CC IV

3 0 0
                                    

Distance
ZACK's POV

I live in Laguna somewhere in Luzon. Si sheena naman nakatira sa Mindanao.

Kahit sinong tatanungin napakahirap ng LDR o LONG DISTANCE RELATIONSHIP.

Before ko siya makilala kakabreak ko lang sa ex ko nun. Nakatira siya sa Manila ilang Kilometers from Laguna pero di nag work kasi "distance matters" daw. Ayun ni let go ko nalang.

Habang patuloy kaming nag uusap di ko namamalayan ay nafall na pala ako.
Siguro isa sa mga dahilan nun ay broken ako.
Pero di ibig sabihin nun ay panakip butas ko lang siya.
Sumunod na nangyari pagkatapos namin magbigayan ng number ay nagbigayan na kami ng RA o Real Account. Dumadating na yung time na di ko na nabubuksan yung dummy account ko dahil sa kanya.
Di naman ako usually nagpapaload pero nagpapaload ako para makatext siya even though pwede ko naman siya ichat.

Napapansin ko dumadami na ata pimples ko. Madalas kasi 3am magkausap pa kami. Alam niyo yung kahit nonsense na yung usapan niyo okay lang.
G na G padin kami parehas. "I wonder ganito padin kaya kami kaclose kapag sa personal na kami magkausap?" Sinabi ko sa sarili ko.

Nagdecide ako na tawagan siya dahil 2-3hours ko lang siya di makausap feeling ko ilang araw ko na siya di nakakausap. Ayun na nga tinawagan ko siya Vcall syempre.

Tinanong ko siya kung ano naba status namin sabi niya "I really enjoy what we have today" at that moment alam ko na may feelings na siya sakin alam ko na mahal na niya ko.
Kaya i grab the opportunity agad sabi ko "Pwede ba tayo nalang? Since wala ka naman Boyfriend at wala naman akong Girlfriend".
Di naman ako nabigo dahil malaking "YES" naman ang sagot niya sa akin.

Confident ako na papayag siya pogi ko kaya HAHAHAHA

Bigla ko naisip kung magwowork ba tong ginagawa namin. Maraming doubts and fear pero lahat yun tinalo ng feelings ko para sa kanya.

LONG DISTANCE RELATIONSHIP DO EXIST KAYA?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crappy ConnectionWhere stories live. Discover now