Chapter 1 - Flashback

42 6 1
                                    

Lorraine's POV

(11 years old)

"Kuya. Asan na sila mommy?"

"Pa-uwi na sila Ryry (Riri). Ready ka na ba?"

"Yes kuya." Umupo na ako ulit sa sofa at hinintay sila mama.

November 2 ngayon, birthday ko. Pupunta kami ng mall para magcelebrate.

May family business kami. Isang clothing company. At dahil dun nahilig na akong magdrawing at magdesign ng mga damit.

Pangarap kong maging fashion designer at ang magiging mga model ng mga damit ay aking mga bestfriends na sina Chelsea, Vanessa, at Lia. Promise namin 'yon at pangarap din namin na dapat ay sabay-sabay kaming sisikat.

Bukod sa kanila, may isa pa akong bestfriend. 'Yun ang kuya Luke ko. Close kami dahil 2 taon lang ang pagitan namin. Mahal na mahal ako ni Kuya at mahal na mahal ko rin siya. Siya kasi ang madalas kong kasama dahil busy ang mga magulang namin sa business.

Andami ko ng nakwento pero wala pa din sila mama. Hay. Pero yaan mo na. Sanay na ako.

Dahil kasi sa business namin gabi na umuuwi sila mama at papa. Minsan nga 'di ko na mapigilan 'di magtampo eh pero dahil mahal ko sila, hindi ako nagagalit.

"Kuya. Wala pa ba?" Inip na tanong ko kay kuya.

"Malapit na sila." Sagot niya naman.

"Eh kuya! Kanina mo pa sinasabing malapit na sila pero wala pa rin naman! Asan na ba kasi sila?!" Aish. Na-iiyak na ako dito.

Naman kasi eh! Kanina pa kami naghihintay. Kahit ngayong birthday ko lang sana maaga sila umuwi para makapagbonding na kami.

"*sigh* Ryry, wag ka na ma-inip. Ganito na lang. Tatawagan ko na lang sila."

*kring* * kring* *kring*

Nung sinagot ni Mama yung tawag, niloud speak ni kuya para marinig ko.

On the phone: Hello. Anak?

Kuya: Ma, asan na po kayo? Kanina pa kami naghihintay.

Mama: Anak. Baka kasi....... matatagalan pa kami. Baka 'di na tayo maka-alis dahil gabi na.

Hays. Sabi ko na nga ba.

Pero bakit ganon? Birthday ko naman ah! Ba't hindi nila ako pagbigyan! Time lang naman nila gusto ko eh!

Naiyak na talaga ako ng tuluyan nung marinig ko 'yun.

Naghintay kami eh! Nag-expect! Pero bakit?! Bakit 'di tuloy?!

"WAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!" Naglupasay na ako sa sahig. Si kuya naman nataranta.

"Ryry! Ryry stop! Ma! Ano ba?! Bakit ba kasi hindi tuloy?! Business na naman?! Ma! Ngayon na nga lang tayo magkakasama sama ng buo tapos ganto?!" Sigaw ni kuya sa phone habang pinapatahan ako.

Mama: O-ok anak. Pupunta na kami. Pupunta na kami. Pa tar--------

*toot* *toot* *toot*

Narinig kong naiyak na rin si mama sa phone at nagmamadali na rin pumunta umuwi.

"KUYAAAAAAA!!!!!" Pagtatantrum ko.

"Ryry. Don't cry............ Narinig mo naman diba? Pa-uwi na sila....... Shhhhh......"

She Will Be Dead @ 18Where stories live. Discover now