chapter 2

2K 87 3
                                    

Falling for my Ex SuiTOR.
Chapter 2

#Rejected

#Anya

It's a brand new day.
Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.
Kaya dali-dali akong bumangon.
Take my morning routine.

Which is jogging.

Pagkatapos ay naghanda na ako para sa misyon ko.

Misyon Zain.
Hahaha.
Nakakatawa.

Ilang araw lang muna akong di nagpakita sa kanya.

Para makapag-isip siya.

Para maisip niya na tinigilan ko na siya.

Pero nagkakamali siya.

Hindi ako titigil.

Ngayon mag-uumpisa ang pangugulit ko sa kanya.

Sobrang aga pa lang ay nasa labas na ako ng building ni Zain.

Nakakatawang kabaliwan na to.

Ilang beses pa akong nasita.
Pero mabuti na lang nadala ko sa charm ang mga guards. Ako pa ba,sa ganda kong to.😅

Sa sobrang aga ko pati mga employees doon ay di pa dumating.

"Manong anong oras po darating si Mr. Mendex? "Magalang na tanong ko sa incharge guard na nandoon.

"Ah si Sir Zain po ba?"

Napatango ako.

" Naku kanina pa siya nandiyan sa loob."

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang sinabi niya.

Azzzz in.
Nandiyan na siya.

Nang tingnan ko ang wristwatch napanganga ako six thirty pa ng umaga pero nakaduty na siya.

Grabe naman.
Napakamot ako sa ulo ko.
Grabe naman yong dedication niya sa trabaho niya.
Kunsabagay,baka ayaw lang niyang madisappoint niya yong Daddy niya.
Na kahit nasa sinapupunan pa lang ata si Zain ng Mommy niya,about business na ata ang palaging binubulong ng Daddy niya sa kanya.

"Seryoso po ba kayo manong?  Diyan na ba siya natulog? "Hindi lang kasi ako makapaniwala. Akala ko kasi macocorner ko si Zain ngayon.
Pero waley,epic fail.

"Talagang maaga yan si Sir Zain. Nauuna pa yan ng dating sa mga employees dito."

"Pwede ko po ba siyang puntahan please po. "Nag puppy -eyes ako,sabay pout ng lips ko.
Sana lang gumana.

Napailing si Manong guards.
Grabe di gumana yong pagpapacute ko!

"Sorry Miss Garcia pero bawal po kayong papasukin sa building na to!"Sabay turo sa mga picture ko na nakadikit sa dingding  nila.

Saka ko lang napansin ang daming pictures ko na nakadikit sa wall.
Azzzzzz in.
Para naman akong wanted nito.
Pambihira talaga ang lalaking yon.
Nakakainis..

"Di ba Ikaw to?"Sabi ni Manong Guard sabay harap sa akin ng may kalakihang picture ko.

Napalunok ako.

Ano ba naman tong si Zain.

Ginawa naman akong criminal.
Biruin nyo sa beauty kong to.
Para akong may napakalaking kasalanan para idikit diyan ang mga pictures ko.
Kailangan ba talaga niyang gawin to?

Bawal papasukin ang nakasulat sa baba ng mukha ko.

Ang ganda ko sa larawang yon kaso nasira dahil sa warning sign na nakasulat sa may baba ng picture ko.

Falling For My Ex SuiTOR.(COMPLETED) 2nd StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon