Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon habang nasa loob ako ng taxi. Kinakabahan dahil siguradong new experiences at struggles nanaman ang mararanasan ko pero kahit naman ganon ay excited parin ako dahil makikita ko na ang mga kaklase ko
Gwapo at magaganda parin kaya sila? Pasaway parin kaya ang section namin? May mga nag transfer na kaya? Sana naman walang bagong kaklase. Gusto ko kami kami lang
nag bayad ako at huminga ng malalim bago binuksan ang pintuan ng taxi
madami nang estudyante sa loob at labas ng campus. Mga excited makita ang mga kaibigan nila. Pag dumating naman ay kwentuhan agad at kulitan.
Sinuyod ko ang paligid, nagbabasakaling makita ko ang bestfriend kong si Rose pero naalala kong late nga pala yun lagi tss
Dumiretso akong classroom at pumili ng magandang pwesto ng upuan. Napili ko yung upuan na nasa tabi ng bintana sa 3rd row
Nang tumunong ang matagal ko nang hindi naririnig na bell ay nagsilabasan na kami at pumunta sa pila ng section. Noon kapag naririnig ko yung bell ay naiinis ako o natataranta, ngayon ay natutuwa ako. Namiss ko yung bell kahit na kasalanan nito ang pagkalate ng isang estudyante
Pumila kami ng maayos sa court at tumahimik nang narinig na namin ang tunog ng mic na naka-on na
Natawa ang lahat dahil imbes na dasal ang marinig namin ay boses ng dalawang lalaki na nagtatalo
"Ikaw na nga Mark ang mauna! According to your height diba?"
"Ikaw na Ian! tutal ikaw naman ang mukang prepared eh!"
"kahit kailan talaga sunog ka! Ikaw na nga! Sayo unang binigay ang mic!"
"malamang pinaabot mo! Tapos ngayon hindi mo kukunin?"
"ikaw na mauna! Kakulay mo naman yung mic eh, black"
May bahid ng tawa yung huling nagsalita. Puro hagalpakan naman ang naririnig dito sa court. Yung mga matatandang teachers ay nakabusangot, yung mga bagets naman ay tumatawa din
"Ian ikaw na mauna, nababakla nanaman yan si Mark"
Ibang boses na ang sumunod na nagsalita
Ugong ng mic ang umalingawngaw sa buong campus bago nagsimula ang dasal. Mukang nag tulakan pa ng mic yung leaders sa taas
Pagkatapos ng nakagawiang flag ceremony ay nakapila kaming pumasok ng classroom. Yung mga nakakasalubong ko ay hindi parin maka move on sa dalawang leaders na nag bangayan muna bago nag dasal. yung iba ay kinikilig
Habang naglalakad ako ng maayos ay kamuntik muntikan pa akong madapa dahil biglang may umakbay sakin na kakagaling lang sa takbo
"Hi phia" bungad ng kaibigan kong si Rose na hinihingal pa
Late nanaman
"first day na first daw late ka!" bulyaw ko tsaka siya pinitik sa noo
Napahawak siya sa pinitikan ko at nag pout
"mianhae! Tinanghali ako ng gising" aniya
"lagi naman" utas ko
Nakaakbay siya sakin hanggang sa makarating kami ng classroom. Bakante ang katabi kong upuan kaya doon siya umupo
"namiss mo ako?" pacute niyang tanong
"bakit kita mamimiss?" irap ko
Syempre joke lang yung pag tataray ko. ganyan lang talaga ako kapag kinokontra ko ang pagiging sweet at cheesy niya
"alam mo kung ano yung pinaka namiss ko dito?" singhap niya
"ano? Yung pagkain sa canteen?" bungisngis ko