DARE: KISS HIM 3

417 12 0
                                    


“walang anuman :) basta ikaw. masaya  talaga ako at nagustuhan mo niluto ko.”

“mas happy ako at thankful kasi pinagluto ako nung taong mahal ko kahit alam ko na hindi ka talaga nagluluto. Nag effort ka pa talaga.”

Totoo yun hindi talaga ako marunong mag luto ang alam ko lang ay kumain. Pero para sa day na to ay nag paturo talaga ako kay mommy buti nga tinuruan ako at maganda pa dyan botong boto sila kay Miggy.

Alam din nya n sasagutin ko na si Miggy. May permission ako na sagutin sya.  At Buti na lang talaga masarap kinalabasan ng mga niluto ko.

At  Napaka sincere ng pagkakasabi nya at nakatingin pa sakin. Eye to eye na nga kami. . At kinilig ako dun ahh. Pero may problema  namumula na ata kasi mukha ko. . Kahiya naman bka makita nya.

Panic mode ako ngayon.

Ano gagawin ko? ano pwdeng gawin ko para di nya makita. Isip isip bago makita nyang namumula ako. . .at heto ako  tumingala na lang ako sa taas. tingala na lang ginawa pang iwas.

“ ang ganda ng mga star oh” at syempre pag iiba ko sa usapan. Awkward na kasi eh. Sabihan ka ba naman kasing mahal ka nya.

“oo nga. Maganda nga”

“ngayon lang nga ako naka kita ng ganto eh”

“ pero ako matagal ko ng nakikita”

“wow. Talaga edi lagi mo tinitig—“ o_0

 pagharap ko sakanya laking gulat ko na lang sakin pala sya nakatingin.

Grabe talaga tong lalakeng to. Ako ba sinasabi nyang maganda o yung star.

“oo lagi ko syang tinitignan I mean lagi kitang tinitignan, tingin na patago, yung lagi kong pinag mamasdan kung ano mga ginagawa mo, pinagmamasdan ang pag ngiti mo ang pagtawa mo ang pagsusungit mo sa iba at pagtatanggol mo sa sarili mo at sa kaibigan mo ang pagiging matapang mo at isa na din yun sa ngustuhan ko sayo at maliban dun hindi ko na alam ang dahilan bakit na hulog ako sayo. Pero simula pa lang talaga nagustuhan na kita. Nakuha mo na ttensyon ko. At ngayon aamin na ako alam mo ba na  grade 6 pa lang tayo kilala na kita. Kilala not in a way na kilalang kilala. Basta nung mga panahon na yun nakikita na kita sa school at alam ko na din ang pangalan mo dahil isa sa mga classmate ko ang nag kagusto sayo at lagi kang pinag uusapan. Pero nung panahon na yun hindi pa kita gusto o sabihin na natin na na cu-cute-tan na ako sayo at ang astig mo kasi kala ko nga nun tomboy ka eh. Sa totoo lang nanghinayang ako dun nung maisip ko tomboy ka sayang naman cute mo kaya. Pero Nung nag highschool first yr tandang tanda ko pa nun classmate tayo. First day nung uwian na nalaglag yung panyo ko nun at hinabol mo pa sakin yun. Nung nginitian mo ko nun grabe nalaglag na yung puso ko at everyday na lagi kong gustong  makita yung ngiting yun. Ngiti na napaka sincere at angelic. Kaya nga tulad ng sinabi ko kanina lagi na kita pinagmamasdan ng patago. At unti unti ayon ang pagiging cute mo sa mga mata ko ay napalitan ng pagiging Crush hanggang sa hindi ko namalayan nag evolve hanggang love . love hanggang sa naging torpe na ako na kinabubusitan ko. And I love you Amber ”

Hindi pa ako nag rereact di ko alam sasabihin ko Grabehang confession na naman kasi. Nagulat  din naman kasi ako.

Noon pa pala sya may hidden desire sakin. LOL.panget ng term .

At schoolmate pala kami. Grabe hindi ko man lang alam na schoolmate pala kami nung elementary. Hmm sabagay transferee lang naman ako dun. At ang mas malupit binalik ko pa pala nun yung hanky nya hindi ko na matandaan.
Basta natatandaan ko lang ay first year high school ko na sya napansin.

At ang mas nakakakilig nag I love you sya. Lagi naman nya ako sinasabihan nun araw araw pa nga eh. Pero wala eh. Kinikilig talaga ako.

Kahit hindi pa kami nag sasabi na sya ng I love you, kahit thank you lang lagi kong sagot.

To na ba time ng pag I love you ko din. Ano? Ano ano ano ano gagawin ko ano ano ano to na ba time para gawin yung plan kong pag sagot sa kanya? Ano ano--

“Amber “

“ ANO?”

Grabe ayan naisigaw ko ata. Nanggugulat  kasi.  nag iisip pa ako eh

“ ahh ehh ano yun??” tanong ko sakanya malumanay nayan.

“ natahimik ka na kasi eh. Amber galit ka ba?”

Whaa ang lungkot ng face nya. Amber naman kasi ano ano iniisip mo  pwede naman mag I love you too na lang at kayo na.

“hala.. hindi ako galit ahh. At bakit naman?”

“ eh kasi ang lalim ng iniisip mo tapos  sumigaw ka pa. sorry kong may nagawa man ako. Kung  nag mala stalker na ako sayo. Pero totoo lahat ang sinabi ko.  Mahal talaga kita. Na torpe lang ako kaya hindi ako nakapag confess kagad. Ilang beses ko din namang tinry na mag confess pero pag asa harap na kita kesa pag confess ang gabawin ko eh nasusungitan na lang kita ang kinakalabasan. Kaya sorry sorrysorry. Wag ka na magalit. Sorry sorr—“

Muah :*

Kiniss ko na lang sya bigla smack lang naman. Lagi na lang ako nanghahalim sa kanya ahh.  Tsaka kasi Sorry kasi ng sorry. Wala naman kelangang ihingi ng sorry.

“ relax ka lang okay. Una sorry kasi nasigawan kita. Hindi ko kasi alam sasabihin ko eh nag iisip pa ako ng pwede sabihin sa confession mo tas nanggugulat ka ayon na I-voice out ko tuloy ung iniisip ko.  *pout*"

Ayon napapa smile na lang sya at kita mo sa face ang  relieve. Hay buti naman.

. “ sorry kung nagulat kita. Nagulat sa confession ko at nagulat sa pagtawag ko”

“ nagsosorry ka nanaman eh tama na yang sorry nayan. Ikalawa, sorry … hmm hindi pala. Hindi ako mag sosorry kasi  alam ko ang first at second kiss mo ay ako ng kumaha..eheheeh thankful pa ako dun.-"

“hoy hoy hoy sino nag sabi sayo ma ikaw first kiss ko ?” eh eng cute nya nakapout ang blushing blushing pa hahaha. . iba talaga sya sikat pero nasa lugar yung ginagawa nya at hindi sya chickboy.

“ at sino naman ang first kiss mo kung hindi ako?” pang asar ko sa kanya

“ ahh si.. ..si ano.. si…..”

“sino?”

“si….”

“si?” tinignan ko sya ng mabuti.  Makuha ka sa tingin subukan mo lang magsinungaling

“fine . . oo na ikaw na first kiss ko” *pout* haha nakuha naman sa tingin

“sabi ko sayo eh ako yun eh. Hahaha” cute nya.

“tsk oo na.  eh ikaw sino first kiss mo?”

 Bigla nyang tanong .

“First kiss ko? Hmm sorry hindi ikaw may isa kasing batang ang sarap itapon nun sa ilog pasig ang bigla na lang nanghahalik. Hinalikan ba naman ako. Pero bata pa ko nun 6 years old pa lang ako nun. Pero okay lang yan ikaw naman ang second at third kiss ko - “

Smack :*

Bigla ba naman ako hinalikan

“at ang pang Four mo na kiss. Hahahah. . sana ang susunod pa ako din”

“ baliw ka talaga noh biglang nanghahalik”

“bakit ikaw lang ba ang marunong manghalik nang biglaan.  ako din kaya marunong . Hahaha"

Sya namasaya ang sarap pakinggang ng tawa nya. .makaka elax

“ tsk oo na. “

“ dapat nga pati pang five eh. Kasi kaw twice kanang hinalikan ako. para tie tayo. Pakiss pa ng isa”

" suntok gusto mo? Aba sumosubra na yan ahh. Nxt time na pag sinagot na kita”

“hmm ang daya naman. . kelan mo kasi ako sasagutin”

Ngek nakapout na naman. Busangot ang face. Napaka bipolar lang eh tatawa, bubusangot tas malulungkot .

Hay naku. Kung marami lang nakakita sa nga fans nya dito sa school gano ka bipolar tong lalakeng to eh. Mababawasan sila.

At pabor sa akin yun.

DARE: KISS HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon