Chapter 1

2 0 0
                                    

Isang buwan na din ang nakalipas simula nung natapos ang graduation. About sa Engagement na nangyari, Mama and Papa explained to me.

FLASHBACK
"Ma, Pa! Ano bang nangyayari? Bakit biglang ganon? Nakakainis naman, pati kami ni Marce ay dinadamay niyo." Inis na bungad ko sakanila pagdating na pagdating namin sa bahay.

"Sabrina Kacey, 'wag kang ganyan makipagsalita samin nang Mama mo!" Suway ni Papa, kasi naman e, sila kasi.

"Sorry Pa. So now, explain na po." Paghingi ko nang tawad sa inasal ko kanina sakanila.

Si Kuya naman, tahimik lang na nakikinig, at mukhang hindi din pabor sa ginawa nila Mama at Papa.

"Our business is at stake, kaya the only way para hindi mawala satin ito ay ang ipakasal namin kayo ni Marce. Kilala na namin si Marce for a long period of time, kaya wala kaming problema sakanya, aalagaan ka niya anak. Matututunan mo din siyang mahalin, matututunan niyo din mahalin ang isa't isa. Just give it a shot anak, walang masama sa pagtulong samin para hindi mawala ang business natin. Please Kacey." Paki-usap ni Papa.

END OF FLASHBACK

Hindi ko lubos maisip na Fixed Marriage really exist, hindi naman kami Chinese para magkaganito. Pero I know how did Mama and Papa worked hard for this. Tama si Papa, hindi masamang tumulong ako.

Kung may Ate lang daw si Marce, baka daw marahil si Kuya ang nasa sitwasyon ko ngayon.

Bakasyon palang naman kaya nandito ako ngayon sa Batangas. Nasugbo Beach to be exact. All by myself. Gusto kong magmuni muni, hindi biro yung pag-aanunsyo nang unexpected Engagement Party namin 'kuno'. All expenses paid by my parents, pano ba naman inistress nila ako, AS IN.

Nasa seashore ako at inaabangan ang paglubog nang araw. Pipicturan ko kasi 'to at ipopost sa IG at FB account ko.

Click.

Sabrina Kacey L. Montenegro
Just got my peace of mind. ^__^
(insert the picture of sunset)

I sighed. "Lord, give me more strength to face every tomorrow." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa taas at kinakausap si Papa Jesus. I know I'll be needing a lot of strenght, 16 palang ako pero parang feeling ko 36 na ako, haha, kidding aside.

Paano kung hanggang bestfriend lang talaga kami ni Marce? Paano kung hindi ko siya kayang mahalin? Paano kung sa umpisa lang kami maging masaya? Paano kung wala talagang spark? Paano kung maghiwalay lang kami sa dulo?

Ang daming tanong sa isip ko, what if's? Naalala ko pa nung bata ako, hindi ako nakakatulog kapag hindi ako binabasahan ni Mama nang stories. "And they lived happily ever after." Bulong ko sa sarili ko, totoo ba yun? Parang hindi naman.

Okay.

I am the princess. CHECK!

He would be my prince. CHECK!

Pero, the question is, DO WE LOVE EACH OTHER? Hmm. I doubt.

"Hi, nature lover ka din ba?" Tanong nang isang lalaking parang anghel.

Oh my G! Nasa langit na ba ako? Bakit may gwapong lalaking mala anghel ang mukha sa harapan ko?

"Hey miss! Are you okay?" Bigla akong bumalik sa reality, nagspace out na naman ba ako kanina, oh my G! Napunta ako sa langit kanina.

Modern Fairytale Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon