Hmmm..May mabango akong naaamoy pero hindi ko sigurado kung saan galing.
Hmmmm...
Muli akong lumanghap ng hangin, amoy mabango talaga.
Amoy pabango ng lalaki.
"Reign..."
Ngayon, hindi lang ako may naaamoy kundi may naririnig na din. Isang pamilyar na tinig.
At kasunod ng tinig ay ang mas pinalakas na mabangong amoy. Pakiramdam ko ay tila lumalapit patungo sa akin ang napakabangong halimuyak. Ang bango-bango talaga.
"Mahal ko...."
Kasabay ng tinig ay may naramdaman akong haplos. Ramdam na ramdam ko, bawat haplos sa hibla ng aking mga buhok.
Unti-unting iminulat ang aking mga mata.
Doon ko nasilayan ang matatamis na ngiti ng aking pinakamamahal na asawa.
"Sam.." mahina kong tugon.
At doon ko lang naalala, kung saan kami at bakit kami nasa lugar na'to.
"Ang tagal mong magising Mahal ko.." may halong pagkainip at biro ang kanyang tono. "Kanina ka pa namin hinihintay gumising..." tumalikod sabay tumayo na parang may kinukuha sya sa kabilang kama.
Ipinatong nya sa bisig ko ang kanina'y inaabot nya, "kanina ka pa niya hinihintay.." at sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam, tumulo ang luha ko.
"Hala, umiiyak.." natatawang asar sakin ng asawa ko. "Mag-Hi ka muna.." sabay upo nya sa kabilang parte ng kama. "Hi daw sabi ni Samantha.." kinuha at parang ikinakaway ng asawa ko ang maliit na kamay ng anak namin.
"Mahal ko, Good job.." sabay halik sa aking noo.
Lumingon ako sa kanya at sinalubong ang kasunod na halik patungo saking labi.
Kakaibang saya ang nararamdaman ko sa mga oras na'to. Pakiramdaman ko ay ako na ang pinakamasaya at pinakamaswerteng babae sa nga oras na'to. Muli kong sinulyapan ang tila anghel na natutulog sa aking bisig ngayon. Hindi ako makapaniwala. Napakaganda nya. Napakaganda ng binigay samin na biyaya. Nilingon ko muli si Sam na hindi pa din inaalis ang tingin sa akin.
"Good job sa ating dalawa Asawa ko.." at doon ko nasilayan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mga mata.
"Ayoko ng mauulit yon Reign.." niyakap nya ako ng dahan-dahan.
Medyo naguguluhan ako sa ibig niyang sabihin..
"Huwag mo ng uulitin yon."
Tinitigan ko ang kanyang mga mata na parang pilit hinahanap ang sagot sa mga katagang sinabi nya...
Anong ginawa ko?
Hinawakan ko ang ang kanang kamay nya at sya namang pag hawak nya din sa kamay ko..
At di nagtagal tuluyan ng bumagsak ang mga luha nya.
BINABASA MO ANG
Finding Third
Teen FictionKung bibigyan ka ng pagkakataon na makabalik at baguhin ang nakaraan para sa mas ikakabuti ng hinaharap, kaya mo bang ibuwis ang meron ka ngayon? Kasi ako, binuwis ko