Chapter 1💖
Johnny's POV
Me: "Excuse me po Ma'am pwede ko po bang kunin yung Susi ng Room 256?".
Staff: "Ikaw ba yung magdodorm doon?" Sabi nya .
Me: "Opo ako nga bakit po?" .
Staff: "ah eh Kasi po sir......" .
Me: "Ano yun?"
Staff: "May makakasama po kayo sa Dorm. Sorry po sa nabigay kong info. Last time. (Balisang sabi ng Staff)
Me: "Ahhhh(Medyo nalungkot😞) ganun po ba Sige po punta na ako sa Dorm para maayos kona ang mga gamit ko."
Staff: "Ok kalang Sir. ?"
Me: "Oo naman . Walang Problema sakin yun."
_____________
-Johnny
Sa una e nalungkot ako dahil hindi ko masosolo ang Room . But now i realize na maganda rin palang may ka RoomMate .
At yun ang nagpa-curious sa akin . Napa isip tuloy ako . "Ano kaya ang makaka room mate ko" Lalake ba O babae .
Tssk! Expect kona na Lalake . Hayysss! Imposible kasing babae yung ka room mate ko baka may bf siya tapos magselos pa mahirap na yung ganoong sitwasyon. Hahaha.
Pero na cucurious parin ako bakit kaya ? Hahaha . NeverMind na nga lang.
At sa wakas narating ko narin ang dorm ko pang 5th floor palang kasi ang room namin pero hindi ka naman mahihirapang puntahan dahil may Elevator naman sila dito kaya sulit yung binabayaran ko.
At pagbukas ko ng Room tumambad sakin ang napakalaking space ng kwarto halos pang 5 katao at may 3 kama at 1 C.R. (Nakakapag taka ang laki ng kwarto bakit isa lang ang C.R.) sa loob kaya napa Wow nalang ako sa laki ng kwarto.
("Info lang po napapansin nyo na hindi ako gaanong nag I-english sa kadahilanang hindi ako lumaki sa Bansa kung saan naggaling aking Ama kaya hindi ko nakuha ang Accent ng mga British .Nalulungkot ako dahil doon tulad ko rin ang papa ko bihasa na rin siya sa tagalog kaya't hindi niya ako kinakausap ng English pero Lumaki sya doon kaya nakuha niya ang Accent nilang mga british".)
At agad akong pumili ng Kama ko syempre pinili ko yung pinaka malaki .Hehehe at pag katapos ay nag ayos na ako ng mga gamit ko
(Kumpleto Facilities nila dito) at Fully Air condition yun room at Hallway nila kaya sobrang lamig .Kakatapos ko lang mag ayos ng gamit at papalabas na sana ako ng room ngunit may nag bukas ng pintuan at ikinagulat ko iyon at nung tuluyan nang nabukas ang pinto nakita ko sina Stephen at Cyrus nabigla ako sa kanilang dalawa at natuwa .
"Oh mga tol anong gingawa nyo dito?"
Tanong ko sakanila"Wala lang totoo nga yung nabalitaan namin na lilipat ka daw ng School so pinuntahan namin si Tita Veronica (Info Si Tita Veronica sya yung Mommy ni Johnny) at sinabi nya samin na dito kana daw magdodorm so ayun pag kasabi palang ni tita e agad na kaming nag handa at pumunta kami agad dito.
Atleast may bago na tayong site para sa inuman natin ng Barkada . Hahaha "Oo nga , pero may problema mga tol hindi lang ako nag iisa dito sa room" pagkasabi ko nun parang nalilisik ang mga mata ng dalawa
"Congrats pare binata kana nga talaga. Wahahahaha" .Baliw mali yang mga iniisip nyo wala pa akong gf mga baliw . "What?!?" Sabay na sabi ng dalaw at Natawa ako sa reaksyon nila . ako naman ngayon ang humalakhak ng malakas . "Wahahahahaha" .
"Pare sa gwapo mong yan kaya mong magka shota ng lima! Bakit ba ano bang problema ? Hindi kaparin ba makapag move on kay Maxine ?" Sabi ni Stephen.
"Hindi sa ganon mga Tol hindi ko kayang pag laruan ang mga babae at wag masyadong maraming tanong Ok! At yung kay Maxine Sinusubukan ko paring tanggalin sya sa isipan ko pero pare konti nalang makakalimutan ko na sya." Sabi ko sakanila.
"Sige tol kaya mo yan" sabi ni Cyrus "Salamat tol" sa kabilang banda may nakita akong isang lalake na kanina pa nakatayo sa may tabing elevator may suot syang cup kaya di ko kita yung mukha nya at parang naka tingin sya dito sa kinatatayuan namin at napansin ko rin na maydala syang mga bagahe kaya naalala ko yung sinabi ng staff kanina na may makakasama ako sa room pag katapos kong napansin yun ay pinapasok kona sina Stephen at Cyrus .
"Oh san ka pupunta John ?" Tanong ni Stephen . "Sandali lang mga tol may checheck lang ako sa labas sabi ko nga sa inyo na di ako mag isa dito sa Room ,May nakita kasi ako kanina na isang Lalakeng nakatayo malapit sa Elevator pupuntahan ko sana sya, Tatanong ko kung sya ba yung makakasama ko dito" .
"Ahhh Kaya pala kanina kopa napapansin na parang may nakatingin satin nung nasa labas pa tayo ng dorm. Sige puntahan mo na baka sya nga at nahihiya lang pumasok kasi nandoon tayo kanina sa pinto" Sabi ni Cyrus .
"Sige labas muna ako" . at tuluyan na akong lumabas , Pagkalabas ko ng Dorm Ayy agad kong tinignan kung nasaan kanina yung Lalake pero wala na sya napa isip tuloy ako na baka hindi sya yung kasama ko sa room.
Nang papasok na ako at bubuksan kona sana ang pinto ng dorm ng may biglang humawak ng braso ko at yun ang aking ikina gulat muntikan ko nalang syang nasapak buti nalang napigilan ko yung kamay ko at nabigla sya sa ginawa ko at Dali dali naman akong nagpasorry at sinabi ko sakanya na nagulat lang ako sakanya kanina .
"Sorry sorry sorry" sabi ko sakanya. " Ok lang yun alam ko naman na nagulat kalang sa akin kanina kaya mo ako muntikang nasapak " Sabi nung Guy kanina " Pero ano palang kailangan mo ?" Tanong ko sakanya "Ako nga pala yung makakasama mo sa Room 256"Sabi nya .
"Ahh totoo nga yung hinala ko kanina na ikaw yung ka dorm ko napasin kasi kita kanina na panay ang tingin mo samin habang nag uusap kami at napansin ko din na may dala kang mga bags inexpect ko na dito ka at yun na nga dito ka talaga. Hahaha sige tara na sa loob papakilala kita sa mga kaibigan ko"Sabi ko
"Hindi ba pwedeng pumasok nalang ng wala ng pakilala?" Sabi nya
"Ahhh bakit naman ayaw mo silang makilala ?"
"Hindi sa ganon nahihiya lang kasi ako"
"Ikaw ang bahala sige tara pasok na tayo"
at tuluyan na kaming nakapasok at pag pasok namin ay agad kaming pinuntahan ng dalawa at Agad na silang nagpakilala.
"Hi i'm Stephen"
at ganun din ang ginawa ni cyrus
"& Hi i'm Cyrus"
. " We are twins"
napatawa nalang ng bahagya yung karoom mate ko . Nung sya na yung magpapakilala tinanggal nya ang suot nyang Cap at bumulaga samin ang Napaka gwapong lalake na sa unang tingin mo palang parang bumilis na agad ang tibok ng pusu mo . pero di ko pinahalata at namula nalang ako bigla at nagulat ako sa sinabi nya
"Ang Cute mo pala di kasi kita makita ng maayos kaninang naka cap ako e . hehe" sabi nya.
At lalo akong namula . huhuhu
"Btw. Nice to meet you guys. Ako nga pala si Mark , Mark Flores (Info: Si Mark ay gwapo, matalino , Mabait , maaasahan, at sya ang ideal boy ng mga girls) And you ikaw naman magpakilala :D!" Sabi nya
At ayun na nga at nag pakilala na ako.
" Aaauuhhmmhh!.. Ahh ako nga pala si Johnny , Johnny Clarkson. But you can call me John" sabi ko sabay abot ng kamay ko.
At sinuklian nya naman ito at nag kamayan kami at pag paghawak nya sa kamay ko ay parang may kuryeteng dumaloy sa aking katawan at yun ang naging sanhi ng aking pamumula at parang napansin nya iyon at patagong tumawa at pagkakita ko nun ay parang binuhusan ako nag malamig na tubig at natauhan ako bigla at agad kong binawi ang aking kamay at medyo nainis ako doon sa ginawa nyang pagtawa sakin at tuluyan konang sanabi sakanya ang tutulugan nya at mag tatanghalian na at nagugutom na ako -_-! At Inaya kona silang mag lunch muna at inaya narin namin si Mark
A/N: Vote and Comment suggest po kayo para mas lalo akong ganahang mag UD Salamat po mga Readers