ANG KUWENTO NI MARIA
Ako si Maria. Napakasimpleng tanong kung iisipin pero kung seseryosohin mo'y mahirap din. Kaya nga hanggang ngayo'y nalilito pa rin ako kung ano ba talaga ang gusto ko. Pero sa totoo lang may sinabi ako noong maliit pa 'ko na sineryoso kung gawin pagkatapos kong mag-aral sa kolehiyo. Pumasok ako sa kumbento kahit pa na ayaw pa kong papasukin ng pamilya ko noon kasi gusto muna nila akong makatulong sa kanila. Kaya lang matigas lang siguro yong ulo ko kaya pumasok pa rin ako.. Yun kasi yung pinaniniwalaan kng makapagpapasaya sakin eh. Well, di naman ako nagkamali don pero umabot sa punto na gusto kong lumabas pero binabawi ko naman ulit yon. Hanggang sa kailangan ko talagang lumabas muna dahil sa sitwasyong ito na paulit-ulit na lamang na gusto kong lumabas muna tas binabawi ko naman.. Yong tipong kailangan kng bumalik ulit sa labas para mas makita ko sa sarili ko kung san ba talaga ako? Nong dumating yung araw na yun eh di na ako makapgsalita.. Iyak na lang ako nong iyak non na parang bata. Napakasakit lang na iiwanan ko na pala pansamantala yong kumbento at hindi ko alam kung babalik pa ba ako o hindi na. Napakahirap din palang mag move on kasi kahit nasa labas na 'ko eh kumbento pa rin yong nasa isip, sa puso at maging sa mga panaginip ko. Yong tipong iyak na lang ako ng iyak gabi-gabi kasi gustong gusto ko ng bumalik ulit pero hindi pa pwede. Yong mas masakit pa eh walang paki alam yong pamilya ko sa bokasyon ko sa simula't sapul. Madalas nga eh na pinamumukha nila sakin na wala man lang daw akong naitulong sa kanila. Tapos nakakalito kng ano ba talaga gusto nilang gawin ko.. ang mag-aral ba ulit o magtrabaho? Kasi parang mas importante pa sa kanila yong "pera". At sa tuwing tinatanong naman nila ako kng anong gusto kng gawin d naman ako makapgsalita na mas gusto kng bumalik sa kumbento kasi nga alam kng ayaw nila. Minsan naisip ko na mas mabuti pa yong ibang tao may paki sa bokasyon ko... yong pamilya ko wala... halos itulak pa'ko sa ibang ng bokasyon eh.
Makalipas ang isang taon ay nagre apply ako sa kumbento... umasa ako na makakabalik na ako ulit. Nag antay lang naman ako ng mga tatlo o apat na buwan sa resulta ng evaluation ko. Nainip ako kakaantay hanggang sa nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa ibang congre na pumasok sa kanila minsan ako pa itong naghahanap ng congre sa web. At nong dumating n yong araw na pinakahihintay ko..ang saklap na malamang pina e extend ako dito sa labas. Sa una okay lang kasi naramdaman ko naman habang nag aantay na kulang pa talaga ang pamamalagi ko dito sa labas pero d ko rin maipagkakaila na nasaktan ako don. Alam mo yong umasa ka tas mauuwi lang sa wala yong pag aantay mo. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pag asang makakabalik din ako sa susunod na taon. Ngunit makalipas ang isa pang taon feeling ko ayaw ko ng bumalik at naging klaro na sa 'kin kung bat gustong gusto kong pumasok noon. Ibig kng sabihin yong impure motivation ko kng bat ako pumasok. Sa kabila kasi ng mga pure motivation aminin mo at tanggapin may mga impure din yan. Akala mo la
ng pure lahat ng motivation pero minsan mas maraming impure...pero na pupurify din naman yan.. sino nga ba naman ang "worthy" wag mong sabihing , IKAW? Hahahah
By the way may nakilala akong ex seminarian siya yong naging way para maliwanagan ako sa bokasyon ko.. sa buhay ko sa kumbento. Sa una naiinis ako sa kanya sa mga paisa isa nyang tanong... Hanggang sa nagkaron ng spark between us. Pero lilinawin ko lang "walang kami".....okay? hahah. t kng mabuo man ang Love So Divine Part II...o bumalik sya sa seminaryo o kaya ako naman ang bumalik... parwho pa ding masakit yon. Masakit na mahal ka nya tas mahal mo sya tapos iba yong ending. Hahah! "Vocation is a mystery" nga naman pero tiwala lang mga kapatid kasi may mga matinding dahilan si Lord sa mga nangyayari sa buhay natin maging ako nga madalas eh di ko maintindihan ang nangyayari sa buhay ko... yong tipong Ba't ba ko pumasok sa kumbento kung ganito sana hindi nalang....Tahan na tahan na wag ka ng umiyak makaka move on din ako malapit na. Sa ngayon kailangan ko pa talaga ng panahon at oras na mag discern pa ng maraming beses. Ang pagmamadre kasi ay parang pag aasawa yan hindi yan minamadali. Kaya ikaw wag kang magmamadali abangan mo yong tamang panahon.
YOU ARE READING
Mga Kwentong Bokasyon
SpiritualMga Kwentong Bokasyon is a compilation of the confessions and vocation stories sent to our page, HugotMadre. Enjoy reading!