Panaginip (Short Story)

1.4K 42 28
                                    

More than three years ko ng hindi nakikita ang bestfriend kong si Anna. Simula ng magdecide ang parents niya na magstay sa Canada, hindi ko na siya nakita pa.

Bestfriend ko si Anna. Siya na yata ang nag-iisang babaeng kakilala ko na sobrang adik sa mga computer games - kagaya ko. Dati, halos araw-araw kaming naglalaro ng PS2 sa kanila. Kulang na nga lang tumira ako sa kanila eh. Pero simula nung umalis sila, nagbago na routine ng buhay ko. Nawalan ako ng ganang maglaro, lagi na lang akong mag-isa.

Hanggang isang araw ...

"Jay, punta ka dito sa bahay . Kakauwi ko lang ... gusto kitang makita. -Anna"

Abot langit ang ngiti ko ng mabasa ko ang text na yon ni Anna. Nagtatalon ako sa tuwa. Agad-agad akong umuwi sa bahay namin para magpalit ng damit at para mapuntahan ko na rin si Anna. Sa wakas, makikita ko na ulit ang bestfriend ko. :)

Pagdating ko ng bahay ay nagmamadali akong nagbihis at nagpunta sa kanila.

Inabot na ko ng gabi sa daan dahil sa trapik. Pero ayos lang! Ano lang ba ang 30 minutes na trapik sa 3 taong hindi ko nakita ang bestfriend ko? Sisiw.

"Ano na kayang itsura niya?" tanong ko sa sarili ko.

Kumatok ako.

Kabado.

Bumukas ang pinto at ngiti ni Anna ang agad na bumungad sakin. Pero merong iba sa kanya. Parang kahit nakangiti siya sakin, hindi siya masaya. Nakikita ko kasi sa mga mata niya.

"Bakit kaya?"

Bigla niya akong niyakap. At niyakap ko din naman siya.

"Miss na miss na kita Jay ..." sabi ni Anna.

Ngumiti naman ako.

"Miss na miss din kita ..."

Pumasok kami sa bahay nila. Walang tao.

"Bakit ikaw lang mag-isa? Asan ang mama at papa mo?" tanong ko.

"Ako lang mag-isa ang umuwi dito. Gusto ko kasi i-surprise ka sa birthday mo."

Muli, napangiti ako.

Hinila niya ako paakyat sa kwarto niya. Tulad ng dati, siguro'y maglalaro ulit kami. Muli ko na naman kasing nakita ang PS2 na madalas naming paglaruang dalawa.

"Game?" tanong niya sakin.

Tumango ako. Naglaro kami. At tulad  ng dati, lagi na naman siyang talo. Walang humpay ang tawanan at kwentuhan naming dalawa. Pinapanalangin ko na sana wag ng matapos ang araw na to. Sana ... wag ng umalis si Anna. Sana lagi na lang siyang nasa tabi ko.

"May sasabihin ako sa'yo Jay .."

"Oh ano yon?" tanong ko habang abala ako sa paglalaro.

Biglang nagring ang cellphone ko. Si Mama, tumatawag.

"Anna, sandali lang ha? Tumatawag si Mama eh." Tumango lang siya sakin.

"Jay, anak, asan ka?" may halong pag-aalala ang tono ng boses ni Mama.

"Nandito lang ako kina Anna ... wag kang mag-alala."

"Ha?"

"Umuwi siya eh. Pinapunta niya ako dito kanina ..."

"Paano nangyari yon? Eh katatawag lang sakin nung Mama ni Anna. Pauwi daw sila ng Pilipinas ngayon kasi nagcrash yung eroplanong sinasakyan ni Anna pauwi dito sa Pilipinas. Wala na si Anna, anak ... PATAY NA SIYA."

Kinilabutan ako sa narinig ko.

Hanggang lumamig ang buong paligid, Muli kong nilingon si Anna.

Nakangiti siya sakin ... habang umiiyak. Naramdaman ko na lang na umiiyak na rin pala ako. Niyakap ko siya ng sobrang higpit na para bang ayokong maniwala sa sinabi ng Mama ko, sa nakikita ko.

"Yun sana ang sasabihin ko sa'yo Jay kaso inunahan ako ng Mama mo ..."

"Anna ..."

"Mag-ingat ka palagi ha? Mamimiss kita. Happy Birthday."

At biglang nagdilim ang lahat.

"Jay gising! Nananaginip ka." sabi ni Mama.

Pinilit kong mumulat. Basa ng luha ang mga mata ko.

"Bumangon ka na. Ngayon ang libing ni Anna." Nanlumo ako lalo. Dahil ang inaakala kong panaginip lang ay totoo palang nangyari.

Sa libing ay muli kong nakita ang maamong mukha ni Anna na tila ba nakangiti sa akin mula sa kinalalagyan niya.

"Salamat Anna ... salamat."

Bigla kong napansin ang kanyang mga mata. Parang katatapos lang nitong umiyak. At bigla kong naalala ... BIRTHDAY KO nga pala ngayon.

Panaginip (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon