Allison's pov
Allisonnnn!?
"Sandali lang po nagbibihis na po ako ma. Saglitttt lang!"
"Bilis bilisan mo naman ikaw talagang bata kaaaa! 3rd year high school kana lahat lahat ang bagal bagal mo pa ring kumilos nako naman! First day na first day late ka nanaman! Allison ano ba!??"
" Eto na po ma pababa na nga po oh"
"Talaga naman oh bilis kumain kana dito"
"Di na po ma, late na nga ako eh. Sa school na po ako kakain. Bye ma. Labyu mwaa!😘"
"Mag iingat ka ah. Mag Aral mabuti"
"Opooooo babyeeeee"
Hayyyy takbooo allison, takbooo first day na firstday late kananaman hooooo biliss!
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makapasok ako sa bago Kong school . Hay nakakapagod tas ang laki pa ng school na to. San ko kaya makikita yung building ng room ko. Hay bahala na magtatanong na lang ako."Uhmm miss pwede magtanong San ba yung midatory building?"- Ako
"Ahh Nakikita mo yung pinakamalaki na building na yun? Ayun yun😊"
"Ah yun ba sige salamat ah.😊 Pasensya na sa abala. Transferee kase ako dito eh😁"
"Ah ganun ba? Walang anuman☺"
"Ah sige na mauuna na ko ah. Malalate na kase ako eh actually late na ko ng 1minute. Sige na babyeee thankyou ulit"
"Sige byeeee"
Lakad takbo ang ginawa ko hay nasa 3rdfloor pa ang room number ko. Takboo lang ako ng takbo hanggang sa may makabangga ako at hanggang sa mapaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko....
" tsk watch your step miss stupid idiot -_-"
Abaaaa sobra to ah? Di na nga nagsorry tinawag pa Kong STUPID IDIOT! ABA! Ang pogi pa naman sana kaso ampanget ng ugali!
"Hoy ikaw! Turo ko sa kanya, Wag mo kong matawag tawag na stupid idiot ha. Ang kapal ng mukha mo. Aba ikaw na nga tong nakabangga eh. Di marunong magsorry. Tas tatawagin pa kong STUPID IDIOT! ABA! Loko kang lalaki ka ah." Sigaw ko sa kanya
"Hey you, Did you know me?" Nakapoker face na sabe sakin nitong lalaking nakabangga ko
"Aba di kita kilala no! Anak kaba ng may ari ng school na to para kailangan kilala kita!? Tyaka duh! Wala rin akong interes na kilalanin ka sa yabang mong yan. Hay bakit ko ba sinasayang ang oras ko sa mga mayayabang na katulad mo. Hay dyan kana nga yabang!" Sabay bangga ko sa kanya hmp Kala nya ah. Masyado na rin kaseng madaming tao ang nakatingin at nakikiesyoso samin. Hmp Sino ba kase yung mayabang na yun....
"Hey you! Stupid idiot! You will regret this day!" Sigaw nito sakin na may halong pagbabanta kaya napatingin ako sa kanya at sabay dinilaan sya.😛
Hay nasayang oras ko dun sa mayabang na yun ah. Late na tuloy ako ng almost 30 minutes sa firstclass ko nasan na ba kase yung room na yun. Ayun! Gotchu! Nahanap ko dun. Pagkakita ko sa room ko sumilip muna ako at ng makita kong walang teacher sa harap ay nakahinga ako ng maluwag at pumasok ma sa room ko. Pagkapasok ko ay naghanap ako ng bakanteng upuan at nung Makita kong bakante ang mga nasa likod ay pumunta agad ako dun at umupo. Pero napansin kong lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin ay agad akong nagsalita.
"Bakit? May nakareserve ba dito?"
Walang nakasagot ng tanong ko dahil lahat sila ay naagaw ang atensyon ng may pumasok sa room namin ng padabog. At nagulat ako ng makita ko kung Sino yun at ng magkatinginan Kami ay nanlaki ang mata ko at napasigaw ako ng...
"IKAW!?" -ako
"YOU!?"- SYA
*****************
Hi guys first story ko po ito so be good to meee! Char. Pagpasensyahan nyo na po kung may wrong grammar dyan. First timer po so be patient. Sana po suportahan nyo tong story ko. Sa ayun po sana magustuhan nyo. Enjoy reading😊😘💘
Vote & Comment😊💘