"Hoy Sander! Gusto ka daw ni Mei!"
Pilit kong inabot ang bibig ni Fia para lamang takpan iyon at hindi na uli humabol ng salita.
"'Wag kang maniwala dito! Baliw 'to!" Natataranta kong bawi.
Nang sabihin ni Fia 'yon ay tumingin lang siya nang mabilis sa gawi namin pagkatapos ay bumalik na uli sa ginagawa.
Inalis ko na ang takip sa bibig ng bestfriend ko nang maramdaman kong huminahon na siya at galit na hinarap ito.
"Nasisiraan ka na ba? Hindi na nga ako pinapansin n'on sa Dance Club tapos sasabihin mo pa 'yon?"
Buong linggo n'on ay hindi ko siya pinansin. Masyado ba? Para sa'kin kasi ay sobrang big deal iyon. Sakaniya ko lang pinagkatiwala at sinabi kung sino ang gusto ko pero ganoon nalang ang ginawa niya.
-
"May nalaman akong bali-balita ah!" Ani ni Red. Isa sa ka-member ko sa Dance Club.
"Gusto mo daw si," Lumapit muna siya sa akin at inakbayan ako bago ipagpatuloy ang sasabihin.
"Si Sander." Bulong nito sa'kin. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinawag niya si Sander sa 'di kalayuan. Hindi agad ako nakatugon dahil nagulat ako sa sinabi nito. Paano sakaniya nakaabot?
"Sander! Alam mo ba na may nagkakagusto sayo dito? Malapit sakin! Malapit na malapit."
Wala akong nagawa kun'di yumuko. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil natatakot ako na baka makumpirma niya lalo kapag nagsalita ako o may gawin pa akong iba. Pero ang mas ikinakatakot ko ay ang tingnan kung ano ang reaksyon niya. Natatakot ako na makita na negatibo ang reaksyon na ipapakita niya. Kaya nalang mas pinili kong tumalikod sa mga ito at lumabas sa silid na iyon.
Ilan lang yan sa mga eksena na makukumpirma na may gusto nga ako kay Sander. Kaya't imposible na lamang na hindi niya pa alam na may nararamdaman ako sakaniya.
-
Mag-iisang buwan na ang nakalipas simula no'ng kumalat ang pagkagusto ko kay Sander. Karamihan nang araw doon ay hindi ako umaattend ng practice. Sobra kasing kahihiyan ang nararansan ko kapag umaattend ako. Madalas nila akong tuksuhin sa harapan ni Sander kaya't napag-isipan ko na huwag na masyadong magpakita dahil baka naiirita na siya sa mga pang-aasar at para na rin humupa ang issue.
Hindi uli ako umattend kanina pero pinatawag ako ng Instructor namin para kausapin. Pinaalam niya na kailangan ko na daw maging active sa practice dahil may aattendan daw na event ang Dance Club at kailangan ang participation ko.
Sinubukan kong tumanggi na sumama ngunit hindi ako pinayagan dahil humingi ito ng mabigat na reason at wala akong naipresenta.
-
"1 week 'to ah!"
Pang ilang ulit na 'yon ni Fia kaya hindi ko na siya pinapansin at patuloy lang ang paglalakad ko patungo sa practice room namin.
4 pm ang call time pero 4:30 ko napagdesisyunan na pumunta para kung sakaling late ang aming instructor ay hindi ko na kailangan maghintay at tiisin ang pang-aasar ng mga kasama.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa practice room namin ay agad na bumungad sa akin si Red. Kapag minamalas ka nga naman.
"Mei! Long time no see!" Sigaw nito sa'kin kahit na magkatapat lang kami.
Sa inis ko ay hindi ko siya pinansin at dumiretso na lamang sa pinakamalapit na upuan. Iginala ko ang tingin sa paligid at napansing wala pa rin ang instructor namin at ang ilan.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala pa din si Sander pero nag head down pa din ako sa lamesa ng upuan ko para akalain ng mga kasama ko na nagpapahinga ako at hindi maisipang mang asar o manggulo.