Dumaan ang unang linggo ng pasukan na halos walang ginagawa. Orientation week kasi kaya walang nangyari. Pang apat na taon na namin dito kaya para san pa ang pag orient samin? Kaya tumambay nalang ang adviser namin sa room at nakipag kwentuhan sa iba naming kaklase
Ngayon ang linggo na sinasabi ng Arx na may pa-audition sila para sa position na vocalist at ngayon din yung sinabi ni Jackson na magtuturo sila kung paano tumugtog ng mga nasabi niyang instruments
Si Rose ay nagbalak na mag audition pero napigilan naman namin. Ani Hero ay mapapa-tawag si Rose sa dean's office dahil sa pag alulong nito kahit hindi pa gabi. Aminado naman si Rose na libag siya pero gusto niya lang naman daw na mapansin siya ng Arx. Si Hero naman, kung may position lang daw na background dancer ay tiyak na sasali siya
Si Mina ay may mga kaibigan na. medyo dumadaldal na din siya at hindi na siya nahihiyang mag approach saming mga kaklase niya.
"ano paborito mong wine, Rose?" tanong ni Hero na ngumunguya pa ng potato chips
Recess na at nakatambay kami ngayon sa kiosk. Kung ano ano ang nagiging topic namin at ngayon ay nasa wine naman kami. Out of nowhere
"Hindi ko alam. Hindi ako mahilig diyan" ani Rose
Sa kabilang kiosk ay nandoon nanaman ang Arx. Nang nilingon ko sila ay may kung ano silang ginagawa sa pagkain. May parang hinahalo sila sa plastic ng coke.
"ano yun?" tanong ko kila hero
Kibit balikat ang sinagot sakin ni Hero
Kumukuha yung Arx ng mga tira tiring pagkain sa nirecess nila at pinaghalo sa plastic saka nilagyan ng tubig, coke, juice. Ang resulta ay mukang suka
Nagtawanan ang Arx pero napansin kong namumutla si Ally na kasama nila ngayon sa kiosk. Nakatakip ang bibig at umiiwas ng tingin. Mahina siguro ang sikmura niya sa mga ganyang bagay
Nang napansin iyon ng Arx ay nilapit pa nila lalo kay Ally yung plastic. Tumakbo na paalis si Ally pagkalapit sakanya ni Mark dala ang plastic. Tinapon naman nila ito agad sa basurahan na kalapit at umalis na sila
"How I wish na maranasan kong maging kaibigan ng Arx..." ani Rose, sinusundan ng tingin ang naghaharutang Arx sa pathway patungong highschool building
Nagulat kami nang biglang hinampas ni Hero ng malakas ang lamesa at sumigaw ng "Alam ko na!" habang nakangiti. May sumaging bright idea sa utak niya
May pagtataka sa muka naming parehas ni Rose
"Let's have an agenda!" utas ni Hero na naka turo pa sa itaas
"Para saan?" tanong ko
"Para maging kaibigan tayo ng Arx!" galak niyang sabi
Biglang nagbago ang expression ng muka ni Rose. Sa isang iglap ay nakangiti na siya at inuuyog si Hero. Tapos bigla niya nalang itong hinampas sa braso
"Sa tingin mo ba ni minsan ay hindi yan sumagi sa isip ko?" pagalit ni Rose
Nagpatuloy ang paguusap nila tungkol sa kung ano anong bagay. Sa pag balik namin ng classroom ay si Mina naman ang pinag usapan nila dahil nakita nila itong naka-braid ang buhok. Lalong nadepina ang kulay tsokolate niyang buhok at ang magandang hugis ng kanyang ulo
"Nakakabitter ang ganda niya!" reklamo ni Hero at sumangayon naman si Rose.
Parehas silang bitter. Lalo na nung dumaan sa gilid ng upuan nila si Mina at narinig nilang mahina itong kumakanta. Maganda daw nag boses. Baka raw mamaya ay may balak na mag audition sa Arx
Parang uminom ng isang baldeng katas ng ampalaya yung dalawa! Sabagay... sa lahat naman ng matipuhan ng Arx ay nabibitter sila. Yung girlfriend ngayon ni Flynn na si Fear ay inistalk nung dalawa at pinagtawanan lahat ng post kahit hindi naman katawa tawa. Hinahanapan nila ng wrong grammar o wrong spelling kahit imposible dahil rich kid at laking states yun.
