One Shot

5 0 0
                                    


Hey bro alagaan mo si Catherine ah.

I know she's having tough time right know.

Be there always for her, I know you will :) ganyan mo siya kamahal eh at nakita ko yun.

I know marami kayong galit sa akin! All of you keep on blaming me kung bakit nagkakaganyan si Cath. As I heard she attempted suicide(s).

Pero sa lahat ng pangyayaring yun never akong pumunta sa kanya. Eh bakit pa ko pupunta? Break na nga kami diba? Dapat wala na kong paki alam sa kanya. Kaya kung pumunta ako ng mga panahon na yun I know I'll give her a false hope. Mamaya isipin niya may second chance pa eh. I'm done with her, at ang tapos na dapat tapos na. Maybe we not destined to each other.

Kaya bro, bantayan mo siya.
Show the love that I can't give to her.
Be the best man for her.

Ops, I know you will ask me why I'm doing this.
Teka, bakit ko nga ba sinulat to? Ahh alam ko na kasi I'm suffering leukemia, acute leukemia to be specific.

Ya. Kaya ko nga siya hiniwalayan diba Kaya ko nga siya tinaboy at sinaktan.

Well I know it's cliche that my reason is I don't want to hurt her, well in fact that's what I did to her. Sinaktan ko siya.

I know I'm stupid na hindi ko sinabi sa kanya. Pwede naman kaming lumaban ng sabay diba? But I chose not to tell her. Para saan pa? To get hope? To pretend that everything is going to be fine? To fool ourselves?

I know, I know the mere fact that the ending of this story would be, I will die and pagkatapos nun masasaktan siya, mahihirapan siya.

Well ngayon nasaktan ko siya pero tignan mo, unti-unti naghihilom na yung sakit, unti-unti bumabalik na siya sa dati. See? Sa una lang siya masasaktan pagkatapos niyan magiging ok din sa kanya ang lahat. And thanks to you and to her family and friends dahil sa inyo nakakaya niya.

Hmm, well hindi ko lang to sinulat para ipaalam na may sakit ako. I'm not seeking for symphaty.

Bro,

I want you to know that she loves eating ice cream when she's stress, flavored rocky road. Naku, kahit malaking garapon mauubos niya yan. Matakaw din kasi siya dyan eh. And tuwing linggo come with her in church and after that buy her a siomai, gustong-gusto niya kasi yun para sa kanya yun na yung pinaka masarap na street food sa lahat, Oo! Tama! She's fun in eating street foods hindi kasi siya sosyalin, dun palang mapapasaya mo na siya. And speaking of 'mapapasaya', hindi ka na mahihirapan pasayahin yan mababaw lang kasi kasiyahan niyan eh. More often mas natatawa siya kapag waley ka, kaya ako sayo hanap ka na ng mga corney jokes. Nakuu! Benta yan sa kanya.

Don't let her eat egg, crab, shrimp. She has allergy with those foods.
I know she will cry pag hindi mo siya hinayaan kumain nun para kasi sa kanya masarap ang bawal. She's weird, alam ko yun. Kung anong nakakasama sa kanya mas ginugusto niya. And hayaan mo pag umiyak siya just pretend you don't care, don't look at her, don't meet her gaze kasi pag ginawa mo yan naku matatalo ka.
Pag umiyak siya, wag ka mag-alala, titigil din yan. Pagkatapos nun yayakapin ka lang niya at magpapasalamat. Kahit di niya naman kasi sabihin alam ko na ayaw niya rin naman ma-allergy siya. Sadyang pasaway lang talaga siya.

Be with her if she is watching dramas, she's fun of tragic romance movies. Mas gusto niya kasi na umiiyak siya kesa tumatawa. Mahilig yan siya magbasa ng novels but most of the time wattpad. Magkukwento yan siya sayo kaya makinig ka ng maigi ah.

When she is sad, hug and kiss her.
When she is crying, just be there for her. Hold her hands for her to know that you are there. You don't need to speak, your presence would be enough for her. When she is not in a good mood, act like a gay.

Lambingin mo siya always. Gustong-gusto niya kasi na sweet sa kanya yung parang araw-araw nililigawan mo siya.
Pag inasar ka niya, asarin mo rin siya pabalik. Pag binunggo ka niya, bungguin mo rin siya. Mas gusto niya kasi yung parang magkaibigan lang din ang turingan niyo sa isat-isa.

Wag mo siya hahayaang magpuyat. Hate niya kasi magka eye bag. Wag mo siyang hahayaang uminom ng kape. Nahihirapan kasi siya makatulog. Wag mo siyang hahayaang kumain ng junk foods, may ulcer kasi siya. Kaya lagi mo siyang i.text na kumain ng break fast, lunch and dinner, may pagka tamad kasi yan siya eh pero pag pinaalahanan mo, dun susunod siya.

Let her wear your shirt.
Let her borrow your favorite things.
Let her put you make-up.
Let her wear you dress and heels.

Pag birthday niya, regaluhan mo siya ng spongebob-stuffs. Yan kasi gusto niya makuha tuwing kaarawan niya.
Pag monthsary niyo o anniversary, wag mo siyang bibigyan ng bulaklak at chocolate, ayaw niya nun. Sasabihin niya sayo ayaw niya sa suprises, pero yan talaga ang gusto niya. So surprise her instead.

and most of all,

Love her unconditionally.

Reminder nga pala:

Paalam mo sa kanya kung san ka pupunta, yun lang importante na sa kanya. Kung may kasama kang babae sabihin mo, may pagka territorial kasi siya eh pero di naman siya ganun ka selosa. Pag tahimik siya tandaan mo, may problema yan kaya tanungin mo siya. Mahilig pala siya manakit. Ewan ko pero hobby niya ata manuntok, manapak at mangurot. Prepare mo na katawan mo at mas malala yan pag kinikilig siya.

Bro, alam ko mamahalin mo siya. Kaya hihilingin ko nalang na sana wag mo siyang saktan. Masyado na siyang nasaktan sa ginawa ko kaya kung maari sa maari, wag mo na sanang dagdagan.

Bro, please intindihin mo siya. Minsan abnormal kasi siya pero tandaan mo grabe yan magmahal.

Bro, ikaw ng bahala sa kanya. Ikaw ng bahala sa taong mahal ko. Oo mahal ko pa siya. Nung mga panahon na nagpapakamatay siya, God knows kung ilan beses kong hiniling na sana maligtas siya. Gabi-gabi pag tulog na ang lahat pinupuntahan ko siya nun sa Ospital para halikan sa noo. Kung saan siya magpunta lagi akong nakasunod. Makita ko lang siyang safe, kampante na ko. Pag kasama mo siya ilang beses akong nakakaramdaman na para akong sinasaksak sa puso, ilang beses akong nagpipigil ng galit, ilang beses ko sinusubukan ang sarili ko na wag kayo sugurin at suntukin ka. Hindi ko alam bobo ako eh, pero mahal ko siya kaya wala naman siguro masama kung mararamdaman ko to. Ayaw kong malaman niya na may sakit ako pero sa tuwing inaatake ako ng sakit ko ilang beses ko hiniling na sana pagdilat ko siya ang makita ko. Ang gago ko diba? Yung panahon na nagmamaka awa siya sakin, alam ng diyos kung gaano ko pinigilan na di siya yakapin at halikan. Gusto ko bawiin lahat ng sinabi ko pero naisip ko mawawalan narin ng saysay lahat ng sakripisyo ko. tss, mamamatay din naman ako.
Siguro nga pag nabasa mo to nakalibing na ko. Pero ayos lang at least hindi ko siya maiiwan na umiiyak ng dahil sakin. Bro, ikaw na bahala sa kanya. Ikaw ng bahala kay Catherine, sa taong mahal ko at muli salamat.

-Kristoffer.

An Open Letter For My Ex-girlfriend BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon