CHAPTER ONE

27 3 2
                                    

"Naniniwala ka ba sa cupid?"

Saglit akong natigil sa pagbabasa at tumingin kay Krystal na nakatulala sa bintana.

"Anong klaseng tanong naman 'yan? May nabasa ka na namang kung anong storya sa Wattpad noh?"  tinanong ko lang siya pabalik habang patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro.

"Hindi naman, naisip ko lang out of the blue, hehehe. Sana makakita ako ng cupid. Ire-request kong panain nya na ang puso ni Matthew para forever na kami!" sagot niya habang kinikilig.

"Tss. Hindi totoo ang cupid. Sa classical mythology lang yun. " saad ko na napairap na lang. Tsk, hopeless romantic.

"What if totoo?" tanong niyang muli.

"Hibang ka na. Ikain mo na nga lang yan. O kaya mag-aral ka, hindi puro lovelife yang iniisip mo." sermon ko sa kanya.

"Weekend ngayon, ano ka ba! Pahinga rin sa pag-aaral pag may time. Tsaka try mo ngang magka-crush para naman may pagkaabalahan kang iba. Puro ka libro eh. Boring ng life mo bakla."

"Walang crush? Eh ano si Jade de Rijcke?"

"Bakla ka talaga! Lalaki kasi, hindi babae!"

"Crush is paghanga, diba?"

"Ewan ko sayo!"

"Dun ka na nga, ang ingay mo. Nagbabasa ko eh." saway ko sa kanya.

"Hmp!"

Tumigil na nga siya sa pangungulit. Mga libro ko naman ang pinakialaman.

"Ano ba yan bakla, wala ka ba dyang libro na about love story or romance. Pati mga books mo boring!"

"Hoy! Kelan pa naging boring ang mga libro ni Bob Ong? Try mo kayang basahin."

"Try mo rin kaya mag-Wattpad!"

"Tss. Dumungaw ka na nga lang ulit dyan sa bintana at mag daydream."

Bumalik nga siya sa pwesto nya kanina. Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ko. Wala kong ibang iniisip kundi mag-aral, mag-aral, mag-aral. FYI, hindi ako nerd katulad ng mga nababasa niyo sa ibang stories. Sadyang hilig ko lang magbasa ng libro at mag-aral ng mabuti para sa future ko. Gaya ng ibang pangarap ng kabataan, gusto ko rin maging maganda at maayos ang future ko. Tsaka marami akong pangarap sa buhay kaya kailangan ko talagang magsumikap sa pag-aaral.

Hey, Mr.Cupid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon