Magical Pen

4.2K 119 54
                                    

Magical Pen





Ako si Sharmaine Pamela Guinto, Isay for short. Mahilig akong gumawa ng kwento. Hindi 'yung kwentong kanto. Nobela ang ibig kong sabihin. Romance, comedy, drama - name it and I'll make one for you.

Madalas na sasabihan nila ako na ang irony daw ng buhay ko. Ang hilig hilig ko daw mag sulat ng mga kwento pero sa totoong buhay daw ba? Ano ang meron ako? Wala. Wala 'yung mga nakakakilig na sinusulat ko. Wala 'yung nakakaiyak na kwento. Lahat wala.

Sabi pa nga nila, hopeless romantic daw ako. Lahat ng pangarap kong love story sinusulat ko lang, pero sa totoong buhay wala naman.

Wala akong boyfriend at sa totoo lang ayoko talaga sa mga lalaki. Hindi dahil iniwan ako ng tatay ko o ano, buo ang pamilya namin. Ayaw ko lang talaga sa mga lalaki, maliban sa kanya. Oo, maliban sa kanya. Hindi ko din alam, lalaki siya 'di ba? Pero siya ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Ang lalaking nag papabilis ng tibok ng puso ko sa isang lingon niya lang. 'Yung tinignan niya lang ako ng hindi sadya pero ang kilig ko umaabot sa langit? Gano'n ang epekto niya sa akin.

Hindi kami magkaibigan o magkakilala personally. Ni hindi ko nga alam kung kilala niya ba ako eh. Basta ang alam ko lang, matagal ko na siyang gusto. Matutuwa talaga ako kung kilala niya nga talaga ako.

"Uupo ka lang ba dyan at panonoorin siyang maglaro?" napatingin ako sa matandang babae na naka-upo na sa tabi ko. Teka, kalian na upo dito si Lola?! Mag-isa lang naman ako dito kanina. "Hindi mo ako napansin dahil pinapanood mo lang siya simula kanina." Nanlaki 'yung mga mata ko. Nabasa niya ba 'yung na iisip ko? "I can read minds."

Napatayo ako at napaatras ng konti. "Whoah! Seriously? P-pero paano? Posible po ba 'yun?"

"Hindi mo kailangang malaman, Isay." Tumingin siya sa field at tinignan ang lalaking kanina ko pa tinitignan. "Mahal mo siya hindi ba? Bakit hindi ka gumawa ng love story niyong dalawa? Ikaw ang bidang babae at siya naman ang bidang lalaki."

Mahal ko siya? Mahal ko na nga ba siya?

Huminga ako nang malalim at tinignan siya. "Nagawa ko na. Ang nakakalungkot lang, kahit ilang libong beses pa akong gumawa, hinding hindi mangyayari ang mga bagay na 'yon." Ang galing niyang mag laro ng soccer. Hanggang ganito lang naman ako eh. Hanggang tingin, hanggang paghanga na lang sa kanya sa malayo.

"Prince Alex, magandang pangalan para sa bagong kwentong isusulat mo." Tinignan ko si Lola. Hinawakan niya ang kamay ko at may binigay na ballpen. "Mag sulat ka gamit ang ballpen na ito at sinisigurado kong mangyayari ang ano mang isulat mo."

"A-ano po?" Nagtatakang tanong ko. Tinignan ko 'yung ballpen. Mukhang simpleng ballpen lnag naman siya para sa akin. Paano naman nito magagawang totoo ang isusulat ko.

"Tandaan Isay, huwag mo lang aabusuhin ang ballpen at sigurado akong mangyayari ang gusto mong mangyari."

"Nilolok-" Na saan na si Lola? Nandito lang siya kanina. "Lola!" Tawag ko. Hinanap ko siya sa buong lugar pero wala na siya.

Tinapos ko lang 'yung game nila Prince at umuwi na din ako. Gumawa kagad ako ng assignment at katulad ng araw araw na routine ko, kinuha ko 'yung notebook ko at ballpen- wait. Na saan 'yung ballpen ko? Inangat ko lahat ng notebook at libro ko sa ibabaw ng study table ko- wala.

Kinuha ko na lang 'yung bag ko at naghanap ng panibagong ballpen. Nakita ko 'yung binigay na ballpen ni Lola. Gagamitin ko ba? Wala naman sigurong mangyayari kung gagamitin ko. Mukha namang nagjojoke lang si Lola kanina. Nagkibit balikat na ako at sinimulan na ang pag susulat.

Magical PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon