo sa PLDT.

maya maya lang eh bumalik na agad ang connection ng internet kaya lang di ko na macontact sila mom. sandali nga lang naputol yung sinabi ni daddy sakin dont tell me ipapakasal niya na ako. Wait, that's a NO NO NO NO NO ! as in NO !!

Nag hihintay pako ng milagro, baka sakaling mabuhay ang mga fictional characters na pinapantasya ko, HARRY POTTER, BRYAN GO, BRYLE, CROSS, KEAN, GIAN and many many more sila ang mga lalake sa buhay ko. Ang nag bibigay ng panandaliang kilig sakin.

T___________T Bakit sa libro lang sila nabubuhay ? BAKIT ? sabihin niyo sakin kung bakit ? Nakakaiyak.

Busy ako sa pag dadrama dito ng tumunog ang doorbell ng bahay, agad akong tumayo at pumunta sa pinto para buksan ang kung sino mang ang bisita ko ng gantong oras, imposibleng si myrtle to dahil sa mga oras na to ay nahagok parin yun, member kasi ng #NoSleepSquadBecauseOppaIsLife. yan grupo ng mga adik sa Kdrama at Kpop !!

Binuksan ko ang gate at tumambad sakin ang Dalawang lalake, Dalawang gwapong Lalake. Isang cute na mukhang babae na lalake at isang sobramg gwapong lalake.

"Annyeonghaseyo" bati nilang dalawa sakin tsaka nag bow. tinaasan ko sila ng kilay dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi nila.

teka nga baka nag tatanong lang ng direction. baka naliligaw lang tong mga to o baka nagkamali lang ng bahay na napuntahan.

"Hi, im Reecy-imnida *bow*"

"Hi, im Clee bryle-imnida *bow*"

sandali bakit ba panay ang bow nito, tsaka ano daw Reecy imnida at clee bryle imnida ? magkapatid sila pareho siguro sila imnida apilyedo nila hmmm.

"ah, hello. Sino kayo tsaka anong ginagawa niyo rito sa bahay ko ?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan muna sila bago sumagot.

"ah, do you know who is Weign jensen ?" tanong nung mukhang babae na lalake.

weign jensen? Sino yun.

"ah NO, why ?" tanong ko sa kanila

"eh kasi kaibigan namin siya sabi kasi niya samin pumunta raw kami dito sa bahay niya here" sabi niya sabay abot sakin ng papel.

'Hey idiots, go to my house blk. 6 Lot 9 Forever subdivision, Las piñas city.

- Weign

yan yung naka sulat dun sa papel, sandali ano daw bahay ko ? kailan pa naging pag mamay ari to ng Weign na yun ang bahay ko ? HIBANG ba siya ?

"ah hahahaha, sandali ah !! ako ang may ari ng bahay na to, im Kaileen not Weign"sagot ko sa kanila !! kailan pa nagkaroon ng Weign jensen dito sa bahay ko sa pag kakaalam ko ako lang ang nag iisang naka tira dito.

"hmmm, but this is blk 6 Lot 9 rigth ?" tanong nung Clee

"Yes" tipid kong sagot

"then let us in" sabi niya.

WHAT AM I STUPID? WHY WOULD I LET THEM IN, THIS IS MY HOUSE AND I DONT EVEN KNOW THEM AND THAT WEIGN GUY !!

"why would i ?" sabi ko sakanya.

"uhm, miss just let us in, were not bad guys as you think !! the owner of this house and i are good friends i swear please let us in !! please." sabi nitong cute mukhang babae !!

"ok, i will let you in but, the onwer of this house is me, not that kyree guy !! and wait let me talk to your friend tss" sabi ko ng naiirita. pinapasok ko na sila kasi mukhang nilalamig na yung isa.

di ko rin alam kung bakit ang lamig ng panahon ngayon sa pinas eh.

"hi-- im mean her house is huge" sabi nung reecy guy pagkapasok niya sa loob ng bahay.

"you want coffee ?" tanong ko sa kanila nakakahiya naman kasi bisita eh.

"Yes please" sagot nung reecy ang cute niya !!!

"yes" sagot naman nung isang cold na lalake.

pumunta ko sa kusina para ipag timpla sila ng kape ginawan ko na rin sila ng sandwich.

dinala ko na sa sala yung kape at tinapay nadatnan kong may kausap yung clee sa cellphone.

' Yes, were already here ! where are you ? '

'Come here now hyung'

'there's a girl here ? paanong nagyaring bahay mo to siraulo ka ba ?'

'go home now ppalli'

yan yung mga sinasabi nila sa phone. naka talikod kasi sila sakin kaya di nila ako napansin. Nilapag ko na yung tinapay at kape sa mini table dito sa sala.

"kamsahamnida/ thankyou" Sabay nilang sabi. bakit magka iba ? -_________- hayaan na nga, baka alien lang yung isa !!

"ah, nga pala sino yung kausap mo ?" tanong ko dun sa clee.

matagal siya bago sumagot.

"weign" tipid niyang sagot.

"Ah" sagot ko naman.

"oh, is that you ?" tanung nung reecy sakin sabay turo dun sa picture frame na may litrato ko nung graduation nung High school.

"ah yeah" tipid kong sagot.

Crazy things Happened.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon