Matthew's Point of View
"Good Morning!!" nakangiting sambit ko sa harap ng salamin sa loob ng banyo. "Ang gwapo mo talaga hahahahaha!" sabi ko at tumawa tapos ginawa ko yung morning rituals tapos pumasok na ako sa school. Pagka pasok ko ng school ay syempre... hahaha!
"Matthew Evans!!!!"
"Waaa!!! Matt!!"
"Susmaryosep!!!!!!!"
"Hi!!" Nakangiting bati ko sa kanila. KAya mas lalong lumakas yung mga sigawan nila.
"SUUUUSSS!!" Napatingin ako sa may nagsalita at nakita ko sila Troy at grey na nakatingin sa akin.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanila. Tumingin sila sa mga 'fans' ko at tumingin ulit sa akin.
"Chick boy ka na pre! May pa hi ka na sa mga babies ko" masayang sinabi ni troy sa akin.
"Pashnea. Porket nag hi lang ako, chick boy na??" Tanong ko kay troy. Ewan talaga ito...
Nagusap kaming tatlo hanggang sa nandito kami sa may canteen. Dahil maaga pa ay konti pa lang ang mga tao dito sa canteen.
"Uy! Si transferee girl!" Bulong ni grey kay troy. "A-Anong meron?!" Inis na tanong ni troy kay grey.
"Nakatapak na siya sa school, ligawan mo na!!!" Sabi ni grey. Tumawa kami ni grey at napatingin kay transferee girl. Sino ba ang magkakagusto sa kanya??
Si Haden ata...
"Hayysss... Puntahan ko lang si Trizetan sa room baka kasi ay hinihintay na niya tayo" sabi ni Troy at tumayo at lumabas na ng canteen.
"Tara, punta na rin tayo sa room" sabi sa akin ni Grey kaya napagpasyahan na naming umalis ng canteen.
A few moments later...
"Kala ko ba nandito na si Trizetan?" Tanong namin ni Grey nung nakapasok na kami ng room. Nandito kasi si troy. Ayun, nakikipag landian sa mga babae dito. Tssss...
"A-Ahh... Wala kasi siya eh. Hahahaha!" Sabi niya at tumawa ng peke.
"Hay nako. Ayaw mo lang dun sa transferee girl kaya umalis ka eh. Hahahaha" sabi naman ni Grey.
"Bakit wala pa si Trizetan?" Tanong ko kay Troy. "Yun nga eh. Nag text siya sa akin na hindi daw siya papasok ngayon kasi nilalagnat siya" sabi naman ni Troy.
"Nyemas! Edi walang magpapakopya ng mga answers! May quiz pa naman tayo sa chemistry!" Sabi ko at napailing. Tsk tsk.
"Hahaha! Kawawa si boy oh! Buti na lang at may ninja moves ako!" Sabi naman ni Grey.
"Ninja moves?" Sabay na tanong namin kay Grey. "Kung hindi nakatingin sa akin si Prof, may chance akong tuningin sa..." May kinuha siya sa bag niya at nilabas yung papel. "Dito. Hahahaha!" Natatawang sabi niya.
"Eh wala namang nakasulat ah" sabi ko. "Meron yan! Iilawan ko lang gamit ito tapos tyaran! Kita ka na boy!" Sabi niya at tumawa.
"Sige nga pakita" sabi ni Troy at inilawan yung papel at nakikita namin yung mga lessons namin sa chemistry.
"Nice tol!" Sigaw ni Troy at nag apir pa sila. Pano ako makakakopya? Ang layo
Ko sa kanila tapos sila lang ang magkokopyahan? Unfair!! T_TLUNCH
"Grabe ang dali ng Chem!" Sigaw ni Troy at tumingin sa akin at ngumiti.
"Oh. Tol, nadalihan ka ba sa chem kanina?" Asar niya sa akin. "Ang hiiirapp tol! Wala kasing nagpapakopya sa akin eh" sabi ko at lumabas na ng room at dumeretso sa canteen at nakita ko si transferee girl na lalabas rin ng room.
Naglalakad na ako pero...
THUMP!!
What the?? Bigla kasi ako napadaan sa tabi niya at may spilled water pala maya nadulas ako kaya tumingin silang lahat sa akin.
"O My Ghed. Anong ginawa nung transferee girl kay matt?!"
"Ang sama niya! Panget na nga, panget pa ang ugali!"
Halaaa... Walang ginagawa si trangirl.
"Tol?! Anong nangyari!" Sigaw ni Troy nung nakapasok siya ng canteen.
"Ikaw! Anong ginawa mo sa kaibigan ko!" Sigaw ni troy kay girl.
"W-Wala akong g-ginagawa..." Sabi niya at yumuko. Tumayo ako at pinagpagan yung sarili ko.
"Wala talaga siyang ginagawa" sabi ko.
"Anong wala! Nakadapa ka tapos hindi man lang mag sorry?!" Inis na tanong niya sa akin at tumingin kay transfer girl.
"Mag sorry ka!" Sigaw niya. Wala talaga siyang ginawa! Nyemays naman oh.
"S-Sorry po...." Sabi niya at umalis. "Bastos na transferee girl!" Inis na bulong niya at tumingin sa akin.
"K ka lang bro?" Tanong niya kaya tumango lang ako at tumingin kay transferee girl habang naglalakad siya papalayo sa amin.
"Okay lang ako" sabi ko at naghanap ng mauupuan. Nung nakaupo na kami ay dumating si Grey na may dalang mga pagkain.
"Okay ka lang? Anong ginawa nung pangit na yon?" Tanong niya sa akin.
"Okay lang ako. Pero sa totoo lang ay wala talaga siyang ginawa. Nakatapak lang ako ng spilled water sa floor kaya nadulas ako" ssbi ko at kinain yung pagkain ko. Dada sila ng dada kaya hindi na lang ako nakinig sa usapan nila.
Bakit ganon? Feeling ko gusto ko siyang maging kaibigan? Parang okay lang sa akin na malapit kami sa isat isa??
Why???
Tumayo na kami at pumunta sa room namin at nakinig sa prof namin pero lutang parin yung utak ko.
Discuss...
Discuss...
Discuss...Dismissal
Deretso akong naglakad at umuwi at deretso so kwarto ko at nahiga. Chineck ko yung facebook ko at may natanggap akong message
Sorry Matthew.
Sino naman yung nagsosorry sa akin? Bakit siya nag sosorry???
____
Sorry po sa late UD!
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW. THANK YOU!!!!
BINABASA MO ANG
Something about Her
FanfictionSomething about her?? Hmmm... Mabait naman siya, matalino at mabait. Kaso yung itsura niya... No No na lang