"Naranasan mo na bang kumalma sa mga panahong naiiyak kana?"
"Naranasan mo na bang hilahin pabalik ang mga luhang sana'y pabagsak na"
"Ang kumalma, sa mga bagay na sobrang bigat na"
"Ang kumalma, sa mga bagay na dumudurog sa damdamin na pasuko na"
"Ang kumalma, sa mga panahong dapat isigaw mo na"
"Ang kumalma, sa mga oras na dapat lumaban ka na""Pero ano nga ba ang salitang kalma?"
"Ito nga ba ang mga salitang dapat ay bitawan na."
"Bitawan na ang salitang kalma, dahil ang bigat bigat na."
"Ano nga ba ang salitang kalma? Para nga ba ito sa mga taong pagod na."
"Pagod na, kaya't nananatili na lamang na kalma"
"Kalmado, pero sa loob loob ay pinapatay ka na"
"Pinapatay ka na ng mga bagay na di mo alam kung may solusyon pa"
"Kung may solusyon pa ba ang mga bagay na kay hirap na""Na ang salitang kalma, ay pagpapatunay na nananatili akong buhay kahit gusto ko na maglaho na."