days have passed

30 0 0
                                    

Nagising ako ng may nakita akong ilaw, nakadungaw ang mukha ni Kiev doon. Napakaseryoso ng kanyang ekspresyon. Nakapagtataka hindi siya nagsasalita eh samantalang madaldal naman siya, kaya nga ako na-inlove. 

"Kiev?"tawag ko sakanya. Blangko ang kanyang ekspresyon sa kanyang mga mata.

"I'm sorry."pagkasabi niya sa salitang iyon parang may tumusok sa puso ko. Pagbalik ko ng tingin nawala siya. "Kiev! nasaan ka?!" sinisigaw ko iyan ng ilang beses nang biglang parang kinain nalang ako ng lupa at gumuho ang lahat at PUFF!  Pagkamulat ng aking mga mata , nakita ko ang mala-anghel na mukha sabay sabing "Nasa langit na ba ako?" bigla naman itong tumawa. "Bumangon ka na nga diyan." utos ng ate ko na siya namang ginawa ko.

Natapos na ang aking morninng routine pero ni isang text na galing  sa bestfriend kong si Kiev eh wala. Naglalakad ako papuntang school ngayon eh kasi naman di ako sinundo ni Kiev. 

"haist" sabi ko nang malungkot. Naalala ko kasi iyong panaginip ko kagabi, sana naman di talaga ako iiwan ni Kiev. Oo bestfriend ko lang siya pero para sa akin higit pa roon ang nararamdaman ko para sakanya. Matagal ko na siyang gusto simula pa noong isilang kaming dalawa. Hindi ko masabi kasi masisira lang ang friendship namin.

Nakarating na ako ng school, habang naglalakad papuntang room namin nakita ko siya. Oo nandoon si Kiev nakasandal sa wall. Hay jusko po ang pogi talaga niya. Iyong mga colar bone niya, pamatay! MANYAK TALAGA AKO.. 

Pero dahil nagtatampo ako dinaan ko lang siya, napatigil ako ng nagsalita siya.

"I'm sorry Shea." Naconfuse naman ako sa sinabi niya.

"Kiev, ok lang na di mo ako tinete----" ngunit bago ako matapos eh sumingit siya.

"Importante itong sasabihin ko kaya makinig ka." napatigil ako. Kinakabahan na ako, ewan ko kung tatakbo ako o pipikit nalang.Pero mas pinili kong makinig sakanya.

" Aalis na ako ng pilipinas." ano daw? pinipigilan ko ang pag-iyak.

"Nagdesisyon na kasi sila mama at daddy na sa america ko nalang daw ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Sorry kung naging cold ako sa iyo pero ginawa ko lang naman iyon dahil ayokong masaktan ka kapag umalis na kami, pero sa tingin ko di siya nag-work kasi halata naman na miss na miss mo ako oh" Nakuha pang mag-joke."Asa ka naman" sabi ko.

"Shea seryoso na. Ngayon ko lang sinabi sa iyo kasi ayaw kitang masaktan. Ngayon na kasi ang alis namin, dumaan lang ako para mag-paalam sa iyo. May ibibigay nga pala ako." sabay labas niya ng isang box. 

"Shea iiwan ko sa iyo itong bracelet na ito. May angel siya kasi para kahit nasa malayo ako, ako parin ang guardian angel mo." Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na kaya kasi aalis na ang lalaking pinakamamahal ko. Paano nalang ako kapag wala na siya. Wala naman akog magagawa kasi di naman ako ang bumubuhay sakanya.

"Shhhhh.. wag ka nang umiyak, baka di pa ako makaalis nito eh" Sabay yakap sakin. 

"Kiev, promise mo sakin na kahit anong mangyari di mo ko kakalimutan ha." Tiningnan ko siya sa mata.

"Shea, promise ko iyon. Nga pala ang pinakaimportante kong sasabihin is MA--------" Bigla nalang siyang hinila n kaniyang mga guwardya. ito na ang huli kong pakikipag-usap sakanya. pinanood ko siyang umalis. Ako naiwan doon na umiiyak hawak ang bracelet na bigay niya. 

Ano kaya ang gustong sabihin ni Kiev sa akin??? 

*****************************************

A/N 

ano kaya iyong hindi naituloy na sasabihin ni Kiev? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

days have passedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon