Lahat naman yata tayo ay nakaranas na nang mabroken-hearted - unless isa ka sa mga swerteng taong may immunity kay Tadhana and I guess walang ganun.
Actually, pare-pareho lang tayo ng mga pinagdaraanan sa buhay, nagkakaiba-iba nga lang kung gaano tayo nilamon ng katangahan o kamalasan.
Karamihan sa mga kaklase ko tinutukso ako pag may koneksyon sa pangalan ng ex-crush ko. Ako naman, dinadaan nalang sa tawa kahit na inis na inis na talaga ako minsan. Syempre idadaan mo nalang sa tawa keysa naman sa kung ano-ano pang masabi ko sakanila na masama. Edi masisira lang ang friendship niyo.
Ewan ko ba kung minsan pag naririnig ko ang pangalan niya bigla nalang akong nawawalan ng gana. Ewan ko kung asan nagsimula yung lungkot sa puso ko, pero sa totoo lang, ayoko nang balikan. Kasi pag binalikan ko yung moment na kasama ko siya magsisilitawan na naman ang mga sana ganito, sana ganyan. Dadalawin na naman ako ng guilt kung bakit naging ganito love life ko ngayon. Hindi naman ako masyadong bitter sa pag-ibig,dahil hindi naman ako ang naunang nasaktan, actually, ako ang nanakit.
Nagkagusto siya saakin. Ako naman tinamaan sa kanyang ka-barkada. Walang pakialam saakin yung ka-barkada niya pero ako namang tatanga-tanga itinuon ang lahat ng atensyon ko sa kaniya. Nag-effort siya para sakin.
Badminton ang sport niya. Nanalo siya sa palarong pambansa. Ilang beses siyang nagcha-chat sakin kaso wala talaga akong pakialam sakanya. Kung mag chat man kami palagi kong dinedelete conversation namin.
Christmas Party. Bunutan na non. At sa di inaasahan, nabunot pala niya ako. Sampal sa braso ang natanggap ko galing sa mga pesteng kaibigan ko dahil kinikilig daw sila. Eh ako, parang bakal ata etong puso ko. Sobrang manhid. Ni hindi ko man lang siya pinasalamatan. Tanga no?
Valentines at tatlong araw nalang mag-bibirthday na ako. Pauwi na kami nang nakasalubong ko siya kasama ang ibang ka-barkada niya, syempre andun yung crush ko. May binigay sila saken. Roses. Syempre tinanggap ko, andun kaya si crush. Pagkatapos non,nilagpasan ko lang si The One That Got Away. Manhid ako eh.
Ilang beses siyang nag-effort sakin kaso tanging tanggap niya lang ay ang rejection. Hanggang sa nagsawa na siya saakin. Inunfriend ako sa FB, Binlock sa IG at Nag-leave sa mga Group Conversation. Nagsawa na siya sa pag eefort. Sinarado na niya ang kanyang puso. Naging cold na siya. Naging manhid.
Ngayon, narealize ko na nagkamali pala ako. Nagpakatanga ako. Hindi naman ako pinapansin ng ka-barkada niya. Hindi na niya rin ako pinapansin hanggang ngayon. Maraming sana ang nagsisilitawan na mga sana ganito, sana ganyan.
Sana naturuan ang puso kong mahalin siya.
Sana na-appreciate ko siya.
Sana nagawa ko siyang pahalagahan.
Sana noon pa lang nakita ko na kung gaano siya ka-importante sa buhay ko.
I just realized how much I love that guy nang mawala na siya saakin.
Pero wala na yata akong magagawa pa. Tama naman sila eh, laging nasa dulo ang pagsisisi.