"What are you doing? Tumingin siya sa apat na lalaki na lasing na lasing na bagsak na ang mga ulo.
"Sa tingin mo? Itatakas kita dito kaya bilisan mo na akin na ng kamay mo?" Kinalag nito ang tali sa paa at kamay ng dalaga..
" Tara biilisan mo!" hinawakan nito ng mahigpit ang kamay at saka hinila siya papalabas ng kubong pinagtaguan sa kanya.
"Wait baka madapa ako... Dahan dahan naman!" pakiusap nito sa taong magliligtas sa kanya.
"Tsk! Bilisan mo baka mahuli tayo nong mga bantay!" wala na siyang nagawa kundi ang bilisan at pilitin na hindi madapa.
Naging tahimik ang kanilang pagtakas wala silang ibang ginawa kundi ang tumakbo hanggang makarating sila sa kasukalan na bahagi ng lugar na iyon.
" Nakakatakot naman dito ang dilim!." Pag iinarteng saad nito.
"Shh! Wag ka ngang maingay malapit lang ang mga bantay dito at nakakalat lang sila. Basta huwag kanag bibitaw sa pagkakahawak ko. Kabisado ko na ang lugar dito kaya alam ko na ang pasikot sikot. Kaya bilisan mo wag ka nang maginarte kong gusto mong makatakas!" Sermon nito sa dalaga.
"Oo na b-bilisan na natin!" Humawak nalang siyang mabuti dito dahil gustong gusto na niyang makalayo sa empyernong lugar na iyon at kahit pagod na pagod na siya ay pinilit parin niyang tumakbo at makisabay sa bilis nito.
Lakad....... Takbo ang ginawa nilang dalawa walang lingon lingon o patigil tigil. Dahil takot silang baka pag ginawa nila iyon ay mahuli sila.
"Ouch! Aray! Levi!" Napangiwi siya tuwing nakaka apak siya ng mga tinik na kanilang madadaanan.
Wala kasi siyang kahit anong protection man lang sa paa.
"Bilisan mo dapat makalayo pa tayo dito."
" Sandali pagod na ako masakit narin ang mga paa ko." Hingal na hingal na saad nito.
Napaupo ito at tinaangal ang tinik sa paa.
"Ahh!! Ouch" Daing nito dahil sa sakit.
"Tsk! Hindi tayo pwedeng tumigil at kahit magpahinga! Tayo ka na diyan bilis."" Napakamot nalang ito sa ulo sabay hingang malalim.
"Wait lang...... Wait lang talaga Levi pagod na talaga ako. Please Levi di ko na talaga kaya!" Pakiusap ng dalaga dahil hindi na niya talaga kaya dahil pag nagpatuloy pa siya sa katatakbo baka bumigay na ang katawan nito.
Ngumiti ito bago hinila ulit ang kamay niya patayo. " Halika na doon tayo sa tagong lugar para di nila tayo makita."
Naglakad pa sila ng kunti ngunit mas masukal na lugar pa ang napasukan nila.
"Pumasok ka na sa loob niyan bilis!" utos nito sa dalaga ngunit napatigil ito dahil nakikita niyang nadadalawang isip pa ang tinulungan na pumasok doon.
"Papasok ka ba o papasok ka?" Tanong nito ngunit walang pagpipilian.
"Ang dilim sa loob saka baka may ahas diyan at matuklaw ako."
Pilit niyang inaaninag ang loob pero sadyang madilim talaga.
"Ahas? Hindi ka pa sigurado na may ahas diyan... Pero ang sinisigurado ko lang sayo na kapag nahuli tayo. Bala nang baril ang kakainin nating dalawa pag nakita tayong dalawa." Itinulak naman siya ng marahas ng kinikilalang tagapagligtas papasok.
"Yumuko ka baka mauntog ka!" Inalalayan nito ang ulo ng dalaga papasok.
"Oo na boss susunod na." May pagkairita sa boses nito at wala na siyang nagawa kundi ang sumunod nalang.
"Susunod ka din pala ang dami mo pang arte! Umopo ka diya kukuha ako ng pangtakip sa pasukan nito." Lumabas ito sagalit at tinakpan ng dahon ang labas na iyon.
At saka pumasok nadin sa loob umupo ito sa tabi ng dalaga.
"Nakarinig naman sila ng mga yapak papalipit kong asan sila nag tatago.
"Hanapin niyo hindi pa nakakalayo ang mga iyon... Lagot tayo kay boss kong hindi natin sila makikita." Malakas naman na tinig ang narinig nila.
"Nandiyan sila sa labas Levi." may takot s boses nito.
"Shhhhh wag kang maingay." Tinakpan nito ang bunganga niya.
Na gulat pa ang dalaga dahil ang position nila ay nakayakap si Levi sa kanya at ramdam nito ang init ng katawan ng kasama.
Sinunod nito ang sinabi ni Levi dahil makagawa man lang sila ng kunting ingay paniguradong mahuhuli silang dalawa.
Hindi niya alam pero ang init ng katawan ni Levi sa kanaya ay nag dadala sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Sa mga yakap naman nito pakiramdam niya safe siya. Ngayon lang niya naramdaman iyon ang problema sa babae pa.
"Maghanap pa kayo doon naman tayo pumunta baka nag tatago lang ang mga iyo sa halamanan."
"Doon boss may mga nakatakip na dahon baka andoon sila."
"Puntahan niyo bilis." rinig nilang pag uusap sa labas.
Kinabahan naman silang dalawa sa narinig. Dahil sa pagkaka alala nila ay natatakpan ang pinagtataguan nila ng mga dahon.
Papalapit ng papalait ang mga yapak lalo silang kinabahan.
"Boss wala dito" Rinig ulit niyang saad ng tao sa labas.
"Nakahinga naman sila ng malalim dahil doon.
"Tama na yan doon naman tayo sa ibang parte mag hanap." Rinig niyang sinasabi sa labas.
Hanggang sa narinig nila ang mga yabag na papa alis mula sa pinag tataguan nila.
" Napatingin naman sa kay Levi sakato naman humarap si Levi sa kanya. Nag katitigan silang dalawa kahit pa madilim sa loob ay nakikita nito ang mukaha ni Levi mula sa mata ilong at..... sa mapupulang mga labi.
Unti unting naglapit ang mga mukha nila unti nalang at mag lalapat na ang mga labi nila.
"Ahhh!!!" Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Nicole mula sa pagkakahiga.
Napahilamos siya ng mukha dahil sa panaginip.
"Haiissst!!! same dream nanaman ." Tumayo ito at kumuha ng tubig mula sa mini refrigerator na nasa loob ng silid niya.
Nagsalin siya sa baso at ininom iyon. Ibinaba nito ang baso.
"Levi!!" Bulong nito sa hangin.
================
NEW STORY NI raven-007 sana suppot niyo On hold po muna ang my stepsister wala akong maisulat doon kaya dito po muna. Actually dalawa po itong new story ko. Yong isa ppublish ko din po Title non Warmest Love about naman yon sa dalawang pulis basta tingnan niyo nalang thanks...
BINABASA MO ANG
WAITING FOR YOU (ON HOLD)
ActionAng mahalin ang taong nawala na sa kanyang buhay ay kapalaraan na yatang naghihintay kay Nicole Almonte. Pilit iyang kinalimutan ang nakaraan dahil sa nangyari sa buhay niya at pati ang babaeng naglitas sa kanya. Pero pano niya makakalimutan ang bab...