Chapter 9: Titira?

973 26 2
                                        


Kathryn POV

"Miss apple"

Tinignan ko ng masama si Dj sa sinabi nya. Kahit kelan talaga tong lalaking to.

Inirapan ko nalang sya dahil naka ngisi sya. Seriously, Ano nangyari sa kanya?

"Miss Apple, Can We talk?" Tanong nya

Sinarado ko ang laptop ko at tumingin sa kanya

"Nag uusap na tayo diba?!" Masungit kong sambit.

"Kathryn Chandria Bernardo"

Tinignan ko ulit sya sa pagtawag ng full name ko.

"Ano? Mr. Daniel John Ford Padilla?" Inis kong tanong

"Mag pretend tayo na Sweet tayo pag anjan sila Mommy, Para hindi nya mahalata na may Girlfriend ako. Kahit ano naman gawin natin na gusto natin ang gawin natin pag wala sila Mommy at tita Min. Is that Clear?" Seryosong saad ni Dj

"Okay" tipid kong sagot at tumayo na.

Bat ganun? Bat parang may tumutusok sa Puso ko? Bakit parang Nasasaktan ako?

Ugh! Siguro gutom lang to.

Naglakad na ako papunta sa Kwarto KO. Oo kwarto ko, Hindi na kasi dito umuuwi sila Magui at Jc, Sabi ni tita K. Maganda daw yun para masolo namin Tsk.

Una tutol kami, pero inblack mail nya kami na Hindi daw kami bibigyan ng Pera o allowance pag hindi kami pumayag.

Kaya sa Huli, Napapayag nya kami.

Binalik ko na ang Laptop ko sa Table at in bun ang Buhok ko.

It's Saturday in the Morning at marami pa akong gagawin like laundry.

Nag suot ako ng Short Shorts at Over Sized T-shirts bago bumaba.

"San yung lalabhan ko Dj?" Tanong ko ng makita ko sya sa baba.

"Nandun na" Cold nyang saad

I just nodded at dumiretso na sa likod kung saan ako maglalaba.

Machine Wash ang gagawin ko pag Hand Wash kasi Masakit sa kamay.

Nag umpisa na akong maglagay ng tubig sa Washing Machine at nilagay na duon ang mga Underwear.
Ugh!! Kinakabahan ako, Gosh!

Nilagay ko na lahat ng Underwear sa Waching Machine insert nyo na kinakabahan ang kamay ko habang nilalagay ang mga Undies.

--

"Woooohh" sambit ko ng matapos akong mag sampay ng mga nilabhan ko.

Next kong gagawin ay ang Magluto ng Lunch. Andami kasing damit na Nilabhan ko.

Gutom na rin ako, Hindi nga pala ako nag Almusal.

Pumasok na ako sa loob at naabutan kong Tulog si Dj sa Sofa. Hmmp, Feel King naman 'tong Mayabang na 'to.

Ayan, mukha syang Anghel pag Tulog. Pag tulog lang..

Lumiko na ako papunta sa Kusina at nag saing na ng kanin.

Dati hindi ko kayang magluto, Magsaing, Maglaba o maglinis ng Bahay. Natutunan ko lang yan ng Masearch ko sa internet.

Ano kaya ang magandang Ihain sa Tanghalian?

Adobo? Tinola? Pinakbet? Uhh, Ano kaya?

Adobong Manok nalang kaya? Madali lang naman lutuin yun eh.

Kinuha ko na ang Manok sa Refrigerator at nag ayos na rin ng mga Ingredients ng Adobo.

Nang makumpleto ko na ang Ingredients ay nagsimula na akong magluto.

Pakanta kanta ako habang nagluluto.

Feel ko antanda ko na, Dahil Marunong na akong Magluto o gumawa ng mga Households Do.

Mali, Feel ko Yaya ako ni Dj dito sa Bahay. Amp, Nakaka asar talaga yung lalaking yon.

Sana nandito nalang sila Magui para hindi Awkward ang Ambiance dito sa bahay.

Matapos kong magluto at magsaing ay nag prepare na ako ng kakainin namin.

"Hi Kath"

Nabitawan ko ang Baso na hawak ko sa sobrang gulat.

"I'm sorry kath" sincere na paumanhin ni Barbie

Ano ginagawa nya dito?

Umupo na ako at dahan dahang nagpulot, Ganun din si Barbie nagpulot din sya ng bubog.

"Okay lang Barbie, bisita ka dito. ako na gagawa at--"

"OUCH!"

Tinignan ko ang kamay nya na may mga Dugo. Tsk, Ang Kulit kasi ng babaeng to. And Wait? Why I'm Acting Weird? Bat ba Ayaw ko kay Barbie Argh!

"What happened Barbie?" Tinignan ko si Dj na nag aalalang naka tingin kay Barbie

"You're Careless Kath! Tignan mo ang ginawa mo" galit na sabi nya

So, Ako pa ang may kasalanan. What the Fvck? Sya nga yang pinaghanda na ng Tanghalian sya pa galit. Sh-t.

Tinignan ko silang dalawa ni Barbie, Si Barbie umiiyak si Dj naman hawak nya ang kamay ni Barbie at ginagamot.

Nagpatuloy lang ako sa pagpupulot ng Umalis na silang Dalawa.

Bat ang Sakit? Diba may karapatan ako? Diba karapatan ko din magalit kasi ako yung Fiancée tapos si Barbie girlfriend lang?!

"Ouch" mahinang sambit ko

Tinignan ko ang Daliri kong May Dugo.

Hindi yung Sugat ang dinaramdam ko, kundi ang Puso ko, Ewan ko pero ang Sakit eh. Sobrang Sakit na parang maiiyak na ako.

Tumayo ako at kinuha ang gloves at nilinisan ang mga bubog. Hindi ako nagtira na kahit katiting na Bubog at baka masabihan pa ako ng Careless ulit.

Pagkatapos kong maglinis eh ginamot ko na ang Darili ko. Manhid na ata ako eh, Hindi ko nararamdaman yung Sakit.

Pagkatapos kong lagyan ng band aid ay umalis na ako sa Kusina.

Pumunta ako sa Kwarto ko at nag suot ng Pantalon at Crop top matching Adidas Shoe. Siguro sa Mall nalang ako mag Lunch. Ayaw ko makita sila Barbie at Dj eh.

Kinuha ko ang Shoulder Bag ko at lumabas na sa kwarto, Wala sila sa sala kaya siguro nasa Garden sila o saan.

Pupunta sana ako sa Kusina para takpan ang mga niluto ko ng may marinig akong nag uusap sa Kusina.

"Hanggang Kelan ka titira dito Bie?"

" One Week. Aalis na kasi ako ng Bansa and I want na Memorable ang pag alis ko. But don't get me wrong Dj, Babalik din agad ako"

"So One Week? Bat hindi mo pa ginawang Two Weeks?"

Hindi ko na hinintay sumagot si Barbie at Umalis na ako. So, Dito pala sya titira?!

Tsk.

Lumabas na ako ng bahay at nagpara na ng Taxi.

Hell Week na ang linggo ko pag dito pa sya titira.

Ugh! She getting on my Nerves.

~

Arrange Married With Mr.PadillaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon