Ofel's POV
"Break na tayo", sabi ko sa kanya.
"Ha? Pakiulit nga ng sinabi mo labs?", sabi ng boyfriend ko.
"Sabi ko break na tayo! Bingi ka ba?", uli kong sabi.
" Bakit, ano ba ang nagawa ko para makipag-break ka sakin ha? Bakit, ano bang hindi mo nagustuhan sa mga ginagawa ko sayo? Please wag naman ganito labs. Pag-usapan muna natin to oh", maamo niyang sabi.
"Hindi, wala na tayong dapat pag-usapan pa. Makikipaghiwalay nako sayo. Tapos!", matigas ko namang tugon.
"Hindi! Di ako papayag!", galit na ito. "Please labs, pag-usapan natin to. Wag naman ganito labs. Usap muna tayo, please labs, please", pagmamaka-awa nito. "Alam mo, ang tigas din ng kukuti mo no? Sabi ko hindi na natin kailangan mag-usap! Ayoko na sayo. Nasasakal ako sa trato mo sakin. Napaka-seloso mo. Kahit mga kaibigan ko pinagseselosan mo. Ayoko nang ganon'g boyfriend, masyadong seloso. Nakakasakal! Nakakapagod!", galit kong sabi.
"Ganun ba? Sige magbabago ako. Hindi na ako magseselos sa mga kaibigan mo. Ilalagay ko na sa lugar ang pagiging seloso ko. Kaya please, wag muna akong hiwalayan. Di ko kaya Fel. Di ko kaya labs", sa oras na yun ay umiiyak na siya.
"Hindi. Buo na ang desisyon ko. Makikipaghiwalay na ako sayo. Pagod na ako, pagod na pagod na ako", sabi ko. Akma akong aalis ng bigla itong lumuhod sa harapan ko.
"Please labs, mahal kita. Di ko kayang mabuhay kong wala ka. Mamamatay ako!", pagmamaka-awa nito. "Please, wag mo kong iwan!".
" I'm sorry. Sorry", sabi ko habang umiiyak na rin.
"Please labs, maawa ka sa akin. Wag mo kong iwan", sabi nito sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Please, bitawan mo ko. Kailangan ko ng umalis. Tanggapin mo na ang nangyayari. Mula ngayon, hiwalay na tayo.", sabi.
"Ganun? Ano ba ang nagawa ko sayo Fel para hiwalayan mo ko ha? Bakit, may mahal ka na bang iba ha? Siguro matagal na kayo nuh?", sigaw nito sa akin. Hindi agad ako nakasagot. Sinigawan niya ako ulit, "Ano, sumagot ka!".
"Oo, may mahal na akong iba!", sagot ko na ikinagulat niya. "Kaya please, tanggapin mo na lang na hindi na kita mahal. Mag move-on ka na lang. Please".
"P*tang*na! Move-on? Akala mo madali lang mag-move on? Minahal kita ng higit sa buhay ko Fel. Pati mga magulang ko kaya kong suwayin para sayo tapos gaganituhin mo lang ako? Eh g*go ka pala eh", sigaw nito sa akin sabay hawak sa balikat ko ng mahigpit.
"Aray ano ba! Nasasaktan ako", sabi ko.
"Mas masakit ang nadarama ko ngayon kesa sa sakit na nararamdaman mo ngayon", sabi niya habang umiiyak. Yumuko ito at humagulhol. Ako naman ay naiyak na rin. Maya-maya iniangat nito ang mukha. Seryoso itong nakatingin sa akin. "Sige, kung yan ang gusto mo, tatanggapin ko. Pero, sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ang ginawa mong panloloko sa akin. Balang araw, ako naman ang magpaparamdam sayo ng matinding sakit na naidulot mo sakin. At sisiguraduhin ko na doble pa ang ipapadama ko sayo. Tandaan mo yan Fel, tandaan mo yan", sabi nito habang nanlilisik ang mga mata saka umalis. Sa oras din na iyon, takot at pangamba ang nararamdaman ko sa puso ko. Napa-upo ako sa lupa kasabay nang pagbuhos ng aking mga luha, at kasabay din ng pagbuhos ng malakas na ulan."I'm sorry Labs. Sorry, Angelo", bulong ko pagkatapos uy umalis na ko habang naglalakad sa ilalim ng malakas na ulan.
*
*
*
*
*"Anak, gising na. Malalate kana sa trabaho mo", gising sa akin ni mama na pasigaw.
Nagising agad ako sa lakas ng sigaw ni mama. Para lang akong bingi. Grabe talaga to si mama makasigaw, para akong nakatira ng napakalayo sa kanya at kailangan pa talagang umabot sa kabilang bayan ang sigaw. Walang patawad! Napanaginipan ko na naman ang pangyayaring iyon. Ilang araw ko na rin itong palaging napapanaginipan. Ano ba ang ibig ipahiwatig nito? Pinagsisihan ko naman ang nagawa ko, ngunit parang hindi pa sapat? Bakit paulit-ulit kong napapanaginipan ang nakaraan? Ito na ba ang karma ko dahil sa nagawa ko? Dahil kung ito, tatanggapin ko ito ng bukal sa puso ko, ng walang galit.
"Sorry Angelo. I'm so sorry", sabi ko habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
The Ice Prince (boyxboy)
RomanceKilalanin si Ofel Soberano. Isang bakla na hindi tago. Proud sa kung ano ang kasarian nito. Maganda, talentado, matalino at higit sa lahat, may magandang ngiti, na kapag ngingitian ka, para kang nakakita ng isang anghel. Yun nga lang, kulang sa heig...