"Kumain ka na dyan"si Jay
Magaling siya magluto,pero mas masarap magluto si-
No,kailangan ko na siyang kalimutan.
"Tapos ka nang kumain?"tanong ko sa kanya.
"Mauna ka nalang,may gagawin pa ako"siya
"Ano?"ako
"Sisiraduhan ko lang lahat dito"siya na may dala na martilyo at pako.
"Bakit?"pagtataka kong tanong.
"Mamaya ko nalang ikwento sayo"siya tas tumalikod na siya,tinutungo niya ang pinto,mukhang may pinukpok siya dun,sinusundan ko lang siya ng tingin habang kumakain,tinutungo na naman niya bintana.at may dali-dali siyang inayos dun.
"Buti di pa ako,nahuli sa pagkumpuni"siya na pawis na pawis.
At kasunod nun ang kakilabot tahol ng isang what? Aso ba to o wolf?
"Si Lux?"biglang nasambit ko ng maalala ang alaga kong wolf,alaga pala namin ni-
Alam niyo na yun."Simula nang nawala ka,may bali't-balita na,sa tuwing dumadating kadiliman may lumalabas na WOLF,inaatake nito kung sino man ang makita niya,maski sarado pa ang pinto mo"seryosong wika niya.
Humigop muna siya ng sabaw.
"Kala ko hindi yun totoo,ngunit nung gabing nagpahangin ako sa labas ng dorm,may napansin ako mula sa madilim na bahagi ng daan,may parang aatake sakin na isang WOLF para siyang galit na galit,ang nang nakita ko ang mata niya,alam mo ba kung sino ang naalala ko?"dugtong pa niya,sabay deretsong titig sakin.
"Ano?"bigla ko nalang naitanong.
"Ikaw,ikaw ang naalala ko nang nakita ang WOLF na yun,ang mukha kapag galit,at kulay ng mata kapag umaatake na,ang kulay asul na mata"Siya sabay tayo,at dinala ang kinainan sa lababo.
"Sa tingin mo,siya ba si Lux?"pag-alalang tanong ko.
Tumango lang siya.
Hindi,hindi to maaari,dahil ba talaga sakin nagbago ang lahat dito.
May magagawa pa ako.
Lux,patawad,pangako aayusin ko to.
"Matulog ka na,bawal mahuli sa klase bukas,baka maipadala ka sa gubat kung san tumitira ang Wolf,kahit naging alaga mo siya,sasaktan ka parin niya,Lahat nagbabago,Niece,good night,h'wag ka nang tumangka pa na lalabas"siya sabay pasok sa room niya at nilock ito.
Tama ka Jay,lahat nagbabago.
Ang masakit nga lang dahil ako ang dahilan sa pagbabago.Nandito na ako ngayon sa room ko,habang nakatingin sa kisame.
Kamusta na kaya ang kapatid ko?
Patawad talaga Alison,sana mapapatawad mo ako,sana di ka matulad kay Lux na naging mabangis simula nang iniwan ko.Pero nagpapagabag sa isipan ko ngayon.
Ba't nangyari to kay Lux? Si Lux ba talaga ang tinutukoy ni Jay?
Pinabayaan na ba talaga siya ni Jeff?Kawawa ka naman Lux,di kita masisi.
'~~~
Maaga ako ngayon gumusing,teka gumising nga ba,o bumangon lang,ayaw talagang pumikit ang mga mata ko kagabi.Iniisip ko parin ang nakaraan.Nagmamadali akong lumakad papunta sa mga nagkukumpulang estudyante.
"Grabe na talaga to"
Parang iiyak na sabi nung isang estudyante."Oo,nga na maski mga malalakas na gang dito walang magawa"dugtong pa nang isa.
"Balita ko kasi ganun daw kaliksi at kabangis ang may ari nun"
"Sino ba may ari nun" tanong pa nang isa.
Ok,chismusa na ako ngayon.
"Diba nga si-"yung isang estudyante,na hindi natapos ang sasabihin nang nakita ako.
Ano ba problema nila sakin? Ba't parang natulala sila pagnakita nila ako,eh! Halos lahat na student dito mga baguhan,5 years kaya akong nawala.so ibig nun sabihin mga student dati gumadruate na o namatay.pero ang iba hindi yata nakuha nga makasarili nilang magulang,Oo,magulang nila ang nagbigay sa kanila dito,bakit alam ko? Dati naman ako president dito.
"Anong nangyari?"tanong ko.
"May pinatay naman siya"sagot nung isang estudyante
"Sino?"ako
"Ang Werewolf na may asul na mata"dugtong niya.
"Ngunit ang pinagtaka ko,ba't isa lang namatay?"sambit naman nung isa.
Bakit ano ba gusto niyo,maubos kayo?
"Oo nga,diba hindi bumababa sa anim ang pinapatay niya"dugtong pa ng isa.
"Pero kagabi,iba ang nakita ko"sambit pa ng isa.
"Ano,WOLF na red eye ang nakita ko,at napakabangis niyang tingnan"
"So, isa lang ibig sabihin nun marami sila"dugtong pa ng isa.
Baka nga,pero si Lux lang ang nag-iisang wolf dito,di kaya may ibang nakapasok?.
Nasigpag-pasukan na ang mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan nang may lumabas na dalawang tao na nakamask ng white,at kinuha ang labi ng namatay.
Kaya pumasok nalang ako.
~~~~
Lunchtime ngayon,pero di ako nakaramdam ng gutom.Kaya naglakad-lakad nalang ako.
"Nag-iisa ka yata"si Arny.
"Anong ginagawa mo dito?"dugtong pa niya.
"Wala ka na dun"ako tas umalis na.
Dinala ako ng mga paa ko sa likurang bahagi ng Death University,maraming halaman dito.
Nang may nakita akong kutsilyo kamukha nito ang kutsilyong ginagamit ko dati.
Pinasok ko nalang to sa bag ko.
Nagulata ako ng may biglang umatake sakin isang wolf.
"Lux?"tanging naisambit ko.
Tama sila,mabangis nga siya,asul ang kanyang mata,katulad ko,oo asul ang mata ko kapag nagalit.at normal naman pag-normal ako.
"Lux,ako to,si Neice,patawad,pero pangako,di na kita iiwan muli,bumalik ka na sakin"mahinang pagsabi ko sa kanya,habang humahanda sa pag-atake niya.
Pero imbes na atakihin niya ako,tumakbo ito papasok sa kagubatan.
"lux"tanging naisigaw ko.
Napansin ko sa mata niya ang halong lungkot at galit,patawad talaga LUX.
BINABASA MO ANG
Blooded University
Randomevery person have diffirent attitude, and opposite option. vice_gel