prologue

3.3K 52 10
                                    

"Paano kung malaman mong mahal ka ng taong mahal mo at ang taong gusto mo, sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa?"

Yan ang laging tanong sakinng dalawa kong besties, na palagi ko ring pinag-iisipan.

Sino nga kaya sa kanilang dalawa ang pipiliin ko kung ganon nga ang mangyari?

Hay nahahawa na yata ako sa kabaliwan ng mga kaibigan ko.

Hay life paano nga kung ganon ang mangyari sino sa kanila ang pipiliin ko, sino ang susundin ko si mr.heart o ang isipan ko.

Nandito ako ngayon sa room namin MAG-ISA. Break rin kasi namin at hindi ko rin kasama yung dalawa, nagbreak. Iniwan ba naman ako, di man lang sila nagpaalam, true friend nga naman nang-iiwan.

Ayoko rin kasing lumabas dahil tinatamad ako saka gusto ko ring tapusin 'tong drinodrawing ko ngayon sa sketch pad ko, halos paubos na nga eh kakadrawing ko pero hindi lahat drawing ko, minsan kasi kinukuha ni Glennie ang pad ko kaya lagpas page tuloy ako.:(

Nagha-highlight na ako ng biglang may tumabi sakin na siyang ikinagulat ko.

Pagtingin ko.......

Mas lalo lang akong nagulat.

Nakita niya ang naging reaction ko kaya napangiti siya.

"Bakit parang gulat na gulat ka eh magkatabi lang naman tayo kanina ah." sabi niya ng nakangiti.

"Ahh....ehh...." wala akong masabi na mental block na yata ako.shems.

"Ang cute mo talaga kaya gusto kita eh."

"Ha? Ano yung huli mong sinabi?"

"Ha? Ahh sabi ko bakit di ka lumabas para magbreak."

"Ahh...yun lang naman pala kala ko kung ano na. Ah tinatamad lang kasi ako kaya heto ako ngayon." sabi ko ng nakangiti.

"Ahh ganon, hati nalang tayo nitong siopao para kahit konti may laman yang tyan mo" sabi niya sabay lahad sakin yung siopao niya.

Tatanggapin ko kaya?

Umiling nalang ako bilang sagot saka ngumiti.

"Ano ka ba kunin muna wag ka ng mahiya" sabi niya sabay lagay ng siopao sa kamay ko

Shems pano ko makakain 'to kung nasa tabi ko lang siya, tapos pinapanood niya pa ako.

Sa tingin ko nga pulang pula na ang pisngi ko sa sobrang kilig at kaba. Anong gagawin ko....

Can't Afford To LoveWhere stories live. Discover now