Nasa langit na ba ako?

21 0 0
                                    

"Uy guys si Cevin!"

"oo nga ang gwapo niya talaga"

"hoy mga ilusyonada akin kaya siya"

"Hi Cevin!"

yan ang reaksyon ng mga babaeng nasa paligid ko habang binabagtas ko yung corridor papunta sa classroom namin. Sorry Girls kahit magaganda kayo o kasing sexy ng fhm cover girls wala pa ring tatalo sa kanya. Yung totoo siya lang naman ang gusto kong makita ngayon. siya pa lang kumpleto na agad ang araw.

Kaso ilang hakbang na lang makakapasok na ako sa classroom namin kahit anino niya o yung presensiya niya hindi ko maramdaman.

"Uy Cevin musta bakasyon? at nasaan ang pasalubong ko?"

hay heto na naman ang makulit na si Pauleen inuumpisahan na naman ako ang aga-aga ee.

"Ayos lang. bukas ko na lang ibibigay yung pasalubong mo nakalimutan ko kasi."

"tong lalaking to' ang bata-bata mo pa makakalimutin ka na at saka ang aga aga wala kang kagana-gana may food shortage ba sa inyo at hindi ka nag-almusal?"

"tange wala, wala lang talaga ako sa mood" kasi hindi ko siya nakita. "ang panget mo kasi."

"hala kapal neto, wag mo sabihing maputi,singkit at heartthrob ka baka basagin ko yang feslak mo."

"kababae mong tao dinaig mo pa barako sa pagsasalita."

"shusmi barako naman talaga ako tignan mo tong mga maskels ko mas malalaki pa sa'yo."

"Hay, ewan ko sayo baka lagyan ko ng paking tape yang bibig mo."

"sige ba basta suntukan muna tayo."

Whatever. oo tiboom si Pauleen ay este Pau pala nagagalit kasi yan na parang tigre kapag tinawag mo siyang Pauleen ayaw niya non kasi mas maton pa daw siya sa mga bouncer sa mga bar kahit parang saranggola siyang liliparin kapag malakas ang hangin.

"Okay Class Open your book on pag-"

"PAGE 235!!!!!"

the classs said it on chorus.

"aba'y nangunguna nangunguna? sige kayo na lang teacher palit tayo."

hahahaha. kada papasok kasi yung teacher namin sa math na kamukha ni Whammy red na red kasi yung buhok kala mo teenager pero gurang na naman (HARD), si whammy push your luck tanda? alam na namin yung linya na, ngayon pg. 235 bukas page 236 naman wala lang kasi magawa sa buhay kaya gagawin magsasabi ng page sa libro tapos ipapakopya lang sa notebook. diba napaka halaga at may sense nung ginagawa namin. First subject pa naman to pero nakakabadtrip at tamad -_- mas mabuti pang tumingin sa bintana at panoorin ang galaw ng mga halaman.

"Uy Vina!"

Ha? VINA DAW. tama ba yung narinig ko may nag sabi ng pangalang VINA. at heto na naman yung pakiramdam na may nag hahabulang mga kabayo sa dibdib ko hindi ko na nga to' maintindihan. wala naman akong sakit puso bakit ganito? sa kanya ko lang to nararamdaman. pinagpatuloy ko yung pakikinig sa labas.

"Vina, Papirmahan mo daw ito kay Maam Charo. andyan lang ata siya sa kabilang section puntahan mo na lang dun."

"Ah sige wait lang Fina. oh akin na saan ba banda yung papapirmahan dito."

"heto lang sa may baba."

"ah sige salamat puntahan ko na si Maam Charo."

Shit maam charo? asan ba si maam charo? ay oo nga pala dito pala sa amin yung klase niya ngayon ahhhhhh. nakakainis bakit ganito. natataranta ako pero sa loob loob ko lang. teka ayan na papunta na si Vina dito sa classroom.

*Tok! tok! tok!*

"Goodmorning po maam Charo papapirmahan ko lang po ito."

"ah sige pasok ka hija."

teka nasa langit na ba ako bakit may anghel? panaginip lang ba ito? sana di na ako magising.

"Pauleen *kalabit*, Pauleen *kalabit* *kalabit uli*"

"oh ano ba sinabi na ngang ako si PAU. ano bang kailangan mo?"

"Kurutin mo nga ako."

"ayoko baka mamaya trip mo lang 'to."

"hindi bilis na."

"wag kang magsisi o magagalit ah."

"OO NA PO. tagal slow hands."

*KUROT*

"AAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!" ><

"Mr.Elanges ano ba yan may pinapagawa ako sa inyo diba. why are you not paying attention on it?"

"ah Maam kasi po tong si Pau kinurot ako sobrang sakit po."

"ah maam sinunod ko lang po yung utos ni master na kurutin siya baka kasi ma-gangster po ako ng di oras kapag di ko siya sinunod."

sira-ulo talaga 'tong tiboom na 'to kahit kelan. ah aray ang sakit pa rin nung kurot niya namumula pa paker.

"anong sinasabi mong gangster-gangster diyan ms. Orecdor tigil-tigilan niyo na nga yan at baka kayo pa mag katuluyan."

"AYIEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHHHH"

sabi ng klase.

"HA? no way maam ASA! mas mukha pa nga akong lalaki dito sa taong gatas na 'to yuck kadiri."

"kapal naman nito ASA ka rin."

"HAHAHAHAHA."

Patay, tumatawa din siya yung pakiramdam kong horse racing kanina nadagdagan ng pakiramdam na parang natatae at kalam ng tiyan.

Hindi talaga siya nakakasawang titigan front view,side view,back view at kahit top view she's always VIEWtufil. aw korni. ang ganda talaga ng view.

"HOY! CEVIN!"

"ano?" sagot ko habang nakatitig pa rin sa magandang view.

"ano nga-nga na lang? at bakit ka nakatitig kay vina siguro crush mo siya no?"

"ah eh. h-hindi ah nagugutom na kasi ako. ang tagal naman ng break."

"so gutom kaya pala tumutulo yang laway mo habang nakatitig kay vina. OY CLASSMATE SI CEVIN TUMUTULO YUNG LAWAY HABANG NAKATITIG KAY VIN---"

shit tinakpan ko nga yung bibig. haist kainis tong babaeng to' nilalaglag ako.

"AH classmates wala yon wag niyo 'tong intindihin may sapak lang 'toh ngayon."

"HAHAHAHAHAHA"

"asdfghjklfjkdtuier. hayyyy. kadiri naman yang kamay mo basa. hindi daw crush pero kinakabahan."

"hindi nga. ee kasi kung ano-ano yang sinisigaw mo mali-mali naman."

Patay tumatawa na naman siya. Heaven sa paningin.

"okay ms.Vina you can go now."

"UY VINA SI CEVIN NGA PALA KAIBIGAN KO! SIGE BYE!"

ay ewan ko na lang pag ako di naka tiis kahit babae na mukhang lalaki 'tong katabi ko masasapak ko.

lumabas na si Vina ng room, habang nag lalakad siya sinundan ko rin siya ng tingin sa bintana at hindi ko inaasahan nginitian niya ko ang sarap mahimatay. wait lang para na akong bakla sa inaasal ko hahahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Una Kong Pag-ibig (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon