This is one of the most memorable days of my life. Feeling ko ang ganda ganda ko nung araw na to. Hahaha!
So, there was this guy na classmate ko nung senior high school ako. Tawagin natin siyang... hmm.. Justin.
Yung mga tropa kong lalaki nung sophomore ako, naging kaibigan nila si Justin nung junior kami. Nagkahiwalay kasi kami ng section. So, nung senior naging magkakaklase kaming lahat kasama si Justin. First time ko siyang maging kaklase non.
Casual lang, di kami nag uusap sa room kasi tahimik lang siya. At di rin naman ako out going na kung sino sino kinakausap ko. Madaldal lang ako sa mga kaclose ko. Pero dahil nagsama sama yung mga kaclose ko nung senior, naging mukhang akong madaldal kasi lahat nakakausap ko. Pero si Justin, hindi ko siya nakakausap kung walang third party. Kunwari, kung wala yung tropa ko. O di kaya kung walang activities sa subject, ganon. Di talaga kami ganong kaclose pero close niya mga kaibigan ko, so may mutual friends kami.
So may tatlo akong kaibigan na lalaki noong sophomore na nakasama ko ulit nong senior. Si Rian, Rio, at Rae, di totoong mga pangalan. Hahaha! Yang tatlong gagong yan, close nila si Justin.
Fast forward, bigla nalang pumutok ang balita na may crush daw ako kay Justin dahil sa hayop na si Rio. Di ko alam kung paano nangyari yon, eh nag-usap lang naman kami sa twitter! Punyemas talaga tong si Rio, kapag naalala ko sarap bigwasan eh. Maiintindihan ko sana kung nakikipaglandian ako sa kanya sa twitter kaso hindi eh! Normal conversation na medyo awkward kasi di kami close.
Don na nagstart na asarin nila ko kay Justin. Sa room kapag tinawag ang isa sa amin sa recitation, maghihinayawan na yung mga classmates ko. Neutral naman ako, go with the flow lang, walang pake, ganon. Alam ko naman na alam nilang wala talaga pero dahil single ako, nag aasar lang talaga sila. Wala lang, trip nila kami. Mga hinayupak eh.
Tas ayon, hindi naman ako tanga para di mapansin na tuwing inaasar kami, nahihiya si Justin tas namumula. Medyo gets ko na sa reaction niya. Hindi ako ang may crush sa kanya! Siya ang may crush sakin!
Taray, ganda ko naman. Kapal ng mukha. Hahahaha! Pero de, seryoso. Halata mo naman yon eh. Tsaka alam kong tama ako kasi after ilang days umamin siya.
Pinasok nila ako sa group chat nilang mga lalaking classmates ko, tas una inasar asar ako, ganyan, pero sa dulo, pinag confess lang nila si Justin sa akin tas kinick na ako sa gc. Mga gago.
Edi ayon, alam na ng buong room namin kasi syempre kumakalat ang balita. At yung iba, halata na rin nila na may crush nga sa akin si Justin.
So ayon, mas tumindi ang pang-aasar. And this time, nakisali na rin ang adviser namin.
Close ang adviser namin at si Justin. Nag cchat sila and everything, medyo di ko trip adviser namin pero okay naman siya pag may activities kasi supportive.
Nung foundation week namin, student council officer ako, kaya nasa ground floor kami at nag aasikaso ng mga booths. Yung mga normal na estudyante, nasa room. Kung ano ano ginagawa dahil free week yon. Kahit ano, pwede nilang gawin basta di lalabag sa mga rules. Private school ako kaya maraming rules.
So nung last day ng foundation week, naisipan namin ng isa kong ka-officer na umakyat naman kami sa room kasi sa ground lang kami buong week. Apat kami sa student council ang galing sa iisang section, kaya sabay sabay kaming umakyat.
Di ko alam kung anong topic nila nung pagdating namin, pero nagtatawanan sila habang nasa gitna yung adviser namin. At pagpasok namin, agad nila akong inasar kay Justin kahit wala naman akong ginawa kundi maglakad papunta sa may upuan ko.
YOU ARE READING
Finding the One
RandomWala lang. Just plain randomness. Walang tong plot. Non-fiction, story ng buhay ko. Just some of the memorable moments of the life of a single girl.