Ofel's POV
"Ofeeeeeelllllll!!!!!", sigaw ng boss kong gurang na di kagandahan. Agad akong pumunta sa opisina niya at binuksan ang pinto kasama ng isang malapad na ngiti.
"Bakit po Maam Bea?", tanong ko dito. Pwee! Di bagay ka kanya ang pangalan niya. Sama ng ugali!
"Asan na ang mga paperworks na pinagawa ko sayo? Diba sabi ko ilagay mo dito sa table ko? Asan na?", tanong nito na may kasamang pagtaas ng kilay. Hay naku! Sarap kalbuhin ng bruhang to! Kung di ko lang siya boss nako, matagal na tong walang buhok kahit sa kili-kili!! Kakainis!!
"Ahh maam, nilagay ko po dyan sa table niyo. 5:00 ang saktong oras ng paglagay ko ng mga paperworks na pinagawa niyo sakin, ayon na rin sa utos mo", sagot ko dito. Ano ba siya bulag para di niya makita!
"Eh kung nandito, bakit di ko makita?", sabi nito. Hala galit na si bruha!!!
"Aba malay ko. Baka na mis-place niyo lang bruha!", pabulong kong sagot.
"Anong sabi mo?", sabi nito.
"Ahh ang sabi ko po, baka nandiyan lang. Hanapin na lang po natin", magalang kong sabi. Hay naku!!
"Aba! Bakit naman ako tutulong sa paghahanap, eh trabaho mo yan. Ikaw ang maghanap at dalian mo dahil malilintikan ka sakin pag di mo yun nahanap. Naiintindihan mo ba?", sigaw nito.
" Ahh opo, hahanapin ko po yun agad-agad maam" taranta kong sagot. Tumayo ito at naglakad patungo sa pinto. Binuksan niya ito at padabog na sinarado.
Hay! Kay aga-aga napagalitan na naman ako. Sure naman talaga ako na nilagay ko dito yung mga gawa ko ha! Saan na ba kasi yun? Baka naman kinain ng bruhang yun? Matakaw pa naman siya. Ayy sorry! Di pa pala ako nagpapakilala. Ako si Ofel Soberano.
Maganda, matalino, at talented. Bakla ako. At proud ako dun no! Kung may problema kayo sa pagiging bakla ko, wala akong paki! Mga judgemental! Ulila na ako sa ama. Maaga kasi siyang namatay. Pero merong naman ang mama ko na mahal na mahal ko. Lahat gagawin ko para sa kanya.5'1 lang ang height ko. Di biniyayaan eh. Baka siguro nung nagpa-ulan ang diyos ng height na gifts naglalaro ako ng barbie o di kaya'y bahay-bahayan. Di din kasi na-inform na uulan pala ng height. Saklap! Pero kahit na maliit ako, marunong rin naman akong ipagtanggol ang sarili ko. Laking Soberano yata tuh mga best!!
Tama na ang topic tungkol sa akin. Ngayon, hahanapin ko pa ang mga paperworks na gawa ko para kay bruhang maldita. Kaya siguro mainit ang dugi sa akin nun kasi alam ko na mas maganda ako kaysa sa kanya nuh! Sensiya siya!!
Kasalukuyan akong naghahanap ng maalala ko na hindi ko pala nagawa ang pinapagawa sa akin ni bruha kasi nawili ako sa panunuod ng korean novela na Legend of the Blue Sea (Author: Crush ko si Lee Min Ho.....waahhhhh!!). Patay!! Di ko nga talaga nagawa!!
Aalis na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok si bruha.
"Oh, ano, nahanap mo na ba?", tanong nito.
"Ahh, ang totoo po niyan, hindi ko po talaga nagawa ang pinapatrabaho niyo sakin maam kasi naging busy po ako kagabi", sagot ko dito na may kasamang ngiti.
"ANO!!?? At anong bagay naman ang nagpa-busy sayo at di mo nagawa ang pinapagawa ko ha??!!", my gosh, naging monster na si bruha, pero joke lang. Para lang monster.
"Sa pagtuturo ko po sa kapatid ko ng addition po maam", pagsisinungaling ko.
Sana naman kumagat ang bruha! Patay talaga ako nito!!
"So dapat ang mag-adjust?", tanong nito.
"Ahh di ko naman po-", naputol ako sa pagsasalita ng nagsalita siya.
"Get out!", sabi nito.
"Po?", tanong ko.
" I said get out and don't come back anymore!!", sigaw nito.
"Po, bakit naman po?", tanong ko ulit.
"Because, You're FIRED!!!!", mas malakas ang sigaw nito ngayon.
Napatulala na lang ako habang nakanganga. No! Hindi maaari!!!!!
****************************
Please sana masuportahan niyo po ang kauna-unahang story ko. Salamat po:)
BINABASA MO ANG
The Ice Prince (boyxboy)
RomanceKilalanin si Ofel Soberano. Isang bakla na hindi tago. Proud sa kung ano ang kasarian nito. Maganda, talentado, matalino at higit sa lahat, may magandang ngiti, na kapag ngingitian ka, para kang nakakita ng isang anghel. Yun nga lang, kulang sa heig...