Chapter 3

4 0 0
                                    

I am copying literally everything na sinulat ng teacher namin sa Math sa board. Verbatim.

I don't wanna miss anything baka ito pa ang dahilan kung bakit hindi ko maiintidihan ang lessons.

"Whoa ang serious natin ngayon ah?" Napatingin lang ako kay Mark habang nakakunot ang noo, pero hindi ko namang mapigilang medyo umangat ang gilid ng labi ko

"Yeah" sabi ko na binalik yung atensyon ko sa aking sinusulat "Hindi ko lang gusto na may mamimiss ako"

"Kung hindi mo gustong may ma-miss ka, edi huwag mong layuan"

"Whoa hugot!" Napailing nalang ako at napangisi. Parang madali lang sakanyang bumanat, may pinagdadaanan ba ang isang to?

*Bell Rings*

"Okay class dismiss" sabi ni Miss Fontanueva kaya kaagad kong niligpit lahat ng gamit ko at isinukbit yung bag para lumabas na ng room.

"Mark, una na ko ah?" Pamamaalam ko

"Huy saglit! Hintay lang!" Tumakbo naman siya at inunahan ako palabas ng classroom. "Sabay tayo"

"Sige, ikaw bahala" lumabas na ako ng classroom at lumakad na kasabay si Mark. Pumunta kami sa aming mga locker para ilagay doon ang mga libro ng subjects na wala kaming assignments.

"May susundo ba sayo?"

"Ahh parang ganun na nga, sasabay ako kay kuya pauwi, bakit naman?" Naglalakad na kami patungong parking lot, pansin ko na medyo binabagalan niya yung paglalakad niya, para siguro hindi siya mauna sakin. Ako na kasi ang mabagal maglakad.

"Wala naman" umiiling niyang sabi "Nagtatanong lang" tumango naman ako sa sinabi niya at nakita ko na si Kuya nakasandal sa kotse niya kaya binilisan ko yung lakad ko dahil mukha na siyang naiinip. Napalingon si Kuya sa gawi ko at napangiti. Napangiti narin ako at handa na siyang yakapin pero tumakbo itong katabi ko at niyakap si Kuya.

Eh?

"Bro!" Magiliw na sabi ni Mark at tinapik yung likod ni kuya habang nag "man-hug" sila

"Bro! Kailan ka pa dumating?" Para namang mapupunit na ang labi ng kuya ko sa kakangiti kaya napasimangot ako, akala ko pa naman ako ang dahilan kung bakit ngumiti si Kuya dahil na miss niya yung bunsong kapatid niya, hindi naman pala.

"Just two days ago"

"Naks! May english accent ka na!" Tumawa naman silang dalawa dahil sa biro ni Kuya. Kilala pala nila ang isa't isa?

Tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon at binigyan sila ng hello-nandito-pa-ako look.

"Ah bro, kapatid ko pala, si Rhoa" nakita ko namang lumiwanag yung mukha ni Mark dahil sa sinabi ni Kuya.

"Ahhh kilala ko na siya, classmates kami actually" prenteng sabi ni Mark habang ang kanyang mga kamay ay nakalagay sa bulsa ng slacks niya.

"Kuya, bakit hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Mark?" Bulong ko kay kuya pero mukhang narinig ako ni Mark dahil siya ang sumagot.

"Actually, nagkikita lang kasi kami tuwing summer camp tapos malayo pa yung bahay namin noon dito kaya hindi niya ako naipakilala sa inyo" aniya "At nung nag grade 7 na ako ay tumira kami sa Chicago tapos bumalik kami dito ngayon, buti nalang talaga K-12 na yung curriculum dito dahil baka hindi ko alam kung paano ako mag-aadjust."

"Sayang naman, kung sakali sa California kayo tumira baka nagkilala na tayo" sabi ko naman sa kanya

"Galing ka rin sa states?" Magiliw niyang tanong, at tumango naman ako "Whoa! Sana dun nalang kami tumira"

"Ehem" Nakuha naman ang atensyon naming dalawa ni Mark at napalingon kay Kuya.

"I'm still here you know" seryoso niyang sabi kaya  napatawa kaming dalawa ni Mark.

"Ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam" sabi ko na tumatawa

"So, dinner sa bahay namin?" Sabi ni Kuya

"Sure, sure. I'm sure Tita wants to see me too"

Pumasok na silang dalawa sa kotse at naiwan ako nasa labas. Hindi kasi ako makapasok dahil sa isang bagay na biglang pumasok sa isip ko.

Parang hindi naman.

Oo nga, napaimposible ng naiisip ko

Pero pwede rin eh

*HONK!*

"FREAKING PETE!" Sigaw ko habang napatalon sa gulat. Narinig ko namang napatawa si Mark sa reaksyon ko pero si Kuya, nakatingin lang sa akin na parang naiirita.

"You coming or not?" Napa roll eyes nalang ako sa sinabi niya, sungit talaga nito. "Whatever"

"Huy! Kuya!" Pinatakbo niya kasi yung kotse kaya napatakbo rin ako. Huminto siya at agad ko namang binuksan yung pinto at pumasok.
Nakasimangot akong nakaupo sa backseat habang ang dalawa ay tawa nang tawa. Tingnan mo to si Kuya, kanina lang ang cold, may pa 'Whatever whatever' pa, 'tas ngayon nakatawa na, bipolar yata ang isang to eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sudden AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon