Always on your Side

40 1 0
  • Dedicata a Mir Marquez Orquia
                                    

Hi guys this is my first time in this new account...having those long time of suffer from school!!!!!!!

Hope u read this guys(kapoy pa mag introduction karOng panahona!!!!)

.

.

.

.

..

ohhhhh bigtlaan to huh!!!!!!!!

 Bumukas ang pinto at humantad sa harap ni Simon ang isang morenang babae.

     “Uh, sino sila?”

     Si Barbara Sancristobal. Nakita na niya ito sa libing at may larawan din ito sa profile report na ibinigay sa kanya ni Rommel noong isang linggo. He shouldn’t be surprised, really. But he supposed seeing her upclose was a different matter.

     Hindi ito kabilang sa majority ng mga Pilipina na obsessed pumuti, na kulang na lang ay manipulahin ang genes para magmukhang albino.

     Her skin was glowing. It was a healthy golden color. But he doubted it was au naturel. No, this was a woman who took care of herself. Long, thick, lustrous black hair carefully pulled back into a high ponytail, soft clear creamy skin no doubt pampered with lotions, creams and moisturizers, plump moist lips coated in pink lip gloss–yes, this woman knew how to keep herself pretty.

     “Ah, yes? Sino sila?” Tila sinusubukan nitong huwag siyang hagudin ng tingin mula ulo hanggang paa.

     He sure hoped he wasn’t wearing his poker face. He didn’t want to intimidate her. He needed to look friendly. The last thing he needed was to be at war with the woman carrying his brother’s child.

     He held out his hand for a handshake.

     “Hi, I’m Simon—”

     “Oh! Simon Rivera? ’Yung boarder?”

     Mahirap ang hindi kumurap sa tingkad ng ngiti nito.

     “Kahapon ka pa namin hinihintay! Pasok!” Pumulupot ang mga daliri ng babae sa kanyang pupulsuhan at hinila siya sa loob.

     “Pasensya na, medyo magulo nang konti ’tong bahay kasi may mga mini-makeup-an ako, pero naayos na namin ’yung kuwarto mo.”

     Ang una niyang napansin ay ang pagbabago ng temperatura. Hapon na pero maalinsangan pa rin sa labas, pero malamig sa loob ng bahay ni Barbara. Walang AC, sigurado siya, pero sapat ang air cooler fan sa sala para gawing malamig ang hangin. Ang pangalawa niyang napansin ay ang kulay yellow na pintura ng silid. Pagkatapos ay ang mga gamit. Wala siyang artistic bone sa katawan, pero alam niya kung paano mag-appreciate ng style. And the house definitely had style.

     Yellow na mga dingding na nagkukulay kahel sa panghapong araw, malaking kremang couch na may makukulay na throw pillows, isang ethnic center rug, isang palmera sa gilid, isang malaking multi picture frame na tila pinagtabi-tabing hugis parisukat sa itaas ng thirty-two-inch LED TV, isang mataas at mahabang lamp shade, transparent green curtains with golden embroidery—the room was nothing compared to his multi million penthouse—but it was classy, comfortable.

     “Girls, sandali lang, ha?”

     Pinukaw ng boses ng dalaga ang pagtitig niya sa bahay nito. Napatingin siya sa tatlong dalagita na nakaupo sa couch at sa isang silya. Dalawa sa mga ito ay naka-makeup na tila rarampa sa catwalk. Iyong isang dalagita ay tila nasa kalagitnaan ng paglalagay ng foundation nang naistorbo dahil sa pagdating niya.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jan 29, 2014 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Always on your SideDove le storie prendono vita. Scoprilo ora