"Omg! Ang gwapo talaga niya!" Nasabi ko nalang habang nakatitig sa stolen picture niya na ako mismo ang kumuha nung nakasakayan ko siya sa jeep.
Siya si Mr. 234. At ako naman si Liyab.
2 years ago nang makilala ko siya. I don't actually know his name. Lagi ko siyang nakakasakayan and maybe it was love at first sight. Haha ewan. Ang landi ko yata omg.Ang gwapo niya. Promise yan! Matangkad at maputi pa. Hoho! Nung grade 8 ako, nalaman kong bagong lipat sina 234 ng bahay medyo malapit sa amin. Ang sabi ng kapitbahay namin, galing daw silang Manila.
Nung panahong yun, nagkaroon ako ng interest sa kanya. Hindi siya lumalabas ng bahay nila. At ganun din naman ako. Ayaw kasi ng parents ko na lumalabas ako pag wala namang importanteng lakad. Overprotective sila sa akin kahit nung bata pa ako kaya wala akong masyadong kaibigan noon.
Kada nakakasakayan ko siya, ang weird ng expressions niya. Meron yung time na nahuli niya akong nakatingin sa kanya at bigla na lang nagsalubong ang mga kilay niya. Minsan nga mukha siyang masungit. Hindi ko tuloy alam kung naiirita siya tuwing nakakasakayan niya ako o badtrip lang talaga siya o baka naman may cold attitude talaga siya. Pero ang nakakakilig, minsan nakikita ko sa peripheral vision ko na tinitignan niya ako. Yieeeehh kyaaaaah!! Lubdublubdub my heart!
Tapos ilang beses ko na din siyang nakatabi sa jeep. Kyaaaaah! The thought of he's beside me and we might going to touch when the jeep is fast. Mwehehehe ang hirap magpigil ng kilig. Katabi ko siya eh. Katabi talaga. Haha meron pa nga yung time na katabi ko siya at nagkataon na nagplay yung Jeepney Love Story ni Yeng.
Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
Di makapaniwala
Parang may hiwagang nadama
Nung tumama sayo ang akin mga mata
At nagsiksikan na
Dahil tumigil ang jeepney sa tapat ng eskwela
Biglang nagkadikit
Puso ko'y biglang sumikip
At natulalaDumaan ang panahon, may mga konti na rin akong alam tungkol sa kanya. Nalaman ko kung saan siya nag-aaral. Sa University of Pangasinan. Pareho lang pala kami ng taon.
Nung mag g-grade 11 palang ako, first choice ko talaga ang University of Pangasinan. Dream school ko kasi talaga yun. At dun din nag-aral ang parents, ate at mga pinsan ko. Kaya nung nalaman kong dun siya nag-aaral, mas lalo akong naging eager na lumipat ng senior high doon. Mas gaganahan pa akong mag-aral kasi lagi ko na siyang makikita.
Ngayong grade 11 na ako, hindi pa rin nawala ang pagkagusto ko sa kanya. Kung dati nagustuhan ko siya dahil sa looks niya, ngayon mas nadagdagan pa ang dahilan kung bakit gustong gusto ko siya.
President siya ng Supreme Student Council sa school namin. Tapos siya pa ang rank 1 nila sa klase. Sad to say, hindi kami magkaklase. Magkaiba kasi kami ng track. Lalo akong nahuhulog sa kanya. Ang tali-talino niya. Omg! Nasa kanya na ang lahat! Ako nalang ang kulang!
I used to call him Mr. 234 kasi hindi ko talaga alam ang pangalan niya noon. Hindi kasi nakasuot ang ID niya tuwing makakasabay ko siya. It's actually his home number address. 234.
Dahil nga sikat siya sa UPANG, school namin, nalaman ko na rin sa wakas ang pangalan niya. Siya si Kristofer Yu. Ang manly ng pangalan. Gwapo *O*
Ginagawa ko ang lahat ng pwedeng paraan para lang mapalapit sa kanya. Sumali ako sa organizations at clubs na kasama siya. Kahit papaano naman ay nakakasama ko siya. Yun nga lang, hindi kami nag-uusap. Kahit nga sa Theater Club sinalihan ko kahit na alam kong wala naman akong talent dun. Wala pa kasi akong naging experience. Pero kasi... Waaaaaah!! Gagawin ko ang lahat! Maaring hindi ko pa nadidiscover ang talent ko pero naniniwala akong lalabas din ito. Tiwala lang!
Papunta ako sa office namin sa theater club. Dala- dala ko ang gitara ko. Tahimik na lugar kasi doon. At doon madalas akong tambay pag wala kaming klase.
Malapit na ang foundation day namin. Madaming contest and program na magaganap kaya puspusan ang trabaho namin. Magp-practice na akong kumanta at mag-gitara. Gagawa kasi kami ng production sa club.