Cloud's Pov.
Ilang oras pa kaming nag-inuman. Alas dos na pala ng madaling araw.
Tinamaan na rin ako sa alak.
"Bro, uuwi na ako." paalam ko.
"Hatid na kita bro." -Aeious.
Tumango ako. "Salamat bro, sa uulitin. Ikaw Riley umuwi ka na din baka makipag-away ka pa."
"Hindi gago. Sabay na kami ni Zeus. Hahatid ko pa 'to hindi niya dala kotse niya."
Tumango na lang ako saka tumalikod at naglakad na kami ni Aeious palabas ng bar.
"Bro, excited na akong pumasok. Kumpleto na tayo eh malamang at uugong talaga ang pangalan nating apat sa S.U."
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Malamang nga." sabi ko. "Hindi ka pa ba uuwi pagkahatid mo sakin?"
"Babalik ako don at aalalayan si Zeus at Riley. Susundan ko lang hanggang sa makauwe."
Tumango ako saka sumakay na sa kotse niya.
Hope's Pov.
Muling nag-beeped ang phone ko.
'I'm waiting for you baby."
Tsk. Binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng kotse ko.
Bakit ba kasi kailangang dis oras ng gabi makipagkita? Tumakas lang tuloy ako.
Kriiinggg Kriiingg
I answer the call.
"Yeah. I'm on my way." iritadong sambit ko.
"Bilisan mo baby."
"Oo, malapit na ako. Sunduin mo na ako sa labas ng bar."
"Okay, iloveyou!"
"I love you too."
And I ended the call.
Ilang minuto ko ding tinahak ang daan papuntang Dela Vega's. Pagka-park ko ay agad ko naman siyang nakita sa labas.
Nilapitan ko ito. Halatang may tama na ito sa alak.
Nagulat ako nang bigla niya akong higitin at mabilis na inangkin ang labi ko.
"Oh my god. Let's go home you're tipsy."
"Yes. Let's go home."
Nagulat ako nang sumulpot bigla si Riley sa likod niya.
"Iuwi mo na 'yan Hope. Baka kung ano pang mangyari 'dyan."
Tumango na lang ako at tinulungan ako ni Riley na isakay siya sa kotse ko.
"Thanks Ri."
Tumango siya at sumakay na din sa kotse niya.
Pinaandar ko agad ang kotse ko para makalayo sa bar na 'yon.
"Zeus, are you okay?" tanong ko.
"Baby, I missed you so much. Didn't you miss me?"
"I missed you. Malapit na tayo saglit lang." ani ko saka hinawakan ang kamay niya.
Nang makarating kami sa Condo niya ay inalalayan ko siyang maglakad.
I enter the pin.
Bahagya pa akong nagulat dahil ayun pa din. Agad ko siyang hiniga sa kama.
BINABASA MO ANG
The Campus Bitch Princess
Teen Fiction"I'm Axyle Jin Segova, I'm your bad girl and no one can take you away from me 'coz I'm willing to be a killer just to be sure that you're only mine. ONLY MINE."