Sino nga ba "Siya"?

67 1 0
                                    

Sino nga ba Siya"?

Marahil sa mga oras na ito ay naguguluhan pa din siya,
Dahil sa kaiisip ng mga nangyayari sa kaniya.
Kung bakit sa araw araw na ang alam niya ay masaya siya,
ay mayroong palang nagtatagong lungkot sa puso niya.

Palagi siyang namamangha sa mga nangyayari sa kapaligiran niya, sa kung papaanong nangyayari ang mga bagay bagay at sa kung papaanong nagsisimula ang lahat na natatapos nalang ng biglaan.
Minsan din siyang naniwala sa tadhana, dahil minsan din siyang umasa at nagpakatanga sa isang pag-ibig na akala niya ay mayroon ngunit wala naman pala talaga.

Paulit ulit siyang umasa, paulit ulit siyang nagpakatanga, paulit ulit niyang ginagawa ang lahat ng alam niyang hindi tama,
Paulit ulit siyang umasa, paulit ulit siyang nagpakatanga, paulit ulit niyang ginagawa ang lahat ng alam niyang hindi tama,
Kaya't paulit ulit siyang nasaktan
Paulit ulit, paulit ulit.
Nahihilo na siya sa mga nangyarari sa kanya, na tila di na niya alam ang gagawin niya.

Gagawin niya sa buhay niya sa kung ano ang ninanais niya,
Ninanais niya ngunit palagi na lang siyang nabibigo at nasasaktan.
Nasasaktan ngunit sinusubukan pa din maging masaya para lang hindi mapansin ang kalungkutan niya,
Kalungkutan niya na hindi niya maialis sa puso niya dahil sa tindi ng pagmamahal sa kanya.

Pagmamahal sa kanya, na kahit nagpapakatanga na siya ay pilit pa din siyang kumakapit at umaasa sa kaniya.
Pagmamahal sa kanya, na kahit di na tama ang mga ginagawa ay nananatili pa din siya sa kanya.
Pagmamahal sa kanya, na kahit hirap na ay umaasa pa din na balang araw ay magkakaroon din ng pagtingin para sa kanya.
Pagmamahal sa kanya,
Pagmamahal na ninanais niya, na hanggang ngayon ay hinahanap pa din o hinihintay pa rin niya kahit mahirap para sa kanya.
Pagmamahal na ipinagkait sa kaniya, na akala niya ay para talaga sa kanya ngunit umasa lang pala at nagpakatanga para sa kaniya.

Sino nga ba siya? Siya na naguguluhan pa din sa mga oras na ito? siya na hindi malaman kung mayroon pa bang patutunguhan pa ito, siya na ang tanging alam ay umasa at magpakatanga, siya na hindi na alam ang talagang nais niya, siya na nawawala na sa kung anong nais niyang mangyari sa kaniya, siya na naguguluhan sa mga kaibigan niya, siya na hindi alam kung muling iibig pa, siya na hinahanap pa din ang sarili niya, siya na tila hindi talaga siya, siya na ako pala ang tinutukoy niya, siya na naguguluhan pa din hanggang ngayon sa kung ano ba talaga ang papel niya sa mundong ito! Dahil hirap na hirap na siya ngunit di pa din sumusuko sa pag-asang makikita din niya ang pagmamahal na hinahanap niya.

Palagi siyang namamangha sa mga nangyayari sa kapaligiran niya, sa kung papaanong nangyayari ang mga bagay bagay at sa kung papaanong nagsisimula ang lahat na natatapos nalang ng biglaan. Matatapos ng biglaan at masasaktan, mawawala sa kaisipan ang lahat ng pinangakuan.
Kaya't siya ay natauhan at di na muling magpapakatanga pa, di na siya muling aasa pang muli, at di na niya muling susubukang umibig pa ulit ng isa pa.
ngunit naguguluhan pa din siya sa kung anong piyesa ba ang kaniyang bibigkasin, kung tungkol ba sa kaniya o tungkol sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga salita ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon