Ni: Apple Joy R. Fuentes
I.
Nung una, hindi ko pinansin kanyang nararamdaman
Sapagkat ang puso ko'y puno ng pag-aalinlangan
Nung nang siya ay aking makilala ng lubusan
Biglang naglaho sa aking puso ang mga agam-agamII.
Mayroon s'yang takot sa Diyos at marunong gumalang
'Sang taong makikilala ko ng 'di inaasahan
Pagiging malambing niya sa puso'y, nakagagaan
Pag-amin nya ng kanyang nararamdaman, 'sang bagay na aking hinangaanIII.
Ayokong sagutin sya ng hindi ko pinaghandaan
'Pagkat para sa akin, hindi yun ang tamang paraan
Lahat ng bagay ay pinag-iisipan
At dapat totoo at tapat ang bawat salitang binibitawanIV.
Sana ay huwag magbago ang kanyang nararamdaman
Alam kong nauunawaan nya, ugnayan naming dalawa sa kasalukuyan
'Pagkat isa s'yang taong may mabuting kalooban
Laking pasasalamat ko sa Naglalang,
'Pagkat s'ya'y sa aki'y inilaan(MALAYA)
BINABASA MO ANG
Macho
PoetryThis is a tagalog poem written by me. I dedicated this for my boyfriend who's one of my inspiration & someone who makes me happy. The content of this poem is all about him, us, when we were not yet committed to each other. I hope you will enjoy read...