prologue.

5.4K 111 3
                                    


Falling for my ex SuiTOR.

Prologue.

"Listen Anya you need to do this kung hindi sa kangkungan tayo pupulutin."Malumanay ngunit may diing wika ni Daddy sa akin. Nakapagtatakang kagagaling niya lang sa sakit pero parang ang lakas naman niyang tingnan. Parang wala naman siyang sakit.

Hindi ako sumagot ano ba namang klaseng buhay to.
Nagpakalayo-layo na nga ako pero heto at pinauwi ako ng mga magulang ko dito sa Davao dahil may nangyari sa kabuhayan namin.
At ako lang daw ang makakatulong para maisalba ito.
Ano naman kaya ang maitutulong ko ee wala akong alam sa pagnenegosyo,oo at natapos ako ng Business Administration kaso wala naman akong hands-on experience sa pagpapatakbo ng negosyo. Si Dad lang naman ang mapilit na yon ang kunin kong kurso kahit di naman yon ang hilig ko. Kaya ayon pagkagraduate ko,nagdecide agad akong pumunta ng ibang bansa para sundin naman ang gusto ko,ang pagmomodel.
Kaya wala akong ideya  kong saan banda ako makakatulong sa bumubulusok naming kabuhayan..

Hanggat maari ayaw ko na sanang tumuntong pa sa lugar nato.
Sa lugar kong saan ang dami kong alaala kay Phaton,na ngayon ay masaya na kasama ang pamilya niya.
Yong pamilya na pinangarap naming dalawa na balang araw ay bubuohin namin.
Pero wala,aksidente siyang nakabuntis ng ibang babae.
Kaya ayaw ko na sanang umuwi dito sa Davao,dahil kahit taon na rin ang nagdaan di ko pa rin magawang magmove-on kay Phaton.

Pero dahil naospital ang Daddy napilitan akong umuwi bilang nag-iisang anak nila.

"Are you even listening to me iha? "This time medyo malumanay na ang pagkakasabi  niya sa akin.

Napatingin lang ako sa daddy ko na nakahiga sa hospital bed. Katabi niya ang mommy ko.

"What do you  want me to do? Alam mo naman Dad na wala akong alam sa pagpapatakbo ng business."I sigh,pakiramdam ko natalo ako sa laban.

"You need to see Mr. Zain Tyrone Mendex as soon as possible..I was hoping he would help us."

Napatingin ako kay Dad na puno ng pagtataka. Tama ba ang dinig ko. Dapat akong makipagkita kay Zain Tyrone Mendex?

Kay Zain na dati kong manliligaw noong college.
Muntik ko na siyang maging boyfriend kong hindi ko lang nalaman na nakatakda na pala siya para sa isang fixed marriage pagkatapos naming magcollege.
Nang malaman ko yon,agad ko siyang binasted kahit ang totoo may nararamdaman na din ako sa kanya,handa na sana akong sagutin siya that time. Kung di ko lang nalaman,palibhasa hindi niya naman sinabi sa akin. Kaya sa pag-aakalang ayaw niyang ipaalam sa akin di ko na rin siya tinanong,agad ko siyang binasted at sinagot si Phaton.

Hindi pwede to!
Bakit naman ganito.
Ayaw ko ng makita si Zain,ayaw ko ng magkaroon pa ng ugnayan sa kanya.
Kaso yong tadhana na ang gumawa ng paraan para magkrus ulit ang mga landas naming dalawa.

"Bakit sa kanya pa,Daddy? Bakit hindi na lang sa iba."Oo nga,bakit si Zain lang ba ang pwedeng tumulong sa amin? May iba pa namang pwedeng malapitan ah,bukod kay Zain,mas nanaisin ko pang manghingi ng tulong kay Phaton,kaysa kay Zain.

Falling For My Ex SuiTOR.(COMPLETED) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon