Two

1 0 0
                                    

Aya's POV

Palabas na ko ng gate nang may humigit sa kaliwang braso ko kaya napa lingon ako sa likod ko.

Teka, ito yung inutangan ko kanina ah? Ano nga yung pangalan neto? Taurus? Oo ata! Taurus nga!

"Taurus?" Ani ko sa kanya, bigla syang kumunot noo tapos bigla syang tumawa.

Ano bang problema ng mga tao ngayon at tawa sila ng tawa kapag ako ang kaharap?(-___-')

"It's Jairus not Taurus, but just call me Jai HAHAHAHA" Aniya, sabay ngiti.

Aypota, Jairus pala hindi Taurus. Poor Aya! Tinaasan ko sya ng kilay.

"Bat mo ko hinigit P're?, Uwi na ko oh! Bukas babayaran naman talaga kita eh! Di naman kita tataguan 'no!" Utas ko sabay ayos ng sumbrero ko.

Napanguso naman sya at napakunot ng noo.

"Hindi naman yun yung sinadya ko eh! Sabay na tayong umuwi?" Anyaya nya.

Ako naman ang kumunot ng noo dahil sa sinabi nya, bat naman nya kelangan ng kasabay umuwi? Natatakot sya sa daan? Hala! Bakla pa ata 'to, tsk sayang ma itsura pa naman.

"Ay pasensya na p're pero kelangan ko pang sunduin yung nililigawan ko" Tugon ko, tila nagmistulan syang yelo ng marinig ang sinabi ko.

Oh ano na naman?

"N-nililigawa m-mo?" Nabubulol nyang tanong.

"Ay paulit ulit p're? Oo nga nililigawan ko, sige na maiwan na kita ah?" Sabi ko sabay tuluyan nang lumabas ng gate ng school kasi uwian na namin.

Tatanungin nyo ba ko kung sino yung nililigawan ko? Well, di nya alam na nililigawan ko sya eh (T__T) Actually bespren ko sya. Ayoko namang umamin sa kanya kasi baka masira ang pagkakaibigan namin kapag nalaman nyang may gusto ako sakanya. Bat kasi naging babae pa ko eh!

"Ellie!" Sigaw ko ng nakita ko sya----ay punyeta bat may kasama syang lalaki? Tss. Di hamak na mas gwapo ako kesa sa kasama nya 'no!

Di nya ko napansin kasi busy sya sa pakikipagtawanan sa kasama nyang lalaki! Dahil sa badtripan nasipa ko yung batong nasa paanan ko.

Tumalikod na lang ako at diretso ng umuwi sa bahay. Hays! Aya naman kasi eh! Yung bespren mo babae yun! At alam mong hindi hindi sya magkakagusto sayo kasi tomboy ka!

The perk of being lesbian!(T_T) Hays, One-sided-love forever na lang ba talaga ang status ko?

"Oh Aya? Anyare? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa ah?" Bungad sakin ni Kuya pagkapasok ko sa bahay. As usual naka harap si Kuya sa Computer nya at nakasabi sa leeg nya ang headphone dahil isa syang Call Center Agent! Pero sa bahay lang kasi nga napromote sya kaya pwedeng sa bahay na lang sya magtrabaho oh bongga ng kuya ko 'no?

Namataan ko naman yung wallet ko sa gilid ng armrest ng sofa, pinulot ko 'yon at pinakita sa kanya.

"Naiwan ko 'to kuya, kaya ayun! Napa utang ako ng wala sa oras" Tugon ko ng nakabusangot ang mukha, napatayo naman si kuya at tumabi saakin

"Ay! Dapat tinawagan mo ko, Aya. Pero buti na lang may nagpa utang sa'yo, May adobong manok dun sa mesa kain ka na, mamaya na lang ako kasi may kelangan pa kong gawin, tapos pagkatapos mong kumain pahinga ka na okay?" Ani kuya sabay tapik sa kaliwang balikat ko.

"Yeah!" Yan na lang ang nasabi ko sabay lapag ng bagpack ko sa sofa at tungo sa kusina para kumain.

Pagkatapos kong kumain dinalhan ko si kuya ng pagkain nya, mukhang pagod na eh, kahit loloko-loko yang si Kuya mahal ko yan! At syempre mahal din ako nyan. Nagdala na rin ako ng Isang basong tubig.

"Kuya oh, mag dinner ka na" Sabi ko sabay lapag ng tray na pinaglagyan ko ng Pagkain at Tubig.

Nilingon nya ko at tinaasan ng kanang kilay.

"Lungkot mo ata? May problema ba? Share it to me!" Aniya.

Umiling lang ako at nagpaalam na magpapahinga na.

Siguro dapat ko ng simulan ang pag momove on kay Ellie, wala naman na talaga akong pag asa sa kanya eh.

"One Message Recieved!" Rinig kong tunog galing sa selpon ko, agad ko naman itong dinampot at tuluyan ng gumuho ang mundo ko sa nabasa ko..

From: Ellie-Babe!

Ayaaa!Know what?Sinagot ko na kanina si Geo! Nakuuu ang saya ko talaga ngayon! Bat pala di ka ata nagpunta kanina sa school /pout/, eniwey nasa bahay ako ngayon ni Geo Owenji! Pinakilala nya ko sa Mommy nya!!!!

-

Tinanggal ko yung battery ng selpon ko at tinanggal na din yung simcard at binato na lang sa kung saan. Kumirot yung puso ko, It's been 2 years simula nung nalaman kong may pusong lalaki ako at si Ellie ang nagpatunay no'n.

Naramdaman ko na lang yung mainit na likidong tumutulo mula sa mga mata ko. Totoo palang kapag nagmahal ka, darating din yung point na masasaktan ka. Hays, bat pa kasi ako nainlove eh!

---
Author's Note: Ang sad ng kabanatang ito 'no? Hueeee! By the way! Okay lang ba yung flow? Hihihi! Please comment your opinion/s kahit bad or good okay lang atleast nag effort kayo na mag comment diba?

VOTE|COMMENT|BE A FAN

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon