Oppa [20]

408 27 21
                                    

Note ni dutchesspzza: hi po! *kaway kaway* This is the last chapter of 'Oppa' *le smiles*

Help me to reach my Goal: ✅1KReads♡

Thankyou so much guys for everything *le cries*

-->Epilouge coming soon <--


Third person's POV


Nagmamadaling pumunta sila Nayeon sa Ospital. Lahat sila ay kinakabahan. Natatakot. Natatakot sa kung anong pwedeng mangyari kay Mark.

"Girls, kumalma lang muna kayo okay? Malapit na tayo.." pambabasag ni Kenshin sa katahimikan.

"Kenshin, paki-bilisan na lang. Utang na loob.." sigaw ni Nayeon.

"Unnie, please. Be strong.." bulong sa kanya ni Sana habang pinupunasan ang luha nito.

"We're here, guys.."

Dali-Daling bumaba sila sa sasakyan at agad na sinugod ang ospital.

Sa ospital ay sinalubong sila ng 6 na itlog.

A/N: anudaw? Haha.

"Guys, halika na kayo. Puntahan na natin si Hyung.." aya ni yugyeom sa kanila.

Pumunta sila sa room ni Mark ngunit hindi sila pinapasok ng doktor.

"K..kamusta na siya, Doc?.." tanong ni Jaebum sa doktor.

"Masyadong maraming dugo ang nawala sa pasyente. Mahihirapan tayo kung wala tayong mahahanap na blood donor. Mabuti at nadala agad siya sa ospital kasi baka mas lalong lumala kung hindi agad siya naagapan."

"For now, Kailangan ng pasyente ang mga dasal niyo. He's not doing good but he's trying his best to survive.."

"Okay, I must go. Maiiwan ko na kayo.."

Nagpaalam sila sa doktor.


Nayeon's


A/N: play any sad song to make this part better! :(

Halos gumuho ang mundo ko sa narinig ko sa doktor. Hindi. Hindi pwedeng mawala si Oppa. Kailangan niyang lumaban.

Tumulo nanaman ang mga luha ko. Bakit ba kasi ang tanga ko? Bakit hinayaan kong mangyari 'toh sa kanya?!

"Unnie. Dito ka lang muna. Bibili lang kami ng pagkain.." paalam ni Sana. Um-oo lang ako at umupo sa isang upuan.



Bakit dumating pa sa punto na may masasaktan sa amin?

Yan ang tanong ko sa sarili ko.

Siguro ganon talaga kapag nagmahal ka. Sabi nga nila "love without tears is not love" Kaya siguro, Kapag nagmahal ka, Handa ka dapat masaktan.

At bakit nga ba nasa huli ang pagsisisi?

Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Oppa. Dahil sa akin. Dahil lahat sa akin.

Flashback:

"Bakit ba na-aksidente si Mark?.." tanong ni Sana kay Kenshin.

"Sabi nila Jackson, umalis daw siya sa condo nila para hanapin si bossbabe. Lasing daw noon si Mark kaya ayun. Na-aksidente sa pagmamaneho.."

/end/


Kung Sana, nakinig ako kay Oppa nung araw na 'yon. Kung sana naniwala ako sa mga sinabi niya sa akin. Kung sana hindi ko na pinagpilitang umalis.

  oppa \ markyeonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon