Maaga kong gumising, around 4:30 am. Sorna, excited lang. Haha! Nag-asikaso na agad ako para aantayin ko na lang sila. Around 6:00 am, pumunta na kaming simbahan. Isang sakay ng tricycle ang layo ng simbahan sa bahay namin. Saktong pagkarating namin ay kasisimula lang ng misa. Ang pinakagusto kong part ng misa is yung homily which is magbibigay si father ng kanyang 'words of wisdom'. Talagang may matututuhan ka.
After mass, pumunta na kaming Paradise Park, malapit lang sa simbahan. Walking distance. Matagal ko ng alam ang park na yun, pero ngayon pa lang kami pupunta.
"Wow! Ang ganda naman dito!" manghang-mangha si Nicko sa nakita niya.
Sobrang nakakamangha naman kasi ang Paradise Park. Puro matataas na puno at magagandang bulaklak, parang malaking garden. Meron pang fountain sa gitna pagpasok mo pa lang, then may playground para sa mga bata. Nakakarelax ang paligid.
"Tara, humanap tayo ng magandang pwesto." pag-aaya ni Mama.
"Gusto ko po yung malapit sa playground, Mama." si Nicko.
"Oh sige, para makapaglaro ka." si Papa.
Naghanap na nga kami ng pwesto. May nakita kaming bench na malapit sa lilim ng malaking puno ng acacia at malapit din sa playground. Tumakbo agad papuntang playground si Nicko. Sinundan naman agad ni Mama si Nicko. Kaming dalawa na lang ni Papa ang naiwan sa bench.
"Salamat po sa araw na 'to Papa at nakapamasyal tayo." sabi ko kay Papa na medyo nahihiya.
"Ako nga ang dapat magpasalamat sayo anak. Napakabait mong anak samin ng Mama mo."
"Thank you po Papa."
Medyo naiiyak na ko. Minsan lang kase ang ganitong moment samin ni Papa since nagtatrabaho siya.
"Basta anak, ang lagi kong paalala sayo mag-aral kang mabuti ah. Gusto kong makapagtapos kayo ng kapatid mo. Yan lang ang maipapamana namin sa inyo ng Mama mo."
"Opo Papa, promise po mag-aaral pa ko ng mabuti."
"Salamat anak."
"Naku Papa, masyado na po tayong madrama. Nagugutom na po ako. Haha." pagbabago ko ng usapan.
"Ano bang gusto mong kainin?"
"Fries po tsaka ice cream!"
"Oh sige, bibili lang ako. Sabihin mo sa Mama mo na bumili lang ako pag hinanap niya ako."
"Opo."
Umalis na si Papa at naiwan akong mag-isa sa bench. Tinanaw ko si Mama at Nicko na masayang-masaya sa playground. Napangiti ako. Wala na kong ibang hihilingin dahil napakaswerte ko at napunta ko sa masayang pamilya.
BINABASA MO ANG
Hey, Mr.Cupid!
Teen FictionFrom boring to exciting, that's how Angelie's life change when she met Gabriel, the cupid that turns into a real guy. Will he be able to accomplish his mission for him to go back to Lalove Land? Or set aside it just to be with Angelie? --------/ P.S...