Badtrip.
Nakita ko sya kanina.
Kasama yung girlfriend nya. Bitch talaga! Bakit ako bitter sa kanya ?
Kasi naman mas maganda ako sa kanya. Mas matalino. Lamang na lamang nga daw ako sabi ng friends ko. Kaso , talo nya ko . Kasi naman sya ang panalo sa puso nang lalaking mahal ko.
Bumped! Shocks! Nabangga ko si crush my labs! "S—sorry" I managed to utter.
"Tumingin din kasi sa dinadaan!" pagalit niyang sabi. Tapos nilampasan ako.
I blinked three times.
Nakabangga ko sya. Ang pinakamalapit na distansya ever recorded in the history of our lives.
Yun din ang pinakamahabang sentence na binitawan nya sakin, ang nakaka-lungkot lang mukhang galit sya.
Nalaman ko kinabukasan, break na sila! Yey! Party pipol!
De joke. So kaya pala bad mood kahapon. Sabagay ikaw ba naming makita mo ang jowa mo na nakikipag-make out sa loob ng kotse. Masisiyahan ka ba?
Nakita ko siya bleacher ng gym. Umiinom----ng tubig.
Katatapos lang ata ng praktis nila.
Nakita nya ako. "what are you doing here? Bawal ang hindi player dito."
Alam ko naman . Bat ba ang sungit neto. (stalker ako, i have my ways)
"Kaya pala pwede dito yung ex mo, player nga pala sya.. player ng lalaki." I muttered. Asar eh.
Tumawa lang sya. "You're funny. I like that."
"Sus! Bitter ka lang."
"Syempre masakit parin e."
Tiningnan ko lang sya. He's in pain, I can tell " Tsss. Eto pain killer." Inabot ko yung gamot at tumalikod paalis.
Nabigla ito. Mayamaya'y tumawa. "Thanks Elise!"
Nag –OK sign ako habang nakatalikod.
Wait! Kilala nya ko?
O/////////////O