Vote and Comment.
Kittypink_baby.
-------------------------Chynna's pov
" Im so sorry, Hindi ko alam na Principal pala yung Daddy mo. Kaya pala ganyan yung trato sayo. Parang hari, Nakonsensya lang naman ako sa babae eh. Ginamit mo lang pala, eh kung ikaw yung babae, tapos siya yung lalake, matatanggap mo ba? Diba hindi? Kaya sorry na" ani ko.
"Sorry na oh. Diko naman sinasadya eh. Peace na tayo ha? Tsaka sabihin mo sa daddy mo, Wag na kaming ipapatanggal sa scholar. Kasi mahirap kami"
Biglang may kumatok sa pinto. I guess tatawagin na nila akong kakain .
"Ate kakain na raw, tsaka sino po yung Kausap niyo?" Tanong ng kapatid ko.
Yes, Im right.
" ah wala. Wala. Mmm nagpra'praktise lang ako Para sa -- para sa Drama Play oo Drama play Namin bukas, Sge pakisabi susunod na ako" palusot ko. Haaaaay. Ano ba naman to. Ang hirap.
Nasisira beauty ko dito eh. My god.
Lumabas na ako. Nasa lamesa napala silang lahat. Ako nalang ang wala.
"Pasensya po"
"Maupo kana" sabi ni papa kaya umupo na ako. Kahit kailan talaga ang sungit sungit niya saakin.
Natapos Ang Kainan. Ng bigla akong Tawagan ni papa.
"Yes pa? " tanong ko.
"Tumawag sa akin yung Principal niyo, pinapatawag ako. Ano na naman ba ang ginawa mo ha? " lagot ako siguro dun sa Pagsusungbat ko sa anak ng principal. Pangsusungbat ba ang ginawa ko? Hindi naman ah. Pinagtanggol ko lang naman ang Nakakaawa? Tapos yung sinabi niya saakin/Saamin? POOR PEOPLE ? Porket mayaman na sila?
"Kase poo--"
"ANNOOO? "
"Nakalaban ko po yung anak niya" naka bow head ako habang sinasabi ko yun. Ayaw kong makita yung mukha ni papa na nagagalit. Nakakatakot.
"Tinulungan ko lang naman po yung Naging ex niya. Tapos tinawag pa kaming POOR PEOPLE , dahil scholar lang kami. Hindi naman po ata Pwede yun pa eh tsaka Diko naman po alam na Anak pala siya ng principal eh" naiiyak kong sabi
"Pumunta ka nga sa kwarto mo bw*st ka, pahamak ka sa Buhay ko. Palagi nalang na ganyan. Alam mo, wala kang pakiramdam eh. Dika nag iisip. Tapos ngayon iiyak iyak ka? Ang tanga mo kase eh, kahit kailan dimo ginamit yang utak mo"
Bakit ba siya ganyan? Bakit parang ako nalang lagi yung may kasalanan? Anak niya ba talaga ako?, parang hindi eh.
"Oo ako nalang palagi. Ako nalang yung Bobo. Ako nalang yung Tanga. Ako nalang palagi ang may Kasalanan. Ni minsan ba tay, naiisip niyo yung posibleng isipin namin sainyo habang pinapagalitan ninyo kami, at nagsasalita ng masasama? Hindi diba? Hindi ba kayo natatakot tay? Na baka isang araw, sa Ugali mong yan, wala ka nang pamilyang aasahan pa. Ako yung walang pakiramdam? Hindi po. Kase, kung Wala akong nararamdaman, nasasaktan ba ako Ngayon? Umiiyak ba ako ngayon? , ngayon tay, sino saatin ang walanv Pakiramdam? Ikaw po. Ikaw. Ikaw "
Hanggang sa Naramdaman ko nalang na, May Kung anong Mahapdi sa Pisngi ko , yun pala eh ang Isang Kamay ng tatay ko. Parang Napaso , sa sakit.
Diko na pala namalayan na Natumba na pala ako at Nanghihina. Hanggang sa inalalayan ako ng mga kapatid ko na pumunta sa Kwarto namin. Dipa ako tumitigil sa pag-iyak.
--------------"Ate , ate bangon napo. May pasok pa po tayoo".
Nagising ako ng Marinig ang boses ni Kay. Kapatid ko. Grade 7.
"Ouchh". NapaHiga ulit ako ng, maramdaman kong masakit ang aking ulo. Siguro dahil sa pag iyak ko kagabi.
"Ate are you okey? Kase kung dimo kaya ate, lumiban kanalang sa klase. Para magpahinga at. Matanggal yang sakit ng ulo mo."
"Hindi. Papasok ako. Hintayin niyo ako. Maliligo lang ako." Pinipilit kong tumayo kahit sobrang sakit ng aking ulo't katawan. Ayaw kong lumiban sa klase at, gusto kong humingi ng tawad kay Loyd tsaka kay Daddy niya.
Nakita ko si Papa sa pintuan namin. Pero Agad rin siyang umalis, ng makita niya akong nakatingin sa kanya.
"Sure ka ate? " tanong ulit niy.
"Yes, dont worry. Im okey. Anong oras na ba? Oh mag se'seven na pala. Mauna kana Para dika malete. Babay"
" pero at--"
" pssshh. Sge na labas na. "
"Haaay. Sge na nga po. Babay po kita kits nalang po sa school.."
Kahit kailan, maalaga parin itong si kay. Mahal na mahal ko yan eh.
Natapos akong naligo at Nagbihis. Paalis na sana ako ng
*bzzzrkk* *bzzzzrkk*
Nagutom ako. Dipa pala ako kumakain. Gutom na sikmura kko."Anak, kumain ka muna tsaka bakit namamaga yang mata mo? " tanong ni nanay. Ayy oo nga pala. Tulog napala siya noong gabing iyon. Kaya diniya ako ipinagtanggol.
"Ah eh, wala po nay. Late lang po kase akong natulog, dahil sa -- sa drama play namin ngayon nay. Oo nay. Drama play po yung dahilan ko" pag papalusot ko. Ayaw kong sabihin kay nanay ,baka amg-away sila nang dahil saakin. Ayoko na.
"Nay, babaunin ko nalang po Ito. Para duon ko na po kakainin. Malelate na kasi ako" sabi ko. "Oh sige. Kainin mo yan ha? Wag mapapalipas gutom"
"Opo. Sge po nay........ Tay"
---------------------------------------------
BINABASA MO ANG
She's My Maid.
RomancePag-ibig ay Maraming Kahulugan mula sa isang bagay na nagbibigay ng konting ligaya. Pero pag Naramdaman mo na Ang totoong Pag-ibig, Maraming tanong Ang hindi mo masagot sagot. BAKIT? ANO? KAILAN? SAAN? at PAANO? Kakayanin mo paba ang patagong re...