I'm Chelle. 18 years old, typical college student. Wala namang special sakin, pero ako ang bida dito kasi perspective ko to. Hahaha! Ganon naman diba? Bida ka kapag sayo at sa perspective mo focus yung story. Kahit ano pang ugali mo. Kahit pang mabait na role ka, or pang kontra bida, or pang extra, as long as sayo ang attention, ikaw ang bida.
So, feeling ko ang special lang sakin ay yung fact na wala pa kong nagiging boyfriend. I know di yon gaano special kasi maraming NBSB pero gaya ng sinabi ko, ako ang bida. Hahahaha
Kahit na wala pa akong nagiging boyfriend, hindi naman ako inosente sa ganyang bagay. Naranasan kong maligawan, magkagusto pero hindi umaabot doon.
Hindi naman big deal sakin maging single. Di ako ngangawa sa social media na single ako at malungkot ako at mag-isa ako. Wala akong pake kung wala pang nagkakamali, hindi ko pa rin naman kasi feel pumasok sa ganon. Bata pa ako. Ayokong masayang lahat ng firsts ko dahil lang sa curious ako at inggit ako sa friends ko nung bata ako kapag may kaholding hands sila or kayakap or something. Sa katunayan, ayoko sa skinship. Wala lang, di lang ako komportable. Hahaha
Pero kung aabot man ako sa point ng buhay ko, na mahuhulog na talaga ako at nakita ko na siya then masaya kasi sa kanya ko mararanasan lahat ng una ko. First date, first hug, first holding hands. Nice yon, diba? Mafefeel niya rin na special siya kasi nireserve mo ang sarili mo para sa kanya.
So ayun, yun yung summary ng love life ko. Hindi nga matatawag na lovelife yon kasi wala naman. Hahaha! Pero there are some interesting moments habang ineexperience ko hintayin ang the one ko, at don lahat to iikot.
YOU ARE READING
Finding the One
RandomWala lang. Just plain randomness. Walang tong plot. Non-fiction, story ng buhay ko. Just some of the memorable moments of the life of a single girl.