Chapter 4

126 4 0
                                    

[Chapter 4] When Im with YOU?

Yen's POV

Natapos ang lingo ko ng may pagkainis at pagkaasar! Wala ng ginawa si Hangin kundi kulitin at magkwento ng kung ano ano.

Nung Tuesday, ganun! Mababa lang naman ang nakuha kong marka. Pero ayos na yun! Mas lamang naman ako sa kaniya ng isa. Dos lang ang nakuha niya eh.

Nung Wednesday, nagsimula na ulit kaming magpractice sa English so ganun na nga... 3 weeks na lang ang natira para paghandaan yun.

Nung Thursday wala kaming pasok buong araw kaso ang shunga lang lahat ng estudyante nasa school na tapos dineclare nila ang suspension. >.< Pero ayos na din yun nakapaghanda na kami ng props.

Nung Friday, may PE kami kaso ikaw pipili kung anong sports ang sasalihan mo kaya Badminton na lang ang pinili ko. Nung Saturday di pa natahimik ang kaluluwa ko akala ko pa naman talaga free day ko na yun pala pinatawag pa ako ng principal.

Hassle talaga! >_< Pinalinis kami ng garden ako pa talaga ginawang leader eh. Pero isang oras lang naman at umalis na ako kaagad.

Paalis na sana ako ng makasalubong ko pa ang malakas na hangin. Kinulit niya naman ako hanggang sa makarating na ako sa bahay ko. Nang araw na yun umaambon kaya pinapasok ko na lang siya sa loob ng bahay. Baka ako pa ang managot pag may nangyaring masama sa kanya. Uy di ako concern huh! Kinokonsensiya lang talaga ako para maliwanagan kayo.

Flashback of Saturday:

"Hangin pasok ka na ano pang tinutunganga mo diyan?" Nasa labas kasi siya at parang magpapabasa na lang sana siya sa ulan.

"Ugh. Okay" Sumunod naman siya sa akin at nagpalinga-linga sa loob ng bahay. Namangha siguro ha ha ha.

"Anong gusto mo mainit na tubig o malamig na tubig?" Pilosopo kong tanong.

"Diyos ko naman Buddy! Mula sa gripo na lang na tubig maka abala pa ako sayo." Sarkastiko niyang pagsabi. Bumabanat pa ah!

Pumunta ako ng kusina at hinanap si Tiya Tessie. Nagpakuha ako ng inumin at makakain.

Nang matapos ay inilapag na ni Tiya Tessie ang hinanda niyang meryenda.

"Hindi ba pwedeng buksan yang flatscreen niyo?"

Nagsimula siyang magsalita. Nandiyan kasi si Papa kaya tinatablan siya ng hiya ngayon. Mwahahahaha.

"Hindi. Mahal bayad sa kuryente eh. Tsaka patayin mo nga yang electric fan! Bakit ikaw ba nagbabayad sa kuryente?" Hahaha Babarahin talaga kita.

"Ang init kasi di mo feel?"

"Di ko feel hangin ka naman dapat feel mo yun!"

Binabara ko siya para umuwi pero ayaw pa din niya. Wala talagang hiya. Feeling close masyado.

"Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko! Inaantok na talaga kasi ako eh. And to think na pinapunta pa ako ng principal sa school para paglinisin.

"Bakit? May time limit ba ang pagpunta sa bahay niyo?"

"Hindi sa ganun, pero bawal lang talaga kasi ang pets sa bahay ko. Di mo ba nabasa pets are not allowed inside?"

"Talaga? Saan nakapaskil yun? Di ko napansin eh!"

"Nasa may gate lang. Alam mo di nabasa ng pets yun kasi nga di sila marunong at umintindi."

My Teenage StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon