bigla kitang iniwan
para sa pandaliang kaaliwan.
kamay mo'y bigla kong binitawan
at pangako mo'y aking kinalimutan.
sa sandaling tayo'y magkahiwalay
ako'y nag patuloy sa aking buhay
lahat ay tila walang saysay
lahat ay tila walang kulay.
noong kamay mo'y aking bitawan
para sa mga bagay na walang katuturan
puro kabiguan ang aking naranasan
walang pagtatagumpay sa piling ninoman
inakala kong ako'y magiging maligaya
matapos ang pagtalikod ko sayo sinta.
lahat ng luho at layaw ay aking ginawa
anumang kapalit nito ay di ko alintana
ngayoy lumalapit saiyo ng luklukan
puno ng sakit, hiya at kasalanan
pagsisisi ay aking nararamdaman
muling pagsuko saiyo ay inilalaan.
patawad sa pag limot
sa aking unang pag ibig.
patawad sa pag dadamot
sa aking oras at di ko pakikinig.
patawad sa pagyayabang
nang lahat ng aking nakamtan.
patawad sa hinde pagdepende
sa iyong kapangyarihan.
patawad sa pagiging mahina
patawad sa pagiging makapal ang muka
patawad sa pag baling ng atensyon ko sa iba
at sa hinde paglaban sa kung anong tama.
sana maibalik lahat ng oras na nawala
oras na dapat nakalaan sating dalawa.
pagkamali ko'y lubusan ko nang nakita
patawad Ama...patawad sa aking ginawa
Ang aking kamay ay muli mong hawakan
kahit alam ko na kailan may di mo ito binitawan.
salamat sa iyong pagmamahal at katapatan
pangako...'di na kita muli pang bibitawan.
Author's note:
"I will hold you always in the palm of my hand."
-- Isaiah 41:13

BINABASA MO ANG
Ikaw Lang ang Bumitaw
Poetry"Ang aking kamay ay muli mong hawakan. kahit alam ko na kailan ma'y 'di mo ito binitawan."