CHAPTER 6- He Saved Me

28 8 0
                                    


Natapos ko na din ang one week ko sa Harrison University. Sa loob ng one week na yun ay wala pa din pagbabago. Pinagiinitan pa rin ako nina Kiana at Tanya pati na rin mga alipores nya.

Nakakainis na nga eh, idagdag mo pa ibang Fan girls ng Prince's na nakikisali na din. Gusto ko man silang patulan pa pero hindi naman maaari dahil baka alisin nila scholarship ko. Last year ko na toh kaya hanggat kaya ko pigilan inis ko gagawin ko makagraduate lang dito.

Sa ngayon andito kami ni Bessy sa bahay. Sunday ngayon at dapat nasa Coffee bay ako pero hindi na muna ako pinapasok nina Tita ng sa ganun daw ay makapagpahinga ako.

" Bessy, are you sure na ganyan talaga dapat ang uniform na susuot natin" wika ko habang sinusuri kong mabuti ang hawak ko uniform.

Pumunta dito si Bessy para dalawin si Lala at ibigay sken ang school uniform ko. Simula kasi bukas nakauniform na kami.

Pero hindi ko naman akalain ganito ang uniform ng H. U. Ibang iba sa dati kong school pero sa bagay anu ba maitatapat nito sa isang kilalang University.

" Oo Twinie eto talaga, excited na nga ako isuot toh bukas" excited na sabi nya.

Hindi ata ako magiging excited kung ganito susuot ko. Maganda naman sya pero kayanin ko kayang magsuot ng ganitong ka-ikling palda (see the picture at the side isipin nyo na lang na ganyan uniform nilA😊) Tapos yung pangitaas ok na sana kaso maikli din.

" Twinie wala ka ng ibang choice kundi isuot yan" aniya.

Anu pa nga ba magagawa ko kundi isuot ito. Ayaw ko naman maging iba sa paningin ng kapwa ko estudyante at baka lalo lang ako paginitan nina Kiana. Kaya goodluck talaga sken bukas.

" Mga apo mabuti pa bumaba na kayo dyan handa na hapunan" sigaw ni Lala mula sa salas. Alam nyo naman ayaw nyang magakyat baba kaya ganun na lang sya makasigaw, hhahaha.

" Opo Lala sunod na po kami" agad kong sagot.

" Hindi nga pala tayo magkakasabay ng pagpasok bukas may dadaanan pa kasi ako Twinie."

" Anu kaba hindi mo naman ako dapat palaging isabay alam ko naman busy ka at isa pa mapapalayo ka pa ng daan." sagot ko.

" Basta bawi ako sayo next time"

" Ang mabuti pa bumaba na tayo kaya halika ka na nagugutom na ako." wika ko.

Agad naman kaming bumaba at nagtungo sa kusinA. Madami ang inihanda ni Lala dahil now lang ulit bumisita si Bessy dito sa bahay.

Masaya naming pinagsaluhan ang inihanda hapunan ni Lala. Kwentuhan, tawanan yan ang namiss ko sa hapag kainan. Si kuya na lang kulang at kumpleto na kami.

Me And My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon