P R O L O G U E

3.6K 118 14
                                    

TUMINGIN ka sa akin, please. Lumingon ka lang promise ititigil ko na 'tong pag-stalk at aaminin ko na sa iyo itong nararamdaman ko. Lingon na, please.
"Are you stalking me?"
"A..."
I want to say something but I just can't say it. Shit. Ito na, e. Lumingon na siya. Sabi ko gagawin ko na.
"I'm stalking not yo—" Napatakip ako sa bibig ko. Pilit na kinalma ang sarili. "I'm not stalking you, Calvin."
"You've been following me since I don't know when. I'm pretty sure that's what people called stalking."
"C-can you p-please go out with me?!" Napapikit ako. Ayaw kong makita kung ano ang reaction n'ya. Gusto ko na lang lamunin ng lupa.
I fucking did it. I confessed to Calvin Sy!
"Sure."
Napadilat ako sa narinig kong sagot n'ya. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa mukha n'ya. Walang bahid ng biro ito. Seryosong-seryoso ang mukha n'ya.
"Let's go out."
"E?!"
Kumunot ang noo n'ya at pinag-cross ang braso. "Nagbago na isip mo? Fine with me."
"Ha?! Totoo ba? Seryoso? Makikipag-date ka sa akin?!" Seryosong tumitig lang siya sa akin. "Do you even know me?"
"Shannon Lee, right?"
"How did yo—"
"So, what now? If you are not serious, then get lost. Don't waste my time."
"I-I'm serious! Please, go out with me!"
He gently tap my head. "I already said yes, stupid." I tried to look in his eyes para ma-sure ko talagang seryoso siya pero umiwas siya at bigla na lang ginulo ang buhok ko. "Give me your phone."
"Para saan?" Nagdilim ang aura n'ya kaya mabilis na ibinigay ko ang cellphone ko. Nag-type siya rito. "A-ano'ng ginagawa mo sa phone ko?"
Bigla n'yang nilabas ang phone n'ya. "Got it." Sabay balik sa akin ng cellphone ko. "I will call you." At bigla na lang umalis.
"Is that my brother Carlisle?"
Napatingin ako sa nagsalita. "C-Calvin?!"
"Yo, Calvin. Kanina pa kita hinihintay. Tara na."
"E?!" Nagpapalit-palit ang tingin ko sa magkapatid na Sy. Tiningnan ko ng masama si Carlisle. "You!"
"Hmm? Me?" nakangising tanong n'ya sa akin. "By the way, bro. This is Shannon. My girlfriend."
"Ah! N—" Na-stiff ako sa kinatatayuan ko ng bigla akong akbayan ni Carlisle.
"Back off, okay?"
"Are you seriously dating my brother?" Sasagot sana ako ng 'no' pero hinigpitan ni Carlisle ang akbay n'ya. "Carlisle, hindi ko aagawin ang girlfriend mo, I'm just asking. Stop being too protective. You can let go of her."
Pilit na tumawa ako. "Oo nga. You can let go of me," sang-ayon ko at saka inalis ang pagkakaakbay n'ya.
"Bro, mauna ka na sa kotse, kausapin ko lang si Shannon."
Tumango lang si Calvin at saka umalis. Gusto ko siyang pigilan pero nararamdaman ko ang masamang tingin sa akin ni Carlisle. Ano ba 'tong napasok ko? Sigurado ako kanina na si Calvin ang sinusundan ko. Paano naging si Carlisle?!
"You are brave to confess, but didn't even notice that I'm not Calvin at all."
Gusto ko ng umiyak. Nakakatakot ang nakangising mukha n'ya. Yes, they do have the same face, body built, and even voice, pero ibang-iba ang ugali nila. They are like Angel and Demon twins. At nasa harapan ko ngayon ang demon.
"Hmm. So, what I should do with you?" Namungay ang mata n'ya at lumitaw na naman sa labi n'ya ang isang nakakatakot na ngiti. "Make sure to answer my call, okay? Kapag hindi mo sinagot after three rings, be ready for the consequence."
"C-can you please just let me go?"
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. For a few seconds, may naramdaman akong warmth sa yakap n'ya until nagsalita siya. "If I let go of you now, where's the fun in that?" Humiwalay siya sa akin at nakangiting tinitigan ako. "Be safe, okay? See you tomorrow."
"Carl—" Hindi ko na siya nagawang tawagin pa dahil tumakbo na ito palayo. "Ano ba 'tong pinasok ko?!"

Linaria Bipartita (Published under VRJ books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon