Part 3: It all begins here

132 1 2
                                    

GINO'S POV

Two weeks had past.

Madalas kong makitang magkasama si Cav at Angel. Balita ko deal lang daw nila yon na maging sila. Pero I don't give a damn to it. Alam ko naman na kung sino talaga mahal ni Angel eh, Sinabi sakin ni Jeanette.

Kami naman ni Jeanette, we're doing fine. Mas minamahal ko na siya ngayon. Yeah, nagkabalikan na kami. Hindi ko pala talaga kayang mawala siya sakin.

"Baby."

"Yes Gino Baby?"

"Want to watch the final tournament of volleyball later?"

"Sino ba maglalaro?"

"School natin against the ADMU."

"Game, gusto ko manuod niyan."

Later manunuod kami ni Jeanette ng game nila Cassie. Siyempre susuportahan namin ang university namin.

"Gino Baby..."

"Bakit Baby?"

"I love you!"

"I love you more Jeanette."

Ooopsss... Masyado bang PDA? Nagkiss lang naman kami, saglit lang.

"Saan tayo punta ngayon habang nagpapalipas ng oras?"

"Ahhmm... Gino, gusto ko pumunta dun sa may ice cream parlor na binilhan natin dati nung 1st date natin."

"Sige ba."

Nagpunta kami dun at binili ang favorite ice cream namin.

This place has been so memorable to us. Ang lakas ng impact nito samin.

Ito ang saksi sa pagbuo namin ng relasyon, through thick or thin.

MAINE'S POV

"Rovi, may gagawin ka ba mamaya?"

"Wala naman, balak ko lang magshoot ng mga magagandang views mamaya, bakit, magpapasama ka ba?"

"Want to watch somedaydream?"

"Ano yon? Bagong movie?"

"Hindi ah, bagong singer yun. Yung kumanta ng YOU AND ME, SITTING IN A TREE, K-I-S-S-I-N-G."

"Ah, yun ba, o sige sige."

Good thing pumayag siya.

Balita ko manunuod din sina Angel at Cav eh. 

Gusto kong makalimutan na ni Rovi ang babaeng yon para ako na ang mahalin niya.

"So, see you later at Schuberg's?"

"Sige Maine. Thank you for the invitation ah."

"Wala yon."

CASSIE'S POV

Ilang minuto na lang game ko na.

Hooo..

Darating kaya siya?

'Cassie, start na tayo. Let's go.'

Tinawag na ako ng ka-team ko.

Simula na ng game. Kinakabahan ako. Di ko siya matanaw mula sa audience.

Naglaro na lang muna ako. Nag-focus ako sa game. Hindi ako pwedeng matalo. Hindi kami pwedeng matalo.

'Cassi, iyo na yan.'

"Sige sige, Mine! Mine!", sigaw ko.

"Points for the home team"

Nice. nakalamang kami ng points mula sa kalaban.

SERENDIPITY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon