Chapter 2

4 0 0
                                    

"O, Lis! Saan ka na naman galit?" tanong sakin ni Aena noong magkasama na kami sa washroom at naghahanda na para umuwi. Well, si Aena lang ang naghahanda kasi andyan na ang boyfriend nya. Ako naman eh tig-isang stroke ng suklay sa kanan, kaliwa at likod ng ulo ko sabay pulbo tapos umupo na ko sa table at nag-halukipkip with matching simangot.

"Eh kasi asar na asar ako dun sa naghanap sayo kanina eh. Dun sa library! Ang kapal! Sinabi ba naman na itapon ko na lang daw yung libro na bigay mo kasi daw walang kwenta yun! Eh dyusmiyo, ang kitid ng utak!"

Tumatawa si Aena. Actually, automatic response na ni Aena ang tumawa. Sabihin mong wag syang gagalaw kasi may ipis sa ulo nya, tatawa muna sya bago mag-panic. Haha. Ang cute lang. Pero hindi! Galit ako sa mokong na yun at magsstay akong galit sa kanya!

"Grabe, Lis eh kaninang lunch pa yun ah! Kinimkim mo talaga hanggang uwian?"

"Hindi naman hanggang uwian. Di naman ako hunghang para sya ang isipin ko during class nu," kinuha ko yung mascara nya at binuksan sabay pinaglaruan. "By the way, nagawa mo yung case presentation mo kanina before yung class mo?"

"Ah, oo. Na-late pa nga yung partner ko eh. Ewan ko ba dun, hinanap daw nya ko kasi. Pero OK naman, nakapasa naman kami."

"Ahh."

Tumahimik ako nun kasi wala na kong masabi. Pinanood ko na lang si Aena na mag-ayos ng sarili. Hay. Kelan kaya ako mangangailangan na mag-ayos ng sarili ko kasi may naghihintay sakin sa labas pagka-uwi ko?

"Tara na?" sabi sakin ni Aena. Tapos na pala sya kaya bumaba na ko sa table. "Gusto mo sabay ka na samin ni Xander? Dun kami pupunta sa malapit sa condo mo."

"At utang na loob ko pa sa kanya ang hangin na hinihinga ko sa loob ng sasakyan nya? Wag na, may pandagdag lait na naman yun sakin."

"Hindi ka naman nya nilalait ah," naka-ngiti si Aena pero halatang hindi sya masaya sa sinasabi ko. Kahit totoo naman. Syempre alangan naman laitin ako ng harap-harapan ng Xander na yun. Well, truth be told di naman nya ko nilalait. Pero andun yung tension samin pag magkakasama kami nila Aena. Alam kasi naming di namin gusto ang isa't isa.

"Fine, eh di hindi," hindi ko na ginatungan pa kasi may puso naman ako kahit paano. Hehe. At saka ayokong nasasaktan si Aena. Eh possessive at selfish akong kaibigan eh. Bakit ba.

______

So anyway, dahil nga sa mag-isa akong umuwi ngayon eh dumiretso muna ako sa Coffee Bean and Tea Leaf dun sa mall na malapit sa condo ko. Actually di naman akin talaga ang condo. Hati kami ng pinsan ko dun at parents ko ang nagbabayad ng share ko at dun naman sa pinsan ko eh sya na mismo kasi nagtatrabaho sya. Call center agent sya at pang-gabi lagi kaya salungat kami. Pabor sakin ang setup kasi feeling ko ako lang talaga mag-isa ang nakatira dun. Feeling sossy ang lola mo!

"Hi, isang red velvet na large po," order ko sa kahera. Hindi ako pwedeng umorder ng may kape kasi maaga ako dapat matulog; maaga kasi ang duty ko bukas. Habang naghihintay ng resibo eh sumisipat sipat na ko sa paligid ng mauupuan ko. Pag ganitong oras kasi na uwian eh marami ang tao. Lalo pa at nasa loob to ng mall.

Inabot sakin ng kahera yung disc na nagvi-vibrate pag OK na yung order mo tapos pumunta na ko sa chair na nasipat ko. Kaya lang hindi pa nalilinis eh. Umupo na rin ako, hihintayin ko na lang na linisin nila to.

Kinuha ko ang Ipod ko sa bag at nagsaksak ng earphone sabay full volume sa favorite kong kanta ngayon: Broken Ones ni Dia Frampton. Sa mga hindi pa nakakarinig nito, pakinggan nyo kung hopeless romantic kayo. Pag hindi, wag na lang. Baka mabuhay pa sila Andres Bonifacio pag nagalit kayo sakin.

Mga apat na repeat ng song eh nagvibrate na yung disc ko kaya naman dali-dali akong tumayo.

Tapos biglang nagbaga ang likod ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Wallflower's DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon