PROLOGUE

1.6K 49 2
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Huminga ako ng malalim at inilapag and mga dala kong gamit sa side table na nasa loob ng inarkila niyang suite room. Kahit pangalawang beses ko na siyang naging costumer, naiilang pa rin ako sa kanya. Sanay akong sumayaw ngunit iba ang gagawin kong pagtatanghal ngayong gabi dahil ginagawa lang namin ito para sa mga espesyal na panauhan. Tinatawag namin itong private show kung saan iisang tao lang ang makakapanood at nangyayari ito sa isang pribadong lugar kung saan kaming dalawa lang ang nakapaloob.

Gamit ang Bluetooth speaker, pinatugtug ko ang musika para sa una kong sasayawin. Pinilit kong sumayaw ng normal kahit nakakatunaw ang mga titig niya. Hindi ako sanay sa titig na 'yun pero kailangan kong tiisin ito.

"Bakit ang layo mo?" tanong niya, "hindi ka ba pwedeng lumapit kunti?"

Hindi na ako sumagot pero ginawa ko naman ang request niya. Sumasayaw pa rin ako hanggang sa napagulantang ako sa hawak niya sa baywang ko.

"B-bakit wala kang tali?" gulat akong napaharap sa kanya.

"Did you forget about what my money can do?" nakakaloko siyang ngumiti sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng takot kaya mabilis kong tinungo ang pinto.

"That door is locked from the outside," saad niya bago ko maabot ang pinto.

"Sabi ko sa'yo di ba? Bibilihin ko ang lahat ng serbisyo mo para akin lang ang lahat ng oras mo," sabi niya habang unti-unting lumalapit sa akin.

"Ano ba ang problema mo? Akala ko ba gusto mong lumayo ako sa'yo? Bakit ngayon ikaw ang lumalapit?" tanong ko habang umaatras palayo sa kanya.

"Because I am still physically attracted to you and since I paid for your debts, you are going to pay me by satisfying this attraction until I can get over you!" sabi niya.

Doon ko na napansing nakulong na pala ako sa pagitan ng kanyang mga kamay habang nakatukod ang mga ito sa pader na sinasandalan ko. Oo nga pala, he was just physically attracted to me. Bakit ba ako umasang ginagawa niya ang lahat na 'to dahil mahal niya ako? Wala na talagang nagbago. I am just here to satisfy him hanggang sa magsawa siya sa akin. Hindi ko alam, pero gusto ko ring gawin ito - kung ito lang ang paraan upang muling makalapit muli ako sa kanya, lulunokin ko ang natira kong pride. Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal.

______________________

AN: Hindi ko inaasahang may magbabasa nitong ginawa ko pero kung sakaling naisipan niyong basahin, salamat. Sana lubusin niyo na rin - vote, comment and share niyo na rin ito sa mga vkbabies out there!!

Jose Marie Borja Viceral's Evil Side - A Vicerylle StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon