'Isang binata patay matapos magpatiwakal sa kanyang kwarto. Sinasabing ang dahilan nito ay ang paghihiwalay sa kanyang nobya. Hindi inaakalang...'
"Naku! Mga kabataan talaga ngayon napakalupit kung magmahal"
Bakit nga ba sila humantong sa ganung desisyon?
Bakit ba kailangang ibuwis pa ang kanilang buhay?
Bakit di nalang ayusin at mag move-on?
Hays."Ano ba, bakit ko ba pinoproblema ang mga bagay na iyon?"
Napakaaga namang nagbukas ni papa ng tv. Nakakapanibago 🙄
"Nak, di ka ba magtatrabaho ngayon? Pagbigyan mo naman ako oh. Ipagluto mo ako" Nakapout niyang sabi. Ay nako pacute tung tatay kung gwapo.
Hindi ko naman matanggihan. Alam niyo na. Papa's Girl to eh.
" Sge na nga, pa hug muna?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Kitang kita naman sa mga mata niya na ayaw nya talaga.
Sweet si Papa pero di sya yung tipong clingy . Sweet sya sa pananalita pero ayaw na ayaw niya yung may nag huhug sa kanya at lalong lalo na may humingi ng kiss sa kanya.
Natawa nalang ako sa mukha niyang nakabusangot sa may sala.
"Oh sge na nga. Di na. Pero wala ring pagkain?"
"Nak!~~~" paawa niyang sigaw sakin.
" Oo na!!! Hays di talaga kita matanggihan pa. Buti lakas ka sakin."
Ngiting-ngiti naman sya. Hay naku jusko. Parang bata lang si Papa.
Nagluto ako ng Spicy beef tocino at isang ginisang galunggong. Alam ko namang di to mauubos ni papa kaya hindi ko nalang niramihan.
" Pa, alis na ako. Nandun na sa mesa pagkain mo. Iloveyou!"
*tit tit tit*
*Boooogsh*
"ouch! sht! Blood bloood!"
*blagsh*
"Anong nangyari dito?"
Biglang nag dilim ang aking paningin na wari'y ako'y nahimatay.
Sinusubukan kung dumilat pero parang di kaya ng mga mata ko.
Ano ba ang nangyari? 😨"Sir, wag na po kayong mag alala stable na po sya. Okay na po ang pasyente niyo"
"salamat." Isang mahinhin at manly na tinig na di pamilyar sa akin. Am I dreaming parin ba?
Or ...
Sya yung lalaking palaging napapaginipan ko? Totoo naba to?!Napabangon ako't napagtantong nasa hospital na pala ako. At may isang lalaking nakatalikod sa paahan ko.
Sino ba to?
Ba't ang ganda ng posture ng katawan niya?
Parang inaalagaan ng maayos ah?
Omg ang sarap niya kahit nakatalikod sya. I'm drooling out here.
Ang hot nya... argh!
"Magtigil ka utak! Napakalaswa mo kung mag isip!" Sinasapak sapak ko ang mukha ko.
"ahm... mrs. okay ka na ba?"
Huh?!"Mrs.."
"Mrs.."
"Mrs.."
Naka slow motion kung rinig galing sa lalaking nasa harapan ko.Tama ba ang pagkakadinig ko? Tinawag niya akong misis?!
"Mrs?" Napalaki ang mga mata ko.
"Oo mrs. okay ka naba? Nahihilo ka ba?"
"WALANG HIYA KA! HINDI PA AKO MISIS!! MS PA AKOOOO!!"